My Tag 10
Sitti's POV
HALOS MAPAGOD na ang mga professor at iba pang miyembro ng faculty sa pagsaway sa mga estudyante na nagkakagulo at gumagawa ng nakakairitang ingay mula sa magkabilang school.
Kahit wala nang magsalita sa kahit sino sa kanila, halata naman na pare-pareho kaming nagulat at hindi gusto ng mga estudyante sa magkabilang school ang ideya na pagsasamahin sila sa mga activity sa nalalapit na sports festival.
Wala pa man, nakikita ko nang walang mangyayaring team work sa pagitang ng Eigaku at Eastton.
"Ma'am! Hindi p'wede 'to!" sigaw no'ng isang estudyante mula sa Eastton sabay tayo at dinuro ang pwesto naming mga taga-Eigaku sa likod ng pwesto nila. "Iniisip n'yo ba talaga na makikipag-cooperate ang mga 'yan sa amin?"
"Hoy! Ayus-ayusin mo ang pagduduro mo sa amin, huh!" ganti naman ng isang lalaking estudyante sa amin. "At kami pa talaga ang hindi marunong makipag-cooperate? Kung ipa-spell ko kaya sa'yo ang cooperate, kaya mo bang i-spell?"
"Sinasabi mo bang mga bobo kami?" galit na hiyaw ng isa pang estudyante sa Eastton.
"Wala kaming sinasabi ng ganyan. Pero kung ganyan ang iniisip n'yo sa sarili n'yo, baka naman totoo? Baka naman talaga mga bobo kayo?"
Riot. Sobrang laking riot!
Nagsimula nang magsigawan at magbatuhan ng kung ano-ano ang parehong estudyante ng Eastton at Eigaku.
Kung tama ang pagkakatanda ko, walang war freak dito sa Eigaku. Puro lang sila aral, aral at aral!
Kaya wala ni sa panaginip ko na makikita sila ngayon na napikon at galit na galit sa mga pinagbabatong salita sa kanila ng mga taga-Eastton... pati na rin sa mga nagliliparang gamit na tumatama sa kanila mula sa kabilang kampo.
Napatingin ako sa may pintuan ng gym nang may marinig akong malalakas na pito saka sunod-sunod na pumasok ang mga guard ng school para tumulong sa mga professors na magsaway ng nagkakagulong estudyante.
Pero kahit ano pang saway nila, kahit ano pang pagpipito nila, hindi pa rin nila maawat ang mga estudyante sa pagwawala.
"Masama na 'to," napalingon ako kay Kelly nang marinig ko ang boses niya. "Mas mabuti pang lumabas na tayo, Sitti. Mahirap masali sa gulo ng mga 'to."
"Sigurado ka ba? P'wede na bang lumabas? Saka hindi ba dapat tumulong tayo sa pag-awat sa kanila?"
"Hindi tayo makakatulong sa kanila. Professors nga hindi na sila maawat, tayo pa kaya?"
Napatango na lang ako sa sinabing punto ni Kelly saka sumunod sa kanya para makalabas kami sa gitna ng naggigitgitang estudyante nang magkabilang school.
"Sitti! Ilag!"
Narinig ako ang malakas na tili ni Kelly sa pangalan ko saka ko nakita na may papalapit na bag sa mukha ko.
At dahil alam kong hindi na ako makakaiwas, pinili ko na lang na ipikit ang mata ko saka sumigaw.
"Aish! Ang sakit no'n ah!"
Alam ko hindi ko boses 'yon. At alam ko na hindi naman boses lalaki ang boses ko kaya mabilis kong idinilat ang mga mata ko para alamin kung sino ang posibleng nagsabi ng bagay na 'yon at posibleng humarang sa harapan ko para hindi ako matamaan ng bag sa mukha ko.
"Kaizer!"
"Ayos ka lang ba, Sitti?" nag-aalalang tanong niya sa akin habang hinihimas-himas niya ang likod ng ulo niya saka lumingon sa likod nito. "Ano ba! Hindi pa ba kayo titigil, huh?!"
BINABASA MO ANG
My Tag Boyfriend (Season 4)
Teen FictionSabi nila, Love is sweeter the second time around. Pero paano naman sa third? Sa fourth? Sa fifth? Sa infinity and beyond? Maging kasing sweet pa rin kaya ng first love ang lahat? At paano kung magkaroon ng stop over ang infinity and beyond? Love. F...