CHAOS

3.1K 78 4
                                        

ONE WEEK PASSED


''Bella sa tingin mo bakit di pumasok si Third ng one week?'' tanong ni Deona kay bella, nasa library sila at kasalukuyang gumagawa ng kanilang assignment

''Malay ko! Bakit ako tinatanong mo?!'' medyo tumaas ang boses nya at napatingin sa kanya ang ibang estudyante na nasa library ''sorry po...'' nagbaba ng tingin si bella lalo na ng makita nya ang librarian na matalim ang titig sa kanya 'grabe katakot para syang wicked witch..' binaling nya ang tingin sa libro

''Hinaan mo lang kasi boses mo, pagdating kay Third tumataas agad presyon mo!'' natatawa si Deona at binatukan si bella

''Aray...hindi kaya! nakakainis to..'' tumayo sya at dinampot ang mga libro

''O san ka pupunta?'' nagtatakang tanong ni Deona

''Isosoli na tong mga librong kinuha ko, tapos na ako! ang bagal mo!'' sabi nya dito at tumalikod
na

''Pikon!'' tumawa na lang si Deona

'bakit nga kaya di sya pumasok? ano kayang nangyari dun?' hindi nya maiwasang itanong yun sa sarili habang naglalakad at yakap yakap ang mga libro. Isa-isa nya itong nilagay sa kinuhaang bookshelves.

May nakita syang libro na gustong basahin ng kukunin nya na ito may umagaw nito sa kanya, napalingon sya

May nakita syang libro na gustong basahin ng kukunin nya na ito may umagaw nito sa kanya, napalingon sya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

                                                                          RUSH LUNA

''Hi Bella! Long time no see!'' nakangisi ito sa kanya

''I..I..Ikaw.....anong ginagawa mo dito?!'' galit na sabi ni Bella dito

''chill..relax! ikaw lang ba ang pwedeng bumalik dito?!'' sagot nito sa kanya

''ang kapal talaga ng mukha mo na magpakita pa sa akin pagkatapos ng ginawa mo sa pamilya ko!'' pinipigil nyang lumakas ang boses pero dala ng galit hindi nya ito nagawa, napatingin sa kanila ang ibang estudyante

''Wala akong pakialam sa inyo..masyado ng malakas ang boses mo at baka kung ano pang isipin ng mga tao dito..sa susunod na lang tayo magkwentuhan ha..'' nakangising sabi nito sa kanya at iniwan na sya nito

''wala ka talagang kasing sama...ang pangit mo pa din..'' nasabi na lang ni bella habang tinitingnan itong umalis, naikuyom nya ang kamao


Pagkatapos magawa ang assignment niyaya na ni Bella si Deona na lumabas ng library..hindi maalis sa isip nya ang babaeng nakita nya sa library

''Hoy bella! kanina pa ko nagtatanong kung ok ka lang di mo ko sinasagot!'' tinapik sya ni Deona

''Ha?..'' tanging nasabi nya kay Deona

''Ano nanaman bang nangyari sayo at ganyan ka? ishare mo naman!'' huminto ito sa paglakad at nilapitan sya

Love WarningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon