Chapter 5

441 11 5
                                    

~~Aicka pov~~

"Ma ,andito na po ako."-nasa pintuan ako ng mag salita ako ,habang si mama naman ay nasa sofa nakaupo at may kausap siyang lalaki na sa tingin ko mga 39 or 40s na siya , well sa edad nyang yan masasabi mo pa rin gwapo siya. At malamang siya rin may ari ng kotseng nasa labas ng bahay.

Hindi sila nagsasalita nang tumingin sakin , nakatulala lang ang lalaking kausap ni mama. Lumapit ako kay mama para mag mano."May bisita po pala kayu mama, sige po akyat po muna ako sa taas para magbihis."-paakyat na sana ako ng biglang magsalita yung lalaki.


"A-anak ....."-ng marinig ko yun, biglang lumakas ang tibok ng puso ko, humarap ako sa kanila ng dahan dahan. Hindi ko man lang namalayang lumuluha na pala ako , nakatingin lang ako sa lalaking tumawag sakin ng anak.

Lumapit siya sakin at niyakap ako , hindi ako makakilos at hindi ko alam kong ano dapat ang maradaman ko. Kumalas na siya sa pagkakayakap ng magsalita si mama.


"Anak , siya ang papa mo . Ang papa mong gustong gusto mo nang makita . Ang papa mong sa ilang taon ay pinagkait ko sayo. Siya si  Carlo  Choi  ang iyong ama." -Gene. ...

.Sa sinabing yun ng mama ,bumalik lahat nang alala ko simula ng bata pa ako , ang pigiging malungkutin ni mama. Ang araw araw na pag iyak , kaya sa bawat pag iyak ni mama yun din ang dahilan kong bakit ko kinasuklaman ang aking ama . Tapos ngaun andito siya sa harapan ko , para ano?.


"Ama? ... Ang akala ko ho ba wala na akong ama?."-matigas na pagkakasabi ko. Mas namutawi ang galit na nararamdaman ko ngaun.


"Anak , ako to ang iyong papa .. andito ako para makabawi ako sa mga pagkukulang ko bilang papa mo. Gusto kitang makasama , at maparamdam ko sayo ang presinsya ng isang ama."- Carlo..

"ANG KAPAL naman ho ng pagmumukha mo . Ngaun pupunta ka dito para sabihing ikaw ang papa ko .. Pasensya na po pero , hindi ko ho kailangan ang presinsya mo bilang ama. Dahil ok naman na po ako sa labing walong taong walang ama."-sabi kong diniinan ko pa ang katagang 'Ang kapal'..


"Anak , tumahimik ka nga . Hindi kitang pinalaking bastos."- Genne ..


"Bakit ma? Nakalimutan nyo na ho ba ang panahong umiiyak kayo ng dahil sa kanya?"- umiiyak na sabi ko...


"Geneca , sumusobr-.


"Gene . Ok lang , naiintindihan ko naman kong bakit siya nag kakaganyan .At baka ako pa ang maging dahilan ng pag aaway nyong mag ina. Siguro babalik nalang ako sa ibang araw . Geneca anak , sana bigyan mo ako ng pagkakataong makabawi sayo."-pag kasabi nyang yun ay tumakbo ako paakyat ng kwarto ko. Padabog na isinara ko ang pinto .Sa paghiga ko ng kama ay duon ko na ibinuhos ang luhang kanina ko pa pinipigilan.

A life with 6 Boyfriend : Kpop star..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon