MEN IN ACTION
series 8:
ROUGE MAXIMUS
Chapter 1
Marahas na napahinga si Rouge habang nakatingin siya sa mukha ni Olivia. Ang aga-aga pa ay naroon na naman ito sa Training Camp para puntahan siya. May dala itong pagkain.
"You don't have to do this, Olivia. Masyado na akong nakakaabala sa'yo."
Ngumiti ng maluwang si Olivia.
"Hindi ka abala sa akin."
"Why are you doing this?"
Napalunok si Olivia at sangkatutak na kapal ng mukha ang inipon niya. Di bale na kung mabasted na naman siya basta ba maka-score siya ngayon kay Rouge. Ang lalaking para sa kanya ay pinakamagandang nilalang sa balat ng lupa. Taglay nito ang kakaibang kagandahan ng mukha. Tama, magandang mukha.
"Alam mo naman kung bakit eh. I love you, Rouge..."
Matapos iyon ay pasimple siyang lumapit at mabilis na dumukwang para halikan ito sa labi. Ang plano niya ay isang simpleng smack na nakaw lang ang kanyang gagawin pero nagbago ang plano dahil di na siya makagalaw ng maidampi niya ang labi sa malambot na labi ni Rouge na matagal na niyang pinapangarap. Electricity was all over her. Daig pa niya yata ang basa ang kamay na humawak sa plug ng isang appliance at saka nagsaksak sa socket. Halatang nagulat ang binata sa kanyang ginawa pero mas lalo siyang nagulat ng bigla nitong ikulong ang kanyang mukha sa mga palad nito at binigyan siya nito ng totoong halik na hindi niya makakalimutan. His tongue was conquering her mouth and it drives her crazy... Ginaya niya ang ginagawa nito at napakapit siyang maigi sa mga balikat nito. Para siyang lumulutang. She heard him moan at mas nilaliman pa nito ang paghalik.
Natigilan sa pagjo-jogging ang mga Trainee at Junior Agent sa obstacle course. May ilan pang mga nadapa dahil sa pagkagulat.
"Hey! What are you doing guys? Ano bang tinitingnan niyo-"
Hindi na naituloy ni Aidan ang sasabihin ng mapatingin siya sa direksyong tinitingnan ng mga bata. Napatanga siya at nalaglag ang hawak niyang pito.
"Geeez! Ang aga namang premyo ni Rouge. It so unfair, bakit ako wala?"
Samantala... Natapos ang kiss na akala ni Olivia ay wala nang katapusan. Habol-habol niya ang kanyang hininga dahil hindi niya alam kung gaano siya katagal nakipaghalikan sa lalaking mahal niya. Napangiti siya at tumingin sa mukha ni Rouge. Nakakunot-noo ito at magkasalubong ang mga kilay habang seryosong nakatitig sa kanya.
"That kiss was nothing. You don't deserve it. I only reserved my lips to the woman who catches my heart and it's not you, Olivia. You stole a kiss from me, don't do this ever again. I hope your happy, we made a scene here. You seduce me and I was fallen on your trap."
Her heart broke into a million of pieces. Unti-unting nangilid ang luha sa kanyang mga mata hanggang sa tuluyan na siyang napaiyak. Napatingin siya sa paligid at saka siya na-realize kung ano ang sinabi ni Rouge. Nakatingin ang lahat ng tao sa kanila sa camp. Nag-init ng todo ang mukha niya, nasapo niya ang kanyang bibig at mabilis siyang tumakbo habang nag-iiiyak. She just want to run away...
Biglang naimulat ni Olivia ang kanyang mga mata. Napaungol siya dala ng frustrations habang pasimple siyang nagpunas ng luha sa kanyang mga mata.
"That nightmare again..." yamot niyang wika.
Niyakap niya ang katabing unan at marahas na napahinga. Kaya nga ayaw niyang mag-stay sa bahay niya dahil mapapanaginipan lang niya ang trahedyang iyon ng puso niya. Kaso nga, na persona non grata siya ni Chase sa farm nito ng dalawang buwan. Ang dahilan, nakisawsaw siya sa masalimuot nitong lovelife dahil sa katorpehan nito. At salamat sa pangingialam niya dahil may maganda namang kinahinatnan... Officially, sina Chase at Gabrielle na at malapit na naman siyang makarinig ng Wedding Bells.
BINABASA MO ANG
MEN IN ACTION 8: ROUGE MAXIMUS
RomanceRouge broke Olivia's heart into a million of pieces... so, she decided to forget the guy and move on... kaso, kung kailan siya nanahimik, bigla naman siyang ginulo at kinulit ni Rouge kaya wala din naman siyang ginawa kundi ang gumanti... hanggang s...