2 - TURMOIL

181 14 1
                                    

Nakaupo ako sa kusina at pinagmamasdan ko siya na nakikinig ng music sa earphones habang naghuhugas ng plato. Amy has that habit. The heck. Gusto ko na yatang maniwala.

“How’s your school?”

Nilingon niya ako. “Ano’ng sabi mo?”

Ewan ko ba. There’s always this something that’s pushing my body towards her. Kusang lumapit ang mga paa ko at tinanggal sa mga tenga niya ang earphones, which is hindi ko dapat ginawa. We got locked in each other’s gaze. This can’t be. Ako ang unang umiwas ng tingin.

“Pa’no mo ko maririnig kung naka-earphones ka d’yan? Tinatanong kita kung kumusta school. Anything peculiar happened?” Muntik na Geric. Muntik na.

I saw her composed herself as well at tinuon ulit ang atensyon sa hugasan. “Are you asking me or Nicka?”

“Ah gan’un? Si Nicka siguro ang tinatanong ko.”

Natawa siya. Halata namang inaasar niya ako. “I didn’t know that your sister is that active. I really became proud being her. Nakakatuwa. She holds lots of positions in school and maintains good grades. Ang dami rin niyang friends. Pang-Ms. Congeniality! Tuwang-tuwa nga sila n’ung nakita nila ako. I mean… SIya. But on the second thought, hindi ko alam kung kaya ko bang panindigan ‘to. Sumakit nga ulo ko kanina sa dami ng mga lumalapit. Gusto pang ipatapos sa’kin ‘yung mga naiwang trabaho ni Nicka sa school kasi kailangan na daw ‘yun.”

Biglang gumuhit ang lungkot at pag-aalala sa mukha niya.

“Dapat nagpasundo ka sa’kin kanina. Ako na ang bahalang magpaliwanag.”

“No need. Sinabi ko na lang na nagkaroon ako ng slight amnesia dahil sa accident, and that ‘di pa ako fully recovered. I think naintindihan naman nila.”

I heaved a sigh. “That’s a relief then.”

“Oo nga. Tapos natatandaan mo ba ‘yung bestfriend ni Nicka na si Rose? ‘Yung nakikikain dito sa bahay minsan? Tinulungan niya ako i-familiarize ang sarili ko sa school. Your sister really found a good friend in her. ‘Yun nga lang…”

“’Yun nga lang ano?”

She stopped short, and then shrugged her shoulders. “Wala lang siguro ‘yun. Anyway Geric, ano… Have you returned Remy to her crib?”

Chills suddenly run down through my spine. Oo nga pala. “H-hindi pa.”

“Let’s do that together. Matatapos na rin ako dito.”

***

Dahan-dahan niyang nilapag sa pit ang wooden box. Sabay namin iyong tinabunan ulit ng lupa pagkatapos.

Nakita ko ang pangingilid ng luha sa mga mata niya. NIyakap ko siya at tuluyan siyang umiyak sa dibdib ko.

“Siguro ngayon nag-aaral na rin sana siya. Kaya lang hindi ko man lang siya bingyan ng pagkakataong mabuhay.” Sabi niya sa pagitan ng mga hikbi.

Hinaplos ko ang buhok niya, “Shhh… ‘Wag mong sabihin ‘yan. ‘Di lang ikaw ang may kasalanan.”

Lalong lumakas ang pag-iyak niya. Yes, we both became selfish during that time. We love each other dearly, and it was our plan to get married after we finished our studies, after we fulfilled our dreams.

Pero nabuntis ko siya, forcing us to get married early.

Neither I nor she accepted the situation. We were almost at the peak of achieving our ambitions. Pero with this sudden commitment, ‘di na namin ‘yun magagawa.

In short, we have our baby aborted dahil sa pagiging makasarili namin. Akala ng lahat miscarriage ang nangyari. None of them know that baby Remy is inside this wooden box and buried in our backyard.

I know Nicka wouldn’t react like this if ever malaman niyang ginawa ko ang bagay na ‘to. This is the reason why I am persuaded that she is Amy, for now. Although hindi dapat. Amy and I heedfully sealed this thing in ourselves. Also, we were already guilty. It’ll haunt us forever. Hindi na namin lalong mapapatawad ang mga sarili namin kung sisisihin pa kami ng ibang tao.

Hindi ko na kaya manatili dito. Itinayo ko siya at inakay papasok sa loob ng bahay hanggang sa tapat ng kwarto ni Nicka.

“You should sleep now. ‘Wag ka na ring umiyak at baka mamaga ang mata mo bukas. Baka lalo ka nilang pagkaguluhan.” Pinisil ko siya sa balikat.

Pero bigla niyang hinila ang dulo ng T-shirt ko. Napatigil ako at tumingin sa kanya. “Geric, just this once, allow me to sleep in our room. With you. Please?”

-=-=-=-=-=-=-=-

Laters baby,

mariafebee

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 09, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ToGETherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon