CHAPTER 6: Joana and Lesly

33 1 0
                                    

Lesly!Gising! sigaw ni Joana kay Lesly sapagkat walang malay itong nakasandal sa pader.

Umaga na ba?5 minutes okay? 

UY!Wala ka sa bahay mo. Nasa "HAUNTED" na lugar tayo!

Biglang nagising si Lesly sa sinabi ng kaibigan.

HUH?HAUNTED???MEANING NAKAKATAKOT? sabi nito kay Joana

Ay Hindi baka Comedy Bar to!Tumayo ka na nga jan!

Dahil sa sinabi ni Joana, agad na tumayo si Lesly at hindi bumibitaw kay Joana. Sinubukan nilang buksan ang doorknob ng pinto ng silid kung saan sila ay kasalukuyang nakatayo subalit di ito mabuksan.

SH*T!Ayaw bumukas Les! sabi ni Joana kay Lesly

AKO NGA! sabi ni Lesly

Sinubukan niya ring buksan ang pinto subalit ayaw pa rin nitong bumukas.

Joana, ayaw niya talaga eh! 

 Bigla silang nagulat nang biglang pumihit ang doorknob subalit hindi naman nila ito pinihit.

JOANA!YUNG DOORKNOB!

Binuksan na ni Joana ang pinto para malaman kung sino ang tao.

"HM!Wala namang tao eh!", sabi ni Joana

Biglang kinutubuan si Lesly, alam niyang may tao sa likod nila na kanina pa nakatitig sa kanila.

Joana, may tao sa likod natin.

Huh?Pano mo naman nasabi?

Joana, kinakabahan ako eh

Natatakot na rin ako Lesly

Pagbilang ko ng tatlo, sabay tayong lilingon sa likod huh! sabi ni Lesly

1...

2...

3.....

Hindi lumingon si Lesly at si Joana lamang ang lumingon. Subalit, wala naman siyang nakita.

Lesly, wala naman eh!

Jo..aa..Joana...Joana...JOANA!!!

Lumingon si Joana sa likod niya at nakita niya ang blacklady na nagpakita rin sa kanyang mga kamag-aral. 

Dahil sa takot ni Lesly, tumakbo siya palayo.

LESLY!!!TULONG!!!

Iyon lamang ang kanyang nasambit habang tinatarak ng black lady ang matalim na kutsilyo sa leeg ni Joana.

JOANA!!!

Napahinto si Lesly nang biglang lumingon ang blacklady sa kanya.

Tumagos na ang kutsilyo sa batok ni Joana at napako rin ang kutsilyo sa dingding dahil sa lakas ng pagkakabaon nito. Umagos ang napakaraming dugo sa dingding dahilan para mamatay si Joana. Patay na nga si Joana subalit mulat pa rin ang mga mata nito.

Matapos niyang patayin si Joana, muling lumingon ang babae kay Lesly.

AHHHHHHHHH!!!!!

Tumakbo siya pababa ng hagdan subalit hindi niya pansin ang bawat baitang kaya nadapa siya. Wala siyang ibang nagawa kundi gumapang pababa para matakasan ang kampon ng impyernong humahabol sa kanya.

THE FINAL TRIP (Aristotelian)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon