THE GAME IS ON

2.4K 66 0
                                    

'bakit kaya wala yung apat na kumag?' di mapakali si bella sa kinauupuan nya

''ano bang iniisip mo dyan at  di ka mapakali?'' tanong ni Deona sa kaibigan

''ha?!'' gulat na tanong ni bella dito

''oh kita mo nagulat ka? gano ba kalalim yang iniisip mo? pwede na ba dyang makaswimming ?'' natatawang sabi ni deona

''anong nakakatawa?'' inis na sabi ni bella

''wala alam ko kung anong nasa isip mo..ay hindi alam ko kung sino ang nasa isip mo..'' kinindatan pa nya ang kaibigan na lalong kinairita nito

''sino ka jan! sige nga anong iniisip ko?'' tanong nya dito

''sino pa nga ba eh di si Third Matteos!'' sagot nito sa kanya

Tinakpan ni Bella ang bibig ni Deona

''ano ka ba! mamaya may makarinig sayo! hindi ko kaya sya iniisip!'' pinandilatan nya ito ng mata

''ok sabi mo eh..pero baka gusto mo lang naman malaman..nagumpisa na ang time para magpractice ang mga sasali sa music & arts festival..since kasali sila diba syempre magppractice sila ok? kaya wag mo ng isipin kung nasan sila..'' tinanggal ni deona ang kamay ni bella mula sa pagkakatakip sa bibig nya

''ah..so kaya pala wala sila..nagppractice..'' tumango tango si bella

''oh kita mo? eh di sya nga talaga iniisip mo!'' tatawa na sana si deona pero umaktong susuntukin sya ni bella kaya di na nya tinuloy

''aaaaaaahhh nag-uumpisa ng magpractice sila Jacq!'' sigaw ng isang estudyanteng dumaan sa room nila

Sunod sunod na nagsigawan ang mga classmate nila at lumabas na rin para puntahan kung saan nageensayo sila Jacq

''grabe artista talaga ang peg nila dito no? ano kayang pangalan ng grupo nila dito?'' nakapameywang si bella habang nagsasalita

''gusto mo panoorin din natin sila para malaman natin kung ano name ng group nila?'' tanong sa kanya ni deona

''ayoko nga...ikaw na lang..'' pagmamatigas ni bella pero gustong gusto nyang manood din


SA PRACTICE ROOM NG 4 PRINCE NG BLACKPINK COLLEGE

Halos mapuno na ang hallway sa pagdagsa ng mga girl stident na gusting mapanood ang apat na lalake sa pagpractice ng kanilang performance sa paparating na MUSIC & ARTS FESTIVAL.

''Ang ingay naman!'' sigaw ni Third na binitawan ang hawak na mikropono at asar na naupo sa isang silya sa sulok ng room

''Wala tayong magagawa ganyan talaga tayo kasikat dito eh..'' mayabang na sagot ni Ford at kumaway sa labas ng room

Naghiyawan naman ang mga babae sa pagkaway ni Ford

''lalo mo lang silang pinapaingay Ford..'' sabi ni Duke na umiling –iling

''Guys hayaan nyo na lang sila, oh kung gusto nyo magrent na lang tayo ng studio..ano Third what's your decision?'' tiningnan ni Jacq si Third

Magsasalita n asana si Third ng biglang nakita nyang dumaan sila Deona at Bella

''ah...wag na..dito na tayo..'' sagot ni Third habang sinusundan ng tingin sila bella

''Deona!'' sigaw ni Ford ng makita ang 2 dalaga, tumakbo ito palabas at pinuntahan ang 2

''Oh Ford nakakagulat ka naman!'' napahawak si Deona sa dibdib nya

''Tara pasok kayo sa practice room namin..'' yaya nito sa dalawa

Love WarningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon