Chapter 5: Me and my Friend part.1

637 13 1
                                    

"Hoy!"  hinampas ni Dana ang lamesa ni Nadine.

"Ay! Anak ng tipaklong!"

"Hindi tipaklong ang nanay ko! How dare you!" Dana joked.

"Best actress dating teh?"

"Malamang, alanga namang best actor, e babae ako. So girl, ba't parang nakikipagtitigan ka dyan sa ulam mong isda?

Naglalaro ba kayo? Unang pumikit talo?"

"Dana, bakit naman ako makikipaglaro ng 'unang pumikit talo' sa isang piritong galunggong? Hindi naman ako timang para

gawin 'yon, dahil alam ko kahit maging puti na ang uwak, hinding-hindi pipikit yung galunggong.."

"Nadine.Nadine. Alam mo namang nagjo-joke lang ako, kasi naman parang narating muna ang Pluto sa layo ng iniiisip

mo."

Huminga ng malalim si Nadine.

"So, may gusto ka bang i-share sa'kin?"

Lumapit lalo sa kaniya si Dana.

"Wala naman."

"Tss. Ang sungit mo! Hoy, Nadine! Kung akala mo ay nakalimutan ko na yung ginawa mo nung isang araw, nagkakmali

ka! Nagmukha akong tanga nang iwan mo'ko and what hurts the most ay sinundan ka pa ni Fafa Adonis ko! Kinalantari mo ang soulmate ko! How dare you do this to me! Your nothing but a second rate trying hard---- "

"He's my fiance.." putol niya sa pagdra-drama nito.

"Hindi pa'ko tap---" unti-unti nanlaki ang mata ni Dana sa narinig.

"Did I hear it right? Na si Fafa Adonis ko ay.. ay.. What? Your fiance?!!!"

Nadine slowly nodded.

Nagpapadyak ng parang bata si Dana.

"Bhest naman, sa lahat ng pwdeng maging  fiance mo bakit ang soulmate ko pa? Ang rami-raming macho gwapito d'yan

sa tabi tab, bakit yung akin pa?"

Nadine rolled her eyes. 

Kakaiba talaga ang bestfriend niya pagnagdra-drama. Pang best actress na!

"Pwede ba Dana, imbes na ma-relax ako ay lalo ka pang nakakadagdag sa stress ko.."

"Kasi naman.."

"Sssshhh.."

"Paano nangyari 'yon??"

"Ang alin?"

"Paano mo naging fiance si Fafa Adonis?"

"Diba nakwento ko na saiyo ang lahat-lahat, bakit kailangan ko pang ulitin?"

"Kawawa naman si Fafa Adonis.."

"At baket naman?"

"Kasi ikaw ang mapapangasawa niya.."

Napataas ang kilay ni Nads sa narinig.

"Kasi mas maganda ako kaysa sayo. mas sexy, mas ma-appeal, mas matalino, mas hot.."

"Parang may nakalimutan ka.." sabat niya.

"Ano?"

"At higit sa lahat MAS SINUNGALING. Diyos ko, Dana! Habang nagsasalita ka parang gusto kong masuka. Dapat bumili ka

ng peeler."

"At baket?"

"Para matanggal yang kalyo mo sa mukha sobrang kapal.."

====================

CTLS: The Unwanted Marriage [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon