"Nathan ano ba dalian mo mag uumpisa na ang misa ang bagal bagal mong kumilos!"malakas na sigaw ng aking ina.
Nagkukumahog naman ako sa pagbaba ng hagdan at halos mahulog na ako sa pagbaba. Pang ilang beses nabang isinigaw yan ng aking ina.
"'Ma naman ba't ba kasi kailangang ang aga aga nating pumunta may second mass pa naman ah may 3 o'clock mass rin mamayang hapon 'bat 'di nalang iyon ang daluhan natin?"hinihingal na reklamo ko pagkababa ko ng hagdan.
"Nako ikaw talagang bata ka napakatamad mong pumunta sa simbahan eh isang beses sa isang linggo ka lang naman kong magpunta doon. 'Di mo man lang ba maibigay ang araw na'to sa ating DIYOS?"sermon sa akin ng aking ina
"'Ma hindi ako tamad sinasabi ko lang na pwede naman tayong mag afterternoon mass eh"depensa ko sa sarili ko.
"Nga pala Nathan tinatanong ka ni Father Jhon kong gusto mo raw bang sumali sa choir ng ating simbahan"sabi ng aking ina nang makasakay na kami sa kotse.
"'Ma ayoko"maikling sabi ko.
"Segi na anak bibiguin mo ba naman si Father"pagkukumbinsi pa sa'kin ng aking ina.
"Ayoko po 'ma 'wag ka nang mapilit"tanggi ko ulit kaya wala s'yang nagawa kundi bumuntong hininga nalang at 'di na nagsalita pa.
Pagdating namin sa simbahan ay agad na pumwesto ang aking ina sa harapang upuan. Medyo maaga kami,nagsisimula palang na magsidatingan ang mga tao sa simbahan. Sa gilid naman ay nagsasanay pa ang choir na kakanta mamaya. Sa pagtingin ko sa grupo ng mga kabataan na nagsasanay na kumanta ay ay napansin kita.
"'Ma may bagong myembro po ng choir?"tanong ko sa mama ko.
"Oo si Mariana 'yan pamangkin ni father Jhon"sagot ng aking ina.
Unang kita ko palang nagandahan na ako sa'yo. Medyo maliit ka mga 5'2 lang siguro,maputi,mahaba ang buhok hanggang bewang,mamula mula ang pisngi,hindi gano'n katangos ang iyong ilong pero hindi rin pango,magagandang mga mata na tenernohan ng mahahaba mong pilik mata. Napakaganda mo lalo na t'wing ngumingiti ka,para kang anghel sa lupa.
Posible ba itong nararamdaman ko?ang lakas ng tibok ng puso ko. Umiibig na ata ako sa unang kita ko palang sa sa'yo.
Nagsimula at natapos ang misa nang hindi ko namamalayan dahil sa maamong mukha mo lang ako nakatingin.
Ang ganda mo talaga.
Pagkatapos nang misa ay agad na lumapit ang aking ina kay father Jhon habang ako ay nakasunod lang.
"Ah hellow po father"magiliw na bati ng aking ina sa butihing pari.
"Magandang araw sa'yo Rebecca"bati naman ni father sa aking ina.
"Oh Nathan kumusta ka?hindi kita makita no'ng nakaraang linggo ah. Ang sabi ng iyong ina ay masakit daw ang ulo mo kaya hindi ka nakasama"baling sa'kin ni father. Nag mano naman ako sa kanya.
"Okay naman po father,pasensya na po"nahihiyang sagot ko dahil hindi naman talaga masakit ang ulo ko no'ng nakaraang linggo at alibay ko lamang iyon upang hindi ako isama ng aking ina sa pagsisimba.
"Siya nga pala gusto mo bang sumali sa choir ng ating simbahan?"tanong ni father
Agad namang lumabas ang imahi ng maganda at nakangiti mong mukha sa isipan ko,naisip ko na kong sasali ako sa choir ay mas makikilala pa kita at mas may tsansa na mapalapit ako sa'yo,kaya mapa "oo"ako kay father.
Hindi kuna pinansin pa ang nagtatakang mukha ng aking ina.
Sabado no'on nang magpaalam ako sa aking ina iyon kasi ang araw ng practice natin sa choir.
BINABASA MO ANG
Faith And Fate (Completed)
SpiritueelIt is a short story. It is about her faith and his fate. She loves him but she loves God too. He loves her but she's undecided.