SAMANTHA's POV
"Samie! What took you so long?" agad na tanong ni Daddy pagkalabas ko ng bahay namin.
Pagkatapos kasi naming kumain ng breakfast ay nagpasya na sila na umalis na dahil panigurado daw na traffic nanaman dahil weekdays ngayon. Ngunit paalis na sana kami ng bigla kong naalala ang aking gitara na naiwan. Kung kaya't pumasok ulit ako sa aming bahay.
"Sorry Dad. Naiwan ko kasi ang guitar ko sa room eh, kaya binalikan ko ulit" sagot ko. Sabay abot kay Yaya belle ng aking guitar at agad naman nya iyong nilagay sa likod ng aming sasakyan.
"Okay. Pumasok kana sa sasakyan at aalis na tayo" Dad said and then he start the engine. I nodded then pumasok na sa backseat, sumunod naman agad si Yaya belle at tumabi sa akin. While Mom is already sitting in front seat with Dad.
*After a while
Totoo nga ang sinabi ni Daddy. Natraffic kami sa kalagitnaan ng biyahe from Manila to Bulacan. Hays.
"Mom, saan nga pala tayo titira sa bulacan? Did you brought a house and lot there?" bigla kong tanong habang nakatingin pa rin sa daan. Wala kasi akong natatandaan na may vacation house kami sa Bulacan eh.
"No Samie. May mansyon ang lolo at lola mo dun sa Bulacan, so doon muna tayo titira. Besides, your lolo and lola is nasa States" Mom answered.
I nodded. "So, tayo lang doon?" I asked again.
Agad naman siyang umiling.
"Nope. Remember your Tita Rose and your cousins Raymond and baby Roxy?" I nodded. "Doon sila nakatira, dati pa." sabi ni Mom at ngumiti.
"Ay sa Bulacan pala sila nakatira. I thought sa US din eh" I said. Natatandaan ko kasi na last year binisita nila ako sa Hospital sa US, so akala ko doon din sila nakatira like Lolo and Lola and my other Tito's and Tita's.
"Pumunta lang sila sa US noon just to visit you" sabi ni Mommy sabay tumingin ulit sa akin at ngumiti.
Magsasalita pa sana ako ng biglang may bumangga sa likod ng sasakyan namin.
*bogsh
"Juskonaenae! Aba'y sino iyon!?" gulat na sabi ni Yaya belle. Nagkatinginan lang kami nila Mommy at Daddy.
"Wait. Let me see" sabi ni Daddy at iginilid ang aming sasakyan. Pagkatapos ay lumabas na upang puntahan ang kabilang sasakyan na ngayon ay nakagilid na rin. Sinundan lang namin sya ng tingin habang nasa loob pa rin kami ng sasakyan.
CLIFF's POV
*ring.... *ring.... *ring...
Fvck! Sino ba ang tumatawag ba yon ang ingay!
Hindi ko na sana ito papansinin at magtatalukbong nalang ng unan ng biglang niyugyog ako ng ugok na lalaki sa tabi ko.
"Sht! Brent ano ba!" inis na sigaw ko.
"Brooo! Yung Mommy mo tumatawag!" natatarantang sabi nya sabay hagis sa akin ng phone ko. Agad naman akong bumangon para sagutin iyon. Naramdaman ko agad ang sakit ng ulo ko. Damn! Hangover!
"Yes Mom" walang ganang sabi ko.
"CLIFF IVAN!! What the hell are you doin'? Ang sabi mo ay magroroadtrip lang kayo eh bakit umaga na, 9:00 am to be exact, ay hindi pa rin kayo umuuwi! Me and your Tita's are so worried! Kagabi pa namin kayo tinatawagan pero di nyo sinasagot! Nasan ba kayo ha?"
tuloy tuloy na sabi ni Mom. She's really worried huh?
I sighed. "Mom! Chill okay?" I said at tiningnan ang dalawang ugok na naghahanda na para umalis.