SAMANTHA's POV
"SAMANTHAAAAA!"
Agad akong nagising sa sigaw ni Yaya belle. Hays si Yaya talaga.
"Yes ya?" inaantok na sabi ko at tiningnan siya na ngayon ay nasa gilid ng kama ko na.
"Aba't bumangon ka na riyan, nandiyan na ang nobya ng pinsan mo at naghihintay na sa iyo" ani ni Yaya.
Agad akong napabangon.
"Omg Ya! Bat di mo agad sinabi" natatarantang sabi ko.
Nakakahiya naman to! Ako na nga ang isasabay ako pa ang hinintay. Hays baka isipin non pa VIP ako.
"Aba't kanina pa kaya kita ginigising" annoyed na sabi ni Yaya. "Osya! Gumayak ka na at igagayak ko na ang almusal mo sa baba" dagdag niya.
"Opo Ya" I said. At dali dali ng pumunta sa bathroom.
Ang room ko dito sa Mansion ay parang katulad lang din ng room ko sa house namin sa Manila. May malaking bed, flat screen television sa dingding, a mini sofa, dresser and also a bathroom. Ang pinagkaiba lang siguro ay wala itong balcony unlike my room, but meron naman itong malaking window na sapat na para makita ko ang tanawin sa labas.
After maligo at magbihis ay humarap ako saglit sa salamin upang mag ayos ng konti. And after that ay bumaba na ako.
By the way, I'm just wearing a simple pink dress and a flat shoes.
Pagkababa sa hagdanan ay natanaw ko na agad si Raymond sa may living room kasama ang isang babae, which is si Niña siguro. Agad akong lumapit sakanila.
"Uh hi!" bati ko sakanilang dalawa na kanina pa ata naghaharutan.
Agad namang napatingin sa akin si Niña.
"Omg! Hello" masayang bati niya sa akin. "Ikaw ba si Samie?" tanong pa niya ng nakalapit na siya sa akin at nakipag beso.
"Yes, I am. You're Niña right?" I said while smiling.
"Ah yes! Ako nga, I mean yes I am pala hehe" she answered
"Bby bat di mo man lang sinabing foreigner pala ang pinsan mo jusko" rinig kong bulong pa niya kay Raymond at palihim na siniko pa ito sa tagiliran.
I laughed. "No. Hindi ako foreigner hahaha"
"Woah buti naman! Akala ko madugong pakikipagsapalaran ito e hahaha charot! Pero kasi naman yung accent mo kanina pang foreigner e" mahabang sabi niya.
"Talaga?" I said
"Oo kaya! Pero myghad! Bby di mo naman ako ininform na artistahin pala itong pinsan mo. Ang ganda ganda oh!" ani niya sabay turo sa akin saka humarap saglit kay Raymond at pagkatapos ay tumitig ulit sa akin habang nakangiti.
I just smiled awkwardly. I really feel so uncomfortable when someone is giving me a compliment and stare at me like that. I find it so awkward. And I'm really shy too.
"Oy bby! Tigilan mo nga yan. Para kang tomboy e" annoyed na sabi ni Raymond at tinakpan ang mga mata ni Niña na agad naman nitong hinawi agad.
"Ito naman masyadong seloso" she laughed. "Sayang ang ganda ko kung magiging tomboy ako no" ani pa niya.
"At di ko kakayanin pag nangyari yon" sagot naman ni Raymond sabay akbay sa girlfriend niyang si Niña na namumula na ngayon.
Ya so cheesy. They looked cute together. Omg!
"Hays ewan ko sayo! Umagang umaga pinakikilig mo ako" ani ni Niña at hinila na ako "Tara na Samie, magbreakfast na tayo para makaalis na here"
"Uh sige" sabi ko nalang at nagpahila na sakanya.
"Feel at home talaga to kahit kailan" Raymond said habang umiiling na sumunod sa amin.
Pagkatapos ngang magbreakfast ay umalis na kami para pumunta na ng School. Hinatid kami ni Raymond ng car niya. 18 year old na siya kaya naman may license na siya at pwede ng magdrive.
After 20 minutes na biyahe ay nakarating na kami sa school. Agad na inihinto ni Raymond ang sasakyan sa may bandang tapat ng gate.
"Oh dito nalang kayo. Bby ikaw na bahala kay Samie ah" ani niya.
"Oo naman bby. Susunduin mo ba kami mamaya?" Niña asked.
"Hindi e. Sasamahan ko kasi si Mama sa client niya. Ipapasundo ko nalang kayo kay Mang Jeff" sagot ni Raymond.
"Okay" Niña said. I just nodded.
And before we go out, they've kiss each other. Smack lang pero bigla akong nailang, feeling ko di ko dapat nasaksihan yon kaya naman agad na akong nagpaalam.
"Uh bye cous" I just said at dali dali ng lumabas ng sasakyan.
Pagkababa ay tinanaw ko ang kabuuan ng labas ng school na ito. Hemilton State University. Ayan ang nakalagay sa napakalaking gate sa harapan ko. Sa labas palang ay halata ng malaki ang school na ito.
"Oy natulala ka diyan, tara na go!" masayang sabi ni Niña sabay hila sa akin. Pansin ko lang masyado pala siyang mahilig manghila.
Pagkapasok sa loob ay agad akong namangha sa luwang at ganda nito. Maraming buildings at pasikot sikot sa loob kaya panigurado kung ako lang mag isa ay baka naligaw na ako.
"Wow ang laki pala nito no" I said habang nililibot ang paningin ko sa paligid.
"Syempre, State University e kaya naman malaki talaga ito. Marami at iba't ibang uri ng mag aaral ang makakasalamuha mo dito. May mayaman, mahirap, bakla, tomboy, maputi, maitim, matangkad, maliit, gwapo, maganda at syempre ang mga masasakit sa mata. Ang mga chararat in short pangit" ani niya at tumawa ng malakas.
Natawa rin ako. She's so crazy yet funny. I like her.
Patuloy sa pagkekwento si Niña habang naglalakad kami papasok sa isang building. Pagkapasok namin ay napansin kong sobrang daming tao. Ang ibang students ay palakad lakad lang sa loob at iba naman ay nakapila ng isang line. Napansin ko rin na nakatingin sa amin ang mga madadaanan namin kaya naman nakaramdam ako ng ilang.
"Ang daming tao, kinabahan tuloy ako" sabi ko habang nahihiyang sumasabay kay Niña sa pagalalakad. Ewan ko ba pero nakakailang talagang dumaan sa hallway tapos lahat ng nakapila sa gilid ay nakatingin sayo parang feeling ko di ako makalakad ng maayos.
"Bruha! Wag kang kabahan, di ka naman kakainin ng mga yan." She joked. "Nabanggit nga sa akin ni Raymond na anti-social ka nga daw, pero don't worry nandito naman ako e tutulungan kitang iconquer yan" sabi pa niya
"Talaga? Salamat ah" I said
"Simula ngayon tayo na ang best of friends ha?" ani niya. I nodded. "So, bestfriends?" ani niya sabay pakita ng pinky finger niya.
"Bestfriends" I said while smilling widely at inilagay ko ang pinky finger ko sakanya.
"Alright" masayang sabi niya. "Tara na!" dagdag pa niya at hinila nanaman ako.
"Saan nga pala tayo pupunta? Hindi ba tayo pipila dito?" I asked.
"Hindi syempre. Apaka haba ng pila oh! Panigurado pag pumila tayo diyan masasayang lang effort natin dahil aabutan tayo ng cut off sa sobrang haba niyan" ani niya habang tinuturo ang dulo ng pila na umabot na sa kabilang dulo ng building na to.
"E ano palang gagawin natin dito? Saka paano tayo makakapag enroll niyan?" takang tanong ko.
"Magpapa assess lang tayo pagkatapos ay pupuntahan natin yung pinsan kong Prof dito, magpapatulong tayong magpa enroll para mabilis hahaha ang brainy ko no?" proud na sabi pa niya.
I laughed. "Oo nalang"
"Tara na, bilisan natin para makapili tayo ng magandang section" sabi ni Niña at muli akong hinila patungo sa kung saan.