Chapter 10

8.7K 312 339
                                    


                                                         Chapter 10


Mahigppit na niyakap ni Olivia ang unan na kanyang katabi habang nakatagilid siya ng higa. Ilang beses siyang napakurap. Hanggang ngayon ay hindi siya makapaniwala sa kagagahang nagawa niya. Nagsinungaling na nga sa kanya si Rouge at lahat na eh nagawa pa rin niyang bumigay. Gusto niyang pagalitan ang sarili niya pero alam naman niyang ginusto din naman niya kasi ang mga nangyari.

"Gaga ka talaga." mahina niyang wika.

Hindi pa rin naman bumabalik ang alaala niya pero siguradong kapag nagbalik na iyon eh siguradong mas malilito ang sistema niya. Bahagya siyang napakislot ng maramdaman niya ang mainit na halik ni Rouge sa kanan niyang balikat marahan papunta sa kanyang leeg, sa punong-tenga niya at sa kanyang pisngi hanggang sa bandang-huli ay naglanding ng mabilis ang labi nito sa labi niya. Isang mabilis na smack.

"Rouge..." saway niya.

Narinig niya ang marahas na pagbuntung-hininga nito at matamang tumitig sa kanyang mukha.

"Anong problema?" untag nito sa kanya.

Yumakap ito ng mahigpit sa kanyang baywang. Isang irap ang ipinukol niya dito.

"Masyado kang magaling mang-seduce. Ikaw ang dapat na ipinapaaresto ko sa salang seduction with the corruption of mind under the rule of article 143..." wika niya.

Isang mahinang tawa ang kumawala kay Rouge.

"Akala ko ba isang kalokohan lang ang article na iyon ni Siege?"

"Alam kong kalokohan pero ni-review ko din eh." amin niya.

Hinaplos ni Rouge ang kanyang noo at hinawi ang bangs niya sa kanyang mukha. Mariin itong tumitig sa kanyang mga mata. Amaze siyang napatitig pabalik dito.

"Olivia, sorry sa lahat ng ginawa ko sa'yong kamanhidan. Pati na rin sa pagsisinungaling ko. Pero hindi ko ihihingi ang pananamantala ko ng sitwasyon. Ginusto ko talaga eh. Puwede bang magsimula tayo sa mas maayos na paraan?"

"Hindi ko alam ang isasagot."

"Olivia..."

Isang marahas na buntung-hininga ang kanyang pinakawalan.

"Masyado akong nabibilisan sa mga nangyayari at nagugulat ako ng sobra. Gusto ko na ngang bumalik ang mga alaala ko eh at nang sa ganoon, maliwanag na sa utak ko ang lahat."

Napatango si Rouge ng bahagya.

"Kung ikaw nabibilisan, nababagalan naman ako. Olivia, hindi mo lang alam kung ano ang mga pagpapahirap na ginawa mo sa akin. Anyways, I deserve it."

Isang maakahulugang tingin ang ipinukol ni Olivia kay Rouge. Napakagat siya sa kanyang labi at saka niya pinaglakbay ang hintuturo niya sa gilid ng mukha ni Rouge, papunta sa leeg nito at sa bandang huli ay dibdib nito. Sa tapat ng puso nito mismo niya itinutok ang kanyang daliri.

"Parang gusto ko ngang maalala ang lahat ng iyon." wika niya.

Hinawakan ni Rouge ang kamay niya at saka hinalikan.

"Alam mo, sa ginagawa mong iyan... Ako ang may naaalalang gawin." pilyo nitong wika.

Agad niyang binawi ang kanyang kamay at hinayaan lang naman siya nito. Iyon nga lang ay isang pilyong titig at ngiti ang napala niya kay Rouge. Basang-basa niya kung ano ang iniisip nito at nakadama siya ng pag-iinit ng mukha. Alam niyang namumula siya.

MEN IN ACTION 8: ROUGE MAXIMUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon