Chapter 5: Andrea and Alvin

41 1 3
                                    

Napaka-creepy ng place!Ang dilim, ang dumi, at ang baho! sabi ni Andrea habang naglalakad sila sa pasilyo ng isang gusali.

Napaka-arte ng katabi ko!Ang arte, arte at arte! sabi ni Alvin

May sinasabi ka? sabi ni Andrea kay Alvin

Wala!Sabi ko wala! sagot nito.

Nagulat si Andrea nang biglang kumulog ng malakas at bigla siyang napayakap kay Alvin. Mga ilang minuto rin siyang nakayakap sa kanya.

Andrea? sabi ni Alvin

Bakit? sagot nito

Pwede ka ng umalis kanina ka pa nakayakap sakin eh sagot ni Alvin

Ay!Sorry!Na-carried away lang!hehehe sabi ni Andrea

Habang naglalakad, may biglang tinanong si Andrea kay Alvin

Alvin, hindi pa ba natin sasabihin sa parents natin yung estado natin?

Huh?Ano bang estado?Ano bang sinasabi mo?

ALVIN!Ano ba?Girlfriend mo na ako diba?

Girlfriend?Kelan pa?

Kahapon lang!Di mo ba naaalala?

Hindi...

Hmmm.!Bahala ka!Break na tayo!

To naman!Joke lang syempre. Tutal, girlfriend naman kita, pwede favor?

Ano yun?

Pa-kiss XDDD

Ano ba baka makita tayo ng mga classmate natin!

Tayo lang naman nandito eh, sige na!

Sige na nga pero sa cheeks lang huh.Close your eyes muna tapos close ko rin eyes ko ^_^

SIGE!

Nang hahalikan na ni Alvin si Andrea, biglang binuksan ni Andrea ang kanyang mga mata at nakita sa harapan niya ang black lady na na may hawak na kandila.

AHHHHHHH!!!! sigaw ni Andrea

Ito naman!Kiss lang naman eh, di naman kita ra-rapin!

Hindi Alvin!Sa Harap natin!

Nagimbal si Alvin sa kanyang nakita.

Andrea ano yan?

Di ko alam!

AHHHHHHHH!!!sabay nilang sinabi habang tumatakbo sa pasilyo. Nang pababa na sila sa hagdan, natagpuan nila ang black lady, nakatayo at tila'y nakatingin sa kanila.

AHHHHH!!! muli nilang sinigaw

Subalit, di na sila nakatakbo pa sapagkat may kakaibang enerhiyang humatak sa mga leeg nila papunta sa kamay ng black lady. Dahil sa napakahigpit na sakal na kanilang natamo, ilang minuto pa ay nalagutan na sila ng hininga. Iniwan sila ng black lady sa sahig na nakahandusay at walang buhay.

THE FINAL TRIP (Aristotelian)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon