A/N: This is just a continuation of Kaizer and Sitti moment on My Tag 18. The extension of KaiSitti moments. Humandang kiligin at matawa nang sabay sa pagbabalikan ng dalawang 'to. I already warned you. Lol! Sorry for the typos and happy reading!
My Tag 20
Sitti's POV
"SORRY SA ginawa ko kanina."
Bigla akong napatingin kay Kaizer na ngayon ay kasabay kong naglalakad papasok do'n sa may subdivision namin.
"Naging padalos-dalos na naman ako. Hindi ko naisip kung gaano kadelikado 'yong basta ko na lang paghila sa'yo palabas do'n sa tren," nakita ko 'yong pagkainis sa mukha niya saka pa siya napatampal nang maraming beses sa noo niya. "Paano kung naaksidente ka sa ginawa ko? Nakakainis! Ang tanga-tanga mo, Kaizer!"
Pero ewan ko ba. Dahil ba 'to sa in love ako sa kanya o sadyang ang cute niya lang talaga panoorin ngayon do'n sa ginagawa niya?
Kaya rin pala maging cute ni yabang paminsan-minsan, sa isip ko habang pinipigilan ang sarili ko na matawa sa mga reklamo at paninisi niya sa sarili niya.
"Sorry talaga, Sitti..." kitang-kita ko ang pagsisi sa mukha niya nang muli siyang mapatingin sa akin. "Pero kung iisipin, kasalanan mo rin naman kung bakit naging gano'n ang nangyari."
P'wede ko pa bang bawiin 'yong sinabi ko kanina na ang cute niya ngayon?
"At paano ko naman naging kasalanan?!" hindi makapaniwalang sabi ko.
"Ikaw kasi e!"
"Anong ako?!"
"Ang hirap kasi kontrolin ng emosyon ko pagdating sa'yo. Ang hirap mag-isip nang matino kapag ikaw ang nakakasama ko."
Hindi ako nakaimik do'n sa naging sagot niya dahil wala sa isip ko na gano'n ang isasagot niya matapos niya akong paratangan ng kung ano-ano.
At dahil do'n sa sinabi niya, hindi ko tuloy maiwasan na unti-unting pamulahan ng mukha.
"Sinusubukan kong mag-adjust. Hindi mo lang alam kung ilang beses kong pag-aralan na kontrolin 'yong mga nararamdaman ko lalo na pagdating sa'yo. Hindi mo lang alam kung ilang beses kong gustong sabihin na Ako Puso Mo no'ng mga panahong hindi na tayo. Hindi mo alam kung gaano kahirap para sa'kin na hilain ka palayo sa ibang lalaki na p'wedeng umagaw sa'yo sa akin. Kaya lang sa tuwing babalikin kong gawin 'yon, bigla na lang pumapasok sa isip ko 'yong katotohanan na hindi na nga pala tayo, na wala na nga pala akong karapatan para angkinin ka o magselos sa iba..."
Kung noon niya sinabi 'to, no'ng mga panahon na hindi pa kami parehong umaamin sa totoong nararamdaman namin matapos naming maghiwalay, siguro makaka-isip na naman ng kakornihang joke ang utak ko at guguluhin si Kaizer do'n sa mga nakakahiyang sinasabi niya.
Pero kahit pulang-pula na ng mukha ko ngayon, kahit sobrang nahihiya ako sa mga naririnig ko (o kinikilig kaya lang ayokong aminin na gano'n nga kasi nahihiya ako), pinilit ko pa ring huwag magsalita.
Dahil alam ko, sa isang bahagi ng puso ko, gusto kong marinig ang lahat ng sasabihin ni Kaizer sa akin—kahit gaano pa maging kakorni ang mga 'yon o kahit na atakihin pa ako ng trangkaso dahil sa sobrang init ng pakiramdam ng pisngi ko ngayon.
"At ngayong tayo na ulit, hindi ko maiwasang matakot."
Napakunot-noo ako do'n sa sinagot niya at sabay kaming nahinto sa paglalakad para harapin ang isa't-isa.
BINABASA MO ANG
My Tag Boyfriend (Season 4)
Teen FictionSabi nila, Love is sweeter the second time around. Pero paano naman sa third? Sa fourth? Sa fifth? Sa infinity and beyond? Maging kasing sweet pa rin kaya ng first love ang lahat? At paano kung magkaroon ng stop over ang infinity and beyond? Love. F...