Chapter 4

7.9K 223 18
                                    



                                                                           Chapter 4


Napangiti si Gin nang ihain niya ang order na pagkain ng tatlo niyang kaibigan. Sina Rouge, Clide at si Velvet. Pasara na sana ang restaurant niya pero dumating ang mga ito. Kaya heto, nag-extend siya ng kaunting oras para sa kanila. Naupo siya at nakisalo.

"Kamusta ang harana?" excited niyang tanong.

Napatigil sa akmang pagsubo ng pagkain ang tatlong-lalaki. Nagtinginan ang mga ito at umalingawngaw ang mga nakakalokong tawa. Iyon nga lang ay sina Clide at Velvet lang ang tumatawa dahil si Rouge ay malalim ang pagkakakunot ng noo.

"Mainit na mainit, p're! Pinaulanan kami ni Olivia ng bala!" natatawang wika ni Velvet.

Natawa ng mahina si Gin at saka bahagyang napailing.

"Ang daldal mo talaga! Eh itong Velvet na ito ang may idea ng lahat eh. May nalalaman pa siyang A for the effort. May pa one hundred percent guaranteed pa siyang sinasabi eh hindi rin naman pala uubra." sisi pa ni Rouge kay Velvet.

Nagpaypay si Velvet sa hangin at saka na itinuloy ang pagkain. Napahalukipkip si Gin at napatingin sa mga kasama. Hindi na nagkukuwento si Clide pero ngumingiti ito. Tumingin siya kay Rouge. Halata ang desperasyon sa mukha ng lalaki.

"Ano na ang plano mo?" untag pa ni Gin.

Napangiti ng pilyo si Rouge.

"Kapag hindi ko nadaan sa Santong-dasalan, idadaan ko na lang sa Santong-paspasan!"

Napataas ng kanang-kilay si Gin.

"Oh, really?"

"Yes. I mean it."

Napatango-tango si Gin.

"You know Rouge I have a better tip."

"What?"

"Since, hindi ka pa naman umaabot sa Santong-paspasan... Heto na muna ang gawin mo..."

Sinabi ni Gin ang tip niya kay Rouge. Napa-oh ang labi ng huli at saka napangiti.

"Alam mo Gin, sana ikaw na lang ang hiningian ko ng tip kaninang umaga... Nagkamali ako kay Velvet!"

Tumingin pa siya kay Velvet pero nagpaypay lang ito ng kaliwang-kamay sa hangin at saka prenteng kumain.

Kinabukasan... Medyo tinatamad na bumangon si Olivia. Sinipat niya ang kanyang noo at medyo napaungol siya. May sinat siya. Kaunti lang naman pero ang sama tuloy ng kanyang pakiramdam. Mukhang nakuha niya iyon dahil napagod siya sa paglilinis ng bahay at saka pa siya nagbabad ng todo sa tub. Kung hindi rin naman kasi siya pasaway! Nagtalukbong siya ng kumot pero ilang sandali lamang iyon dahil nahirapan siyang huminga. Narinig niya ang pagbukas ng pinto ng kanyang kuwarto.

"Wake up, love! The sun was already shining brightl! Come on! We have a beautiful sunny day!"

Balik ulit siya sa pagtatalukbong ng kumot. Lalo lang yatang sumama ang pakiramdam niya? Mukhang hindi niya ito napasuko sa umuulang bala. Tinanggal ni Rouge ang itinalukbong niyang kumot at tumitig ito sa kanyang mukha kasabay ng matipid na ngiti.

"Good morning..."

Kunot-noo siyang napatingin dito.

"Hindi ka pa ba nadadala doon sa ginawa ko kagabi?" frustrate niyang tanong.

Isang mahinang tawa ang kumawala kay Rouge.

"Laking-giyera yata ito. Sanay ako sa umuulang bala, Olivia. Kaya huwag mong isipin na mapapasuko mo ako sa ganoon lang."

MEN IN ACTION 8: ROUGE MAXIMUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon