My Tag 3

58.5K 1.7K 339
                                    


A/N: Again, this will become sort of "flashback" as you can see sa date na naka-indicate sa first line ng POV ni Kaizer. POV lang talaga 'to ni Kaizer; on how he thinks about what happened, paano siya naghanda sa surprise niya kay Sitti no'ng December 29 (which what happened on the previous chapter) and so on. So, sana walang confusion na mangyari. And again, para do'n sa mga nagtataka bakit nawala ang iba't chapter dito sa MTBS4, paki basa na lang po ang 'please read!' chapter. Thank you!

***

My Tag 3

Kaizer's POV

December 26

"TITA."

Matapos ng ilang buntong-hininga, pagpapakalma at pag-aatras-abante ko sa harapan ng bahay nila Sitti, nagawa ko na rin sa wakas na mapindot ang doorbell ng bahay nila at nagawang mapagbuksan ng pinto ng mama ni Sitti na si Tita Aimee.

"O, Kaizer? Hating-gabi na ah! Bumibisita ka pa?" humihikab pa na sabi ni tita.

"Pasensya na po kayo sa abala, tita."

"May kailangan ka ba?" tanong niya matapos niya akong titigan mula ulo hanggang paa at pabalik. "Si Sitti ba? Nako! Kanina pa tulog! Gusto mo bang gisingin ko?"

"Actually, tita," pigil ko sa kanya nang akmang tatalikod na siya. "Kayo po talaga ang sadya ko."

"Ako? Bakit naman?" turo pa ni tita sa sarili niya. "Ay! Sandali pala! Nasaan ba ang manners ko? Halika! Pumasok ka muna."

May isang bahagi ng utak ko na gustong umatras at tumanggi sa alok ni tita at dito na lang kami sa labas ng pinto mag-usap.

Kaya lang alam ko naman na magiging kabastusan 'yon saka ako ang may kailangan sa kanya kaya ako dapat ang sumunod sa mga gusto ni tita.

Isa pa sa mga dahilan kung bakit gusto kong umatras sa plano ko magmula pa kanina dahil sa hiya.

Hiya para kay tita at para sa lahat ng mga hindi ko nagawa sa mga sinabi ko sa kanya maging sa mga pinangko ko kay Sitti.

Hindi ko alam kung ano pang mukha ang ihaharap ko sa kanya o kay Sitti. Sobrang laki ng kasalanan ko sa kanilang dalawa.

Sa totoo lang, wala naman na talaga akong balak magpakita ulit kay Sitti o kay tita. Dahil sa hiya, sa takot, sa kawalan ng tiwala sa sarili ko at sa iba pang bagay.

Kung hindi lang talaga ako nahuli ni Sitti habang suot-suot ko ang costume ng mascot ng Eigaku, siguro magpasa-hanggang ngayon, wala ako dito at nakaupo sa may dinning table nila habang naghihintay sa kape na inihahanda ni tita.

Habang pinapanood ko si tita sa paggalaw niya sa kusina, hindi ko maiwasang muling maalala 'yong naging dahilan kung paano ako naging si Marshy at paano ba ako napasok sa Eigaku nang wala ni sino man ang nakakaalam...


KANINA PA ako nandito sa tapat ng Eigaku at nakatingala sa malaking school na nasa harapan ko.

Hanggang ngayon hindi ko pa rin magawang igalaw ang mga paa ko para pumasok at hanapin si Sitti.

Ilang beses ko nang sinusubukan pero sa tuwing ihahakbang ko ang mga paa ko, bigla lang akong napapaatras at naduduwag na harapin siya.

Pero gusto ko talaga siyang makausap. Gusto ko siyang tanungin kung seryoso ba siyang makipaghiwalay sa akin. Gusto kong marinig ang mga rason n'ya. Kung bakit?

My Tag Boyfriend (Season 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon