Chapter 3: Trishanne and Klarize

52 1 7
                                    

Natagpuan na ng mga pulis at rescuers ang 15 estudyanteng namatay sa trahedya subalit nahihiwagaan pa rin sila sa pagkawala ng labimpitong mag-aaral.

3...

2...

1...

Nagising na magkasama sina Trishanne at Klarize sa hindi maipaliwanag na lugar. Isang lugar na madilim, nakakatakot at kasinglamig ng isang bangkay.

Trishanne? sabi ni Klarize

Klarize?Teka nasan tayo? wika ni Trishanne sa kanya

Aba malay ko?Pareho lang tayong first time dito?Tapos tatanungin mo ko? sagot nito kay Trishanne

Ito naman tinatanong lang?Iwanan na nga kita! sabi ni Trishanne sa kanya

Ay!Joke lang naman di ka naman mabiro eh. turan ni Klarize kay Trishanne

Laki-laki mong nilalang tapos duwag ka naman pala!Teka may tao oh! sabi ni Trishanne kay Klarize

Natanaw ni Trishanne sa di kalayuan sa tapat ng liwanag ng buwan ang isang babaeng naglalakad patungo sa kanila.

Puntahan natin baka kaklase natin yun! sabi ni Klarize sa kanya

Eh!Ayoko nga natatakot ako! sabi ni Trishanne

Iniwan ni Klarize si Trishanne at pinuntahan ang babae. Nang sila'y magtagpo, nakita niyang ito ay may belong itim.

Tapos na halloween ah? sabi nito sa babae

Itinaas ng babae ang kanyang kamay at nabigla si Klarize ng makitang may hawak itong patalim.

HUWAGGGGG!!! iyon lamang ang kanyang nasabi nang siya'y saksakin ng babaeng nakaitim sa kanyang puso.

Nagwika rin ang babae ng isang Latin na dasal sa harap ni Klarize. Matapos iyon, iniwan na ng babae si Klarize sa kadiliman.

Nasan na ba yung babaeng yun? bulong ni Trishanne sa sarili.

Habang naglalakad sa pasilyo, nakakita siya ng isang hagdan papunta sa third floor ng building.

Habang siya'y papaakyat, nakita niya na naman ang babaeng nakaitim na belo na nakita nila ni Klarize ilang minuto lamang ang nakararaan. May hawak itong kandila sa kaliwang kamay at patalim sa kanan.

Huwag kang lalapit! 

Patuloy lamang sa pagbaba ng hagdan ang babae gayundin si Trishanne

SINABI NG HUWAG KANG LALAPIT EH

Hindi na kinaya ni Trishanne ang takot, kumaripas siya ng takbo subalit kasunod pa rin niya ang babaeng nakaitim.

Bumaba siya sa ground floor at pagkaliko niya, bigla siyang nagulat sa kanyang nabunggo at nakita.

THE FINAL TRIP (Aristotelian)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon