AHHHHHHHHHH!!!! napasigaw si Mariz sa kanyang nakita at tumakbo palabas ng pinto ng silid.
Hinabol siya ng kanyang mga kasama na sina Trecia, Therese at Abhie
Oh?Anyare sa yo?Bat takot na takot ka? sabi ni Abhie
May nakita ako eh natatakot na sinabi ni Mariz?
Huh?A...Ano? pagtatanong ni Therese
ITIM! muling sinabi ni Mariz
Anong itim? sabi ni Trecia
Itim na...daga sabi ni Mariz
My gosh -_- tinakot mo kami akala namin kung ano yung nakita mo! sabi ni Therese
Tara, hanapin na natin yung daan palabas sa building na to sabi ni Abhie
Para makalabas sa gusali, nilakad nila ang madilim na pasilyo. Hindi nila alam kung saan sila lalabas.
Nang malapit na sila sa dulo, biglang isinigaw ni Therese ang pangalan ni Abhie.
ABHIE!!!ABHIE!!
OH BAKIT? sabi ni Abhie
Na...na...naiihi ako wait lang!Mariz samahan mo ko! sabi ni Therese sa kakambal
Maryosep!Sige na nga napakaduwag! sagot ni Mariz
Umalis na sina Therese at Mariz para magpunta sa CR. Samantala, naiwan naman si Abhie at Trecia na magkasama.
Nakakatakot naman dito!TRECIA!Nasan ka di kita makita! sigaw ni Abhie
HOY!Nang-aasar ka ba porket maliit ako -_-. sabi ni Trecia
LOL. Sorry :D sabi ni Abhie
Bigla silang napahinto sa isang lugar dahil may nakita si Abhie.
UY!Trecia ang daming libro sa loob oh. Sama ka ba?Magbabasa ako eh. sabi ni Abhie
NAKO!Ikaw na lang! sabi ni Trecia
Pumasok na si Abhie sa Library.
Matapos ang ilang minuto...
AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!! takot na takot na sigaw ni Abhie na umalingawngaw sa buong pasilyo.
ANO yon Abhie??? pangambang tanong ni Therese
SI TRE...SI TRECIA!!!! sabi ni Abhie
Nakita nina Abhie, Therese, at Mariz si Trecia na nasa ground floor, duguan at wala ng buhay.
Sino ang tutulak sa kanya para malaglag? sabi ni Mariz
Abhie ano bang nangyari? tanong ni Therese
Ewan ko. Pumasok ako ng library tapos paglabas ko, ayan na sagot ni Abhie
Baka may serial killer dito? sabi ni Mariz
Tara na baka tayo na ang sumunod. sabi ni Abhie kina Therese at Mariz
Tumakbo na sila pababa ng hagdan na nilalamon ng kadiliman. Di na nila alintana ang nangyari kay Trecia.