Chapter 7
Isang alanganing ngiti ang namutawi sa labi ni Olivia habang nakatitig siya sa magandang mukha ni Rouge na may nakasilay na pilyo at kakaibang ngiti sa labi. Huminga siya ng malalim at saka pasimpleng itinulak palayo sa kanyang katawan ang binata pero hindi siya nito hinayaan sa gusto niyang mangyari.
"Rouge, maghunus-dili ka... Hindi pa ako handa, utang na loob." napalunok niyang wika.
"Talaga? Hindi ka pa handa...?" ang pilyong tanong ni Rouge sa kanya.
Marahan nitong hinaplos ang kanan niyang pisngi at napasinghap siya. Nakita niya ang pagbaba nito ng tingin sa kanyang labi, napalunok siya ng katakot-takot dahil nakadama siya ng matinding intimidation mula sa binata. Nasa iisa silang silid at dalawa lang sila doon. Bahagya siyang napailing. Muli niyang itinulak palayo sa kanya si Rouge at sa pagkakataong ito ay hinayaan lang naman siya ng binata. Agad siyang bumangon sa kama at mabilis na tumayo. Nanatili naman sa kanyang kinahihigaan si Rouge. Tinalikuran niya ito.
"Nagbibiro ka lang, di ba? Part lang ito ng parusa mo sa akin doon sa ginawa kong pagpapahid ng sangkatutak na ointment sa iyong likod kagabi. At siyempre, kasama na din doon iyong g-ginawa kong torture kanina." napalunok siyang wika.
Nagpalakad-lakad siya at wala siyang nakuhang anumang sagot mula kay Rouge kaya naman wala siyang nagawa kundi ang harapin ito. Napahalukipkip siya ng makita niya itong prenteng nakahiga ng patagilid sa kama habang nakapangalumbaba at nangingiting nakatingin sa kanya. Nakadama siya ng pagkailang.
"Tumigil ka nga diyan!" naiirita niyang pakli.
"What? Wala naman akong ginagawa ah?" maang-maangan pa ng lalaki.
Nanggigigil siyang napatitig dito. Pero isang nanghahamong tingin ang ipinukol ni Rouge pabalik sa kanya.
"Nagagalit ka na sa akin? Then, go ahead! Punish me, Olivia. I'm waiting for your sweet, hot torment..." napakagat sa labing wika ni Rouge.
Mariing ikinuyom ni Olivia ang kanyang mga kamao at saka naglakad papunta sa may pinto iyon nga lang ay hindi niya magawa iyong buksan dahil computerized iyon at ginagamitan ng password. Naiinis niyang kinatok ang pinto at saka siya muling humarap kay Rouge na nakangisi ng nakakaloko sa kanya.
"What's the password?!" nayayamot niyang tanong.
"Kung gusto mong ibigay ko sa'yo ang password, pilitin mo akong sabihin sa'yo iyon." nakangiting wika ni Rouge.
Inis na nagpapadyak si Olivia.
"Hindi mangyayari iyon! Ini-style-an mo lang ako eh!"
"Alam mo, Olivia... This is what you call a form of arrest under the rule of ART. 143-you commited a major violation. It was a twice unconsummated violation plus humilation, plus slavery plus attempted murder or what so called firing a gun on me with my fellow comrades and etc., etc..."
Gigil na gigil na ikinuyom ni Olivia ang kanyang mga kamay. Dinuro niya si Rouge.
"Huwag mo ngang ipaandar sa akin iyang kalokohang article na iyan ni Siege! Akala mo ba hindi ko alam ang tungkol diyan?! Buksan mo na ang pinto at umalis na tayo sa islang ito, naiintindihan mo?" mataray niyang wika.
"Hindi tayo aaalis sa islang ito hangga't hindi naaayos ang gusot sa pagitan nating dalawa. Hindi tayo aalis dito hangga't hindi ka nakikipagbati sa akin at hindi rin ako nakikipagbati sa'yo. Ikukulong kita sa islang ito bilang parusa sa mga kalokohang pinaggagawa mo sa akin. Sa ayaw at sa gusto mo, dito ka lang na kasama ko. Kung may problema ka doon, mag-isa kang problemahin iyon. Hindi ko bubuksan ang pinto na iyan hangga't hindi ka nakikipag-usap sa akin ng maayos, maliwanag?"
BINABASA MO ANG
MEN IN ACTION 8: ROUGE MAXIMUS
RomanceRouge broke Olivia's heart into a million of pieces... so, she decided to forget the guy and move on... kaso, kung kailan siya nanahimik, bigla naman siyang ginulo at kinulit ni Rouge kaya wala din naman siyang ginawa kundi ang gumanti... hanggang s...