Chapter 21

211 4 1
                                    

~~Aicka pov~~

  Andito kami ngaun sa roofttop, dito kasi pumunta si Tin sinundan lang naman namin siya ni Sam. 

Kahit din naman ako na shock ako sa sinabi ni Minwoo kanina. Imagine mo naman kasi sila Minwoo nakarating na sa bahay ni Tin samantalang kami hindi pa namin alam saan sya nakatira. 

Oo, alam namin na mag isa nalang siya sa buhay at ayaw nya pag'usapan ang nakaraan nya. Ok .Sabihin na nating hindi talaga siya pala kwento kung ano meron sa kanya ,sa pagkatao nya..

Tsaka hindi naman namin siya pinilit na magkwento sya tungkol sa mga nakaraan nya. Kasi alam naming ayaw nya maalala ang buhay nyang kasama ang ex boyfriend nyang si Bryan. Alam din naming masyado syang sinaktan ng Bryan na yun, kaya hindi na rin kami nag tangkang magtanong pa. 

Naging magkaibigan kaming lima kahit hindi namin alam ang backround ng isat isa. Kasi ganun naman talaga yun di ba? Kahit na wala kaming ideya kung ano meron sa nakaraan namin basta magkakaibigan kami at tanggap namin kung sino man kami.

Ilang beses na rin naming sinubukang sumama sa kanya sa bahay nya. Pero ayaw nya kami isama , na keso may pupuntahan at may gagawin daw siya. Alam naman naming dahilan nya lang ang mga yun, na ang totoo ayaw nya lang talaga kami isama. 

A life with 6 Boyfriend : Kpop star..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon