ToGETher

1.1K 18 5
                                    

PROLOGUE

“Geric, enough for all the restraining...”

If you could just imagine the horror in my face at the sight of her slowly taking off her clothes in front of me.

“For the love of all that is holy Nicka! Stop doing this to me!”

I’m trying my best to shake off this f*ckin’ libido. Matagal na. But… NO. This is definitely not right! Napahawak ako sa ulo ko. Mababaliw na yata ako.

“What? N-nicka?” Garalgal niyang sabi. Huli na nang ma-realize ko ang sinabi ko. Natigilan siya at naitakip ang kamay sa bibig.

Sinundan iyon ng pangingilid ng luha at mahinang hikbi.

At ang mga hikbi n’yang ‘yon ang nagbalik sa’kin sa katinuan. “Amy… Amy sorr--“

“Sabi mo ako si Nicka! Ngayon naman ako na si Amy? Ano ba talaga?!”

Maski ako ‘di ko alam ang sagot sa tanong na ‘yan.

Lumapit siya sa akin at pinagsusuntok ang dibdib ‘ko. Nagkamali ako… Niyakap ko siya nang mahigpit.

She gradually calmed down after a few seconds. Thank goodness. Hinawakan niya ang mukha ko at tumingin sa’kin na namumugto ang mga mata. “Ako si Amy. Ako ang asawa mo. Do you have faith in me? Please naman… How many times should I prove to you? Gagawin ko Geric, paniwalaan mo lang ako!”

She’s in extreme pain, and I don’t want to prolong her agony. Kaya nasabi ko na lang, “Oo. I trust you, Amy.”

“Hindi ‘ko alam kung bakit pa ako nandito. Gusto ko na ring manahimik. Sa dinami-dami naman ng tao sa mundo bakit sa katawan ng kapatid mo pa? Bakit kay Nicka?!” Nagtuloy-tuloy na naman ang pagbuhos ng mga luha sa mata niya. At nasasaktan ako.

Nasasaktan bilang ASAWA.

Nasasaktan bilang KUYA.

Nasasaktan para sa SARILI ko, because I’ve nothing to do…

…than to tolerate this bizarre twist of fate of seeing my WIFE’S SOUL...

…inside my SISTER’S BODY.

***

New short story! Nawalan ako ng confidence magsulat uli. Kapalan na lang. Haha.

Umpisahan na ang intriga, kontrobersiya at… ANO NGA KAYA?

Salamat sa pagbabasa. :)

mariafebee

ToGETherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon