Chapter 1

825 18 0
                                    

~~Christine POV~~


Hi! Ako po si Christine Jeresano , 19 years old , isang maharot at malanding babae .. Yeah, narinig nyo yun isa akong malandi at nagbibilang ng boyfriend .. Hahaha ,so ano hate nyo na agad ako?. pwes , love ko kayo . Kaya kung hate nyo ako , wala akong pakialam basta nagpapakatotoo lang ako ..


Opss , kung sa kagandahan tinatanong nyo ?. Yeah ,maganda ako at sexy .. Weew! Pag bigyan nyo na! haha 


Isa po akong sawi sa pagibig kaya nga binago ko sarili ko , dati kasi isa akong Nerd at mahinhin . Pero nong niloko ako ng magaling kung boyfriend na si Bryan . Naging isa na akong mapaglarong babae , lahat ng lalaking lalapit sakin sinasakyan ko ang mga kabaliwan nila kaya sa school  binansagan na akong isang malanding babae ..


So ito na , reality muna tayo ..


Andito ako ngayon sa jeep nakasakay ,papunta ako sa universiting pinapasukan ko .. Ganun parin ng dati pinagtitinginan pa rin ako ng mga tao mapa matanda man o binata , babae man o lalaki .. Lagi nila akong tinatapunan ng tingin .


Kung bakit? Malay ko. Ngayon lang ata nakita ng maganda. Chos!


"Para po."-bumaba na ako at naglakad papasok ng school.

"Ang sexy ahhhh."-Iningusan ko nalang si kuya guard sa pabulong na  pagkakasabi nya baka kasi marinig siya ng isa sa mga teacher dito, mawalan pa siya ng trabaho .. 


Sha nga pala. Im am wearing a  fitted chub na kitang kita ang malalago kung hinaharap , at tinernuhan ko ng minieskirt na color black na kumikintab ..

Oh. Kalma lang pre. Malandi ang role ko dito kaya ganyan suot ko! Alam ko  nagtataka kayo kung bakit ganun suot ko. Well, naka blazer naman ako e, kaya hindi naman masyadong nakakadiring tignan .. Hindi ka naman papapasukin ng gaurd pag nakachub ka lang . May ilan ding nakakalusot pero pag Dean ang nakakita sayo? Boom , lagot ka. madeditintion ka..

Wala pa ata ang mga beehons. tsss, ako na naman ang naunang dumating samantalang ako ang pinakamalayo sa aming lima .. hays , sa canteen na nga lang ako maghihintay .. Matext ko nga muna sila.. Sa isip-isip ko.


Kinuha ko yung phone ko sa bag ko. At nag umpisa na akong itext ang apat na beehon habang naglalakad.


To: Aicka , Angela , Angelica ,Samantha .

Hoy mga beehon's asan na kayo? Try nyo kayang bilisan. Andito na q sa canteen .. sabay sabay nalang tayong pumasok .. ^_^


Sent!


Papasok na sana ako ng canteen ng biglang may pumulupot na mga braso saking bewang.. Pag harap ko bigla nalang akong hinalikan sa labi ..

- tss, si Ivan lang pala isa sa mga lalaking nahuhumaling sa alindog ko ..-Chos!


Ginantihan ko din siya ng halik pero saglit lang ,kumalas agad ako ..

"Babe , ang aga mo atang pumasok ngayon? Wala ka namang klase sa oras nato diba?"-tanong ko sa kanya .


"Yes , you right babe . Mamayang hapon pa ang klase ko .. Namimiss na kasi kita. Hindi ka kasi nag rerespond sa mga text at tawag ko. may problema ba tayo babe?" - nakapout  na tanong din nito sakin..

Tssk , may papout pout pa , hindi mo ako madadala sa pagwapo epic mo jan .. alam mo namang laro lang ang lahat ng to para sakin ..

Nag smerk lang ako then iniwan ko na siya at pumasok na ako sa canteen . Nag order lang ako ng bread at shake ,at nag hanap na ako ng pwede kong upuan ..Maya maya din ay na katanggap ako ng text mula kay Angelica ..

From : Angel .


haha :D uso bebe ang mag antay huh? Malapit na ako.

Abat kung makapasalita to, parang siya mas matanda ahh? Nakalimutan ata ng babaeng ito na ako pinakamatanda sa kanilang lahat . Yeah , ako pinakamatanda pero ok lang naman sakin yun , sanay naman na ako na parang magkasing age lang kami .. 


~~author's note~~


Boring ba ang pov ni christine? hehehe, Ang limang girls lang muna ipapakilala ko .. Alam ko naman kasing kilala niyo na ang anim .. Pero wag mainip malapit na ang moment na yun .. hehehe thanks for reading this story ,hope you ganna like it :))))

A life with 6 Boyfriend : Kpop star..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon