SABADO
Namamaga ang mga mata ni Bella habang nakasandal sa headboard ng kanyang kama. Sumisinghot pa sya habang humihikbi, hawak ang isang rolyo ng tissue na pinupunas nya sa kanyang mga luha, ng biglang may nagbukas ng pinto
''Oh! Anong nangyari sayo? Bakit ka umiiyak?'' nag-aalalang tanong ni Deona na lumapit kay bella at hinagod ang likod nito
Lalong humagulgol si Bella
''Ano ngang problema Bella?! Kinakabahan ako sayo!'' napatayo na si Deona
''Ano kasi....bakit ganon Deona..ang sakit sakit sa puso...hindi ko matanggap!'' humihikbi pa si Bella habang nagsasalita
''Ano nga?! Pano ko yan malalaman kung hindi mo sasabihin!'' napalakas na ang boses ni Deona
''Bakit kasi namatay si Samjang?! Kawawa naman si Son oh gong! Nakakaasar naman yung writer nitong hwayugi! Papatayin ko sya!'' sigaw ni Bella habang nakaturo sa tablet nyang bahagyang natatakpan ng kumot
Binatukan ni Deona si bella
''Aray naman!'' napahawak tuloy si Bella sa kanyang ulo
''Ano ba Bella! Akala ko naman kung anong problema mo, yang Korean drama lang pala na pinapanood mo ang iniiyakan mo ng ganyan!'' inis na sabi ni Deona at binato kay Bella ang unan na nadampot nito
''Ano ba! Nakakaiyak kasi! Try mo panoorin ng maramdaman mo ang sakit na naramdaman ko...bwiset kasi ung lalake na un, sinaksak si jin seon mi..son oh gong...'' namumuo nanaman ang mga luha sa kanyang mata
''Itigil mo na yan Bella ah! Umayos ka na, di ka ba sasama sa akin sa Bcom?'' tanong nito
''Eeeeehhhh..ano naming gagawin ko dun?'' humiga ito at nagtalukbong ng kumot
''Para naman makilala ka ng mga empleyado ng kumpanya mo..'' sinusubukan ni Deona hilahin ang kumot kay bella
''Bakit kailangan pa nila ako makilala? Eh kaya mo naman yun patakbuhin mag-isa!'' suminga si bella sa tissue na hawak nya
''Kaya ko nga, pero ikaw ang tigapagmana ng BCOM hindi ako..tigapamahala mo lang ako remember? Kahit ngayon lang sana sumama ka sa akin para maipakilala kita ng opisyal.'' Nilapitan nya si bella at tinanggal ang kumot na nakatalukbong dito
''Eeeeeeeeeeeehhhhhhhhh....shiro........'' nakikipag tug of war si Bella kay Deona
(SHIRO KOREAN WORD FOR I DON'T WANT TO)
''Shiro shiro ka dyan! Shikuhin kita eh! Tayo na jan Bella! Sasama ka sa akin sa ayaw mo o sa gust0!'' napagtagumpayan nyang mahila ang kumot mula kay Bella
''Kailangan talaga isama mo ako?'' nagpuppy eyes si bella
''Hindi mo ako madadaan sa ganyan Bella, lalabas na ako mag-ayos ka na at pagbalik ko aalis na tayo!'' kinurot nya sa pisngi si bella at napangiwi ito
''Ouch! Oo na po...nakakainis naman oh...manonood pa sana ako ng I'm not a robot eh...'' tiningnan nya ng masama si Deona habang papalabas na ito
''Dali na Bella ah, wag mo akong tingnan ng masama magasikaso ka na!'' sabi ni Deona
''Hala! May mata lang sa likod? Opo madam! Hmmmp!'' tumayo na sya sa kama para magasikaso
AFTER 1 HOUR
Habang nagsusuklay si bella sa harap ng salamin, may kumatok sa pinto
''Bella hindi ka pa tapos?'' iniluwa si Deona ng pinto

BINABASA MO ANG
Love Warning
RomantizmBagong lipat lang si Bella Brave sa prestigious school ng BLACKPINK College. Hindi sya nageexpect na maging maganda ang experience nya dito bilang college student, dahil una sa lahat nerd sya. pangalawa scholar lang sya dito,( ayaw nyang ipaalam n...