Chapter 6

8.2K 244 48
                                    


­

                                                              Chapter 6



7:34 ng umaga... Tinatamad na kinuha ni Olivia ang mug na nakalapag sa mesa. Uminom siya ng mainit na kape at saka siya marahas na huminga. Wala si Rouge, mukhang napikon ito ng todo sa ginawa niyang kalokohan dito kagabi.

"Bakit ba, eh sa napikon ako sa kanya." baluktot niyang katwiran.

Patamad siyang napangalumbaba at saka pinagtripan ang hotdog sa plato niya. Tinusok-tusok muna niya iyon ng tinidor at saka niya binalot ng tinapay. Mala-monster siyang kumagat.

"Hindi ako dapat makonsensiya kasi noong saktan niya ang damdamin ko noon eh di rin naman siya nakon-"

Nawala ang paglilitanya niya ng makarinig siya ng ugong ng sasakyan sa harap ng kanyang bahay. Mukhang mali siya ng akala. Napangiti siya nga alanganin. Tiyak kakastiguhin siya ng binata sa ginawa niyang kalokohan.

"Speaking of the devil..."

Naghintay siya ng ilang sandali at nakarinig siya ng sunod-sunod na katok sa pinto kasunod ng...

"Ma'm Olivia, nandiyan ka ba?!"

Nadismaya siya sa boses na kanyang narinig. Hindi si Rouge ang dumating kundi ibang tao. Tumayo siya at naglakad paalis ng kumedor. Nagpunta siya sa sala at binuksan ang maindoor. Bumungad sa kanya ang Junior Agent na si Brad.

"Good morning, Ma'm." alanganin nitong bati sa kanya.

"Bakit ka nandito?" nagtataka niyang tanong.

"A-Ahm... Mangyari kasi Ma'm na pinapasundo ka ni Sir Rouge sa akin. Nasa camp siya ngayon."

"Bakit daw?"

"Mag-uusap daw kayo ng masinsinan, sabi niya."

Napataas ng kanang-kilay si Olivia. Malala pa ito sa kanyang inaasahang pagtatampo ni Rouge. Ginalit niya ito. Napalunok siya. Tumingin siya sa mukha ng kanyang kausap. Matangkad si Brad kaya napatingala siya.

"Eh kung sabihin kong ayaw kong makipag-usap sa kanya?"

Pinagpawisan ang Junior agent at nagmamakaawang tumingin sa kanyang mukha. Lumuhod pa ito sa kanyang harapan.

"Ma'm, sumama ka sa akin sa camp... Utang na loob! Lagot ako kay Sir Rouge kapag di kita nadala sa kanya. Beastmode siya ngayon eh."

Napaatras siya ng bahagya.

"Sira ka ba?! Di lalong hindi ko siya haharapin!"

"Ma'm, pakiusap lang... Sumama ka na at harapin si Sir Rouge. Ikaw lang naman ang may kayang tumapat sa pagkabeastmode noon eh."

"Sorry, Brad... Wala sa mode ang katapangan ko ngayon."

Nagulat siya nang tumayo bigla ang Junior Agent at seryosong tumitig sa kanyang mukha. Bahagya pa itong napailing.

"I'm sorry din Ma'm, pero inutusan niya akong kidnappin ka na lang kapag di kita napakiusapan."

Nabigla ang dalaga sa kanyang narinig pero bago pa siya makahuma ay agad siyang pinosasan ni Brad at saka dali-daling binuhat papunta sa mini na kotse na nakapark sa tapat ng bahay niya.

"Brad, ibaba mo ako! Hindi mo ito puwedeng gawin! This is abduction!.."

Ipinasok siya nito sa loob ng sasakyan at saka itinali gamit ang seatbelt kaya siguradong walang paraan para makatakas siya.

MEN IN ACTION 8: ROUGE MAXIMUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon