Chapter 32

101 0 0
                                    

8:15 pm.

"Bebe, anong oras na. Hindi pa rin nagigising si Aicka! Marami ng bisita sa baba."-Angel said. Nakatingin lang ito sa wall clock , at pa minsan-minsan din ay titingin sa tv screen ng cctv sa kwartong tinutulugan ng sleeping beauty. Si Aicka.

Hindi siya mapakali. Kanina pa kasi tawag ng tawag si Angela at Sam na nasa baba, kasama ang mama ni Aicka! Sila lang dalawa ni Tin ang nasa kwartong ito. Nakatingin lang sa tv screen, at hinihintay ang pag-gising ni Aicka.


"Relax ka nga lang Gel. Natataranta ako sa ginagawa mo e. At pwede ba, umupo ka nga lang muna! Nahihilo ako sa kakatingin sayo."- Kalmadong sabi nito kay Angel.

Kinalma nya ang pagsasalita, dahil ayaw nito ipakita na siya din ay subrong kinakabahan na rin. Wala naman kaseng ibang pwedeng sisihin kung sakaling pumalpak ang plano na naisip nya.

Mataman lang siyang nakatingin sa tv screen. Minsan din ay napapakagat labi nalang siya pagnaiisip nyang baka bukas pa magising si Aicka!

She closed her eyes and murmured. 'Pls, Aicka wake up!'


Napamulat siya ng marinig ulit ang kanina pa tunog ng tunog na cp ni Angel.

"H-hello.."-sinulyapan nya saglit si Angel, at agad na itinuon ang paningin sa tv screen. "Wala pa, hindi pa nga nagigising. Eh kumusta naman jan?"-rinig nyang sabi ni Angel sa kausap. Hindi nya alam kong sino kausap nito, but she knows that if its not Sam, then surely its Angela.


Nanlaki ang mata nyang nakatingin sa screen ng makita nyang gumalaw si Aicka! She's Awake! Napatayo sya nang umupo si Aicka galing sa pagkakahiga..


Nilingon nya si Angel. "She's awake!"-sabi nya dito. Lumapit naman ito sa tv screen bago nito kinumpirma sa kausap na gising na nga si Aicka. Nakahinga sila ng maluwag ng makita nilang sinisipat ni Aicka ang sarili sa salamin. Marahil nagtataka ito kung bakit siya nakabihis.

Sinipat nya ang Lapel microphone na nasa tenga nya. Pinindot nya ito saka nag salita."Be ready. Ano mang oras ay lalabas na siya.."-Nagkatinginan sila ni Angel at sabay na lumabas na ng kwartong iyon..

Dumiritso na silang bumaba. Sa hagdan ng kusina sila nag daan dahil baka makasalubong pa nila si Aicka pag sa hagdan ng living room pa sila dumaan.. Nahihirapan man sila ni Angel sa gown na suot ay keribels nalang nilang binitbit ang laylayan nito, at maingat na naglakad papunta sa kadiliman..

Marami na ngang tao! Hindi nila makita ang mga mukha ng mga ito dahil sa nakapatay ang ilaw.


~~Aicka pov~~

Naidilat ko ang mata ko dahil may nakapa ako na kung ano sa katawan ko. Napaupo naman ako bigla mula sa pagkakahiga ng mapagtanto kung wala ako sa kwarto ko. Napatingin ako sa katawan ko.


O____O

"A-ano to? B-bakit ako may suot na ganito?"-inilibot ko paningin ko sa kabouan ng kwarto.

Hala. Nasaan ako? Hindi ko nga ito kwarto! Maganda eh! Bumaba ako ng kama at tinungo ko ang salamin na nakatayo sa gilid ng kwartong ito.


O____O

Woaah. A-ako ba to? Bakit ang ganda ko ata? Bakit ako nakaayos ng ganito? Hinawakan ko ang mukha ko pati ang buhok ko. Ang ganda ko naman! Mas lumapit pa ako ng konti sa salamin, pero napadako ang tingin ko sa paa ko ng makita ko sa salamin kung gano ako katangkad.

A life with 6 Boyfriend : Kpop star..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon