kINABUKASAN
Nakabike si Bella pauntang school..naisip nya na para di mahalata na may kaya sya magbibike na lang sya para effective ang pagpanggap nyang Scholar.
Papasok na sya sa gate ng campus ng bigla syang businahan ng kotse sa likod nya. Dahil dito nagulat sya at naoutbalance. Nahulog sya sa bike! 'aray syemay!' dahan dahang tumayo si bella at tiningnan kung sino ang pesteng dahilan ng pagkahulog nya
''ikaw nanaman! ang aga-aga ah binibwiset mo ako!'' sigaw ni bella sa may-ari ng kotse
''Ang pangit mo kasi umalis ka sa daan loser!'' nakangising sabi ni third at tinaas na ang bintana ng kanyang kotse at mabilis na humarurot
''Mas pangit ka! kala mo kung sino kang gwapo!'' sigaw ni bella kahit malayo na ang sasakyan
'pero shet gwapo talaga sya bella aminin mo' umiling na lang si bella at inayos ang sarili at pinark na ang bike nya sa tabi
''Kaya mo to bella! Kayanin mo wag kang magpadala sa mga demonyo sa paligid mo! Go fighting!'' sigaw ni bella
''Ang cute mo talaga! last time kinakausap mo mag-isa sarili mo, ngayon naman your screaming alone!'' nakangiting sabi ng lalake sa likod ni bella
''Jacq! Good morning!'' abot tenga ang ngiti ni bella pagkakita dito
''good morning Miss Bella!'' killer smile naman si Jacq kay bella
''Pwede bang akin na lang yang dimple mo...? ay este may pimple yata ako dito sa may bandang ilong ko...'' pasimpleng hinawakan ni bella ang ilong nya
Napangiti naman si Jacq sa ginawa ni bella, napansin nito ang sugat sa kamay nya at napakunot noo
''What happened to your hand?'' nagaalalang tanong ni Jacq kay bella, kukunin sana nito ang kamay ni bella pero mabilis syang umiwas
''ah! eto? wala to no! haha ang tanga ko kasi kaya nadapa ako! ayun nasubsob ang lola mo!'' kunwaring tumawa si bella para di mahalata nag pagsisinungaling nya
''No! anong wala kailangan natin yang gamutin! kailan pa ba yan?'' hinawakan ni Jacq ang kamay ni bella at tiningnan ang sugat
''kahapon pa to no! pupunta pang clinic eh ang liit lang naman nito! wag na! '' hinila ulit ni bella ang kamy nya palayo kay jacq at tinago sa likod nya
''just do what i say ok..'' mahinahong sabi ni Jacq na halatang naiirita na dahil sa pagmamatigas ni bella
'ang kulit naman nitong si jacq! kinikilig tuloy ako!' tumakbo na si bella para makalayo na sa makulit na si Jacq
''Hey! don't you run on me!'' sigaw ni Jacq at tumakbo na rin para habulin si bella
Naghabulan ang dalawa hanggang makarating sila sa hallway ng Music & Arts building, lumingon si bella para tingnan kung hinahabol pa sya ni Jacq at dahil dito di nya nakita ang taong kasalubong nya at nabangga sya dito
''Hey watch were you're going!'' sigaw nito sa kanya
Ang taong nabangga nya ay walang iba kundi si Third Matteos! Natulala nanaman sya, kumakabog nanaman ang puso nya..nanghihina talaga sya pag kaharap nya ang lalakeng to
'i really hate when i'm near you..i hate you...' umiwas na lang ng tingin si bella magsasalita na sya ng biglang dumating si Jacq
''Pare di naman nya sinasadya just let it go..may sugat pa sya sa kamay..'' hinihingal na sabi ni Jacq dahil sa paghabol kay bella
Tiningnan ni Third ang kamay ni bella..tiningnan nya si bella... at umiwas ng tingin..Tiningnan nya si Jacq at kumunot noo 'is jack chasing this stupid girl?' nainis sya sa naisip nya

BINABASA MO ANG
Love Warning
RomanceBagong lipat lang si Bella Brave sa prestigious school ng BLACKPINK College. Hindi sya nageexpect na maging maganda ang experience nya dito bilang college student, dahil una sa lahat nerd sya. pangalawa scholar lang sya dito,( ayaw nyang ipaalam n...