SAMANTHA'S POV
"What is this thing called Love?"
I was browsing in my internet ng napansin ko ang isang post na ito.
Love? Tss.... sobrang common na nito. I don't know why people still asking about that.
There are countless of poems, stories, movies and songs about that. Everyone knows about that, even a kid. Di ko lang maintindihan kung bakit may nagtatanong pa rin ng ganyan. Di ko alam kung pabebe lang or what, or di talaga nila alam e hays.
But then I realize, is that really love? Yung mga nasa movies sa tv ganon ba talaga ang love? Do I really understand what love is? I've never been in love before. I don't know the feeling.
*sigh"SAMANTHAAA!! Ano ka bang bata ka hindi ba't sabi ko ay pagka gayak mo ay ilabas mo na ang mga gamit mo, bakit nakahilatra ka pa dyan!" sabi ni Yaya Belle habang dire diretsong pumasok sa kwarto ko.
She's my Yaya simula pa nung pinanganak ako. Kaya parang sya na rin ang Second Mom ko. Madalas sya rin ang nagbabantay sa akin sa Hospital non while my Mom and Dad is busy at work.
"Sorry Ya, may tinignan lang po saglit." sabi ko sabay patay ng ipad ko.
"Osya! Ako na ang maglalabas ng mga gamit mo at lumabas ka nalang don para kumain, kanina ka pa hinihintay ng Mommy at Daddy mo." sabi niya habang inaayos ang maleta at mga bags ko.
"Sige po Yaya belle, salamat!" sabi ko at dali dali ng lumabas.
Pagkababa pa lang ay natanaw ko na si Mommy at Daddy sa kitchen kaya naman dali dali ko ng tinakbo ang distansya namin. Myghad! How I miss my Parents!
"Mom! Dad!" excited na sabi ko. Kayuuwi lang kasi nila galing sa bussiness trip last week.
"Oh my God baby! Please don't run!" nagpapanic na sabi ni Mommy at dali dali akong sinalubong habang si Dad ay nakatingin lamang ngunit bakas din ang pag-aalala. Gosh!
"Mom! You're so overeacting, I'm okay now. And I'm not baby anymore!" I laughed.
"You're still recovering Samie, don't be so stubborn!" sabi ni Mommy sabay yakap sakin.
"I miss you baby!" histerikal na sabi pa nya. Napairap nalang ako at dumiretso na ng kitchen and kiss my Dad on his cheek.
"I miss you Dad" I said at umupo na sa upuan sa kanan ni Daddy while Mom sit on his left.
"I miss you more baby" Dad said. And they both laughed.
"Mom! Dad! I'm not baby anymore. I'm now 17!" inis na sabi ko habang pinagmamasdan ang katulong namin na isa-isang hinahain sa lamesa ang mga pagkain.
Mabuti naman at saktong pagkaayos ng pagkain ay bumaba na rin si Yaya belle. Kung kaya't inaya na namin syang sumabay kumain at dali dali naman syang tumabi sa akin.
"Baby.... Uh! I mean Samie, okay lang ba talaga sayo anak na lilipat tayo sa Province? Mom asked.
I nodded. "Yes Mom"
"Nagpaalam ka na ba sa mga friends mo? I'm sure they'll miss you" sabi naman ni Daddy.
"I don't have friends, Dad" sabi ko habang sa pagkain pa rin ang tingin. Batid kong napatingin silang tatlo sa akin but then, nanatili pa rin akong nakayuko at pinagpatuloy ang pagkain.
Yes, It's true. Wala akong kaibigan. Naisip ko kasi non na hindi ko na kailangan ng kaibigan dahil mamamatay rin naman ako agad. I have a heart disease. Bata pa lang ako namulat na ako na hindi ako magtatagal dito sa mundo. That's why noon pa man ilag na ko sa mga tao. Hanga't maaari ayokong mapalapit sa kahit na sino dahil alam kong pagdating ng panahon ay iiwan ko rin naman sila.
But then, thanks to God. Hindi nya ko pinabayaan. He gives me a chance to live a long life. He gives me a second life.
Last year we go to US for my heart surgery. Nagtagumpay ito. I survive. At ngayon ay masasabi ko ng magaling na ko. Pero OA lang talaga si Mommy at Daddy kaya napagpasyahan nila na lumipat muna ng Province at dun ako pag aralin ng College. Dahil mas sariwa ang hangin sa probinsya at makatutulong iyon sa mabilis na pag recover ng puso ko.
By the way, I'm Samantha Romero. A heart surgery survivor.