Hello! This is MaevelAnne. Pero I prefer to be called as OppaAnja na lang since diyan ako sanay. Bago ako magsimula sa lengthy and another "update" ko sa story na ito (I'm stunned to see na dami ko palang "notes" dito from previous years), I just want to greet every HAPPY NEW YEAR AND WELCOME 2023!
I want to go straight to the point. I WON'T BE CONTINUING THIS SERIES AND MY OTHER OLD WORKS... FOR NOW.
This year, I'm turning 30 years old and I'm not in the right headspace and mindset para magsulat ng "teen-ish" story. Matagal akong nag-reflect sa desisyon ko na ito. Personally, I don't think na I still have the POV to represent what I was trying to advocate noong ginawa ko ito. And to be honest, sa tagal kong nag-stop magsulat, I don't remember ANYTHING from this story aside doon sa mga iconic scenes na talagang tumatak at nagpatawa sa akin (at iyong nagpakilig na rin). And for sure hindi lang ako nakakaramdam nito. So do you and the rest ng mga OG readers ng MY TAG BOYFRIEND SERIES. And it's my fault and I'm sorry.
Maraming nangyaring hindi maganda sa akin nitong mga nakaraang taon and even the previous ones--during the era pa na nagsimula ang MTB. Cyberbullying from the community, pandemic happens, mid-life crisis, kung ano-ano stress and depresyon ng adulthood, and other stuff na I won't disclosed on this letter kasi naka-move on na ako sa mga iyon and I don't want to talk about it anymore. TL;DR, I had rough years and I was struggling na ibalik iyong passion ko sa writing... lalo na on continuing such a happy and inspiring story like MTB. To be frank, I don't see myself as inspired and as happy noong una kong sinulat ito. Hence, I've decided to drop this story for the meantime and stop it's serialization alongside my other old works kasi nakalimutan ko na iyong naramdaman ko noong sinusulat ko mga ito and how inspired I used to be to make updates on this.
I know na marami kayong madi-disappoint, na baka may magalit pa sa inyo. And that's fine. Your feelings and emotions are valid. Pero I promise myself na this year, this 2023, sarili ko naman pipiliin ko--kung saan ako masaya at kung ano nagpapasaya sa akin. Kasi the previous years, or rather most of my life, wala akong ganoong liberty. This year, I want to write for myself. Na ayoko nang magpa-apekto sa kung anong sasabihin ng ibang tao sa mga gagawin ko. Na I will be more authentic and transparent sa kung sino ako at anong gusto kong mangyari from this day forward, hence, this letter of goodbye is made.
This is a goodbye for My Tag Boyfriend franchise and my old works... for now. I'm not closing the possibility na baka someday, this might continue. Kung kailan? Hindi ko alam or kung mangyayari man. We'll never know. Sa sobrang unpredictable ng mundo ngayon, let's treasure every second and chances that we have habang mayroon pa tayo. Pandemic should be the 'bato na pinukpok natin sa mga sarili natin' when it happened. Na we shouldn't take every second of our life for granted kasi hindi natin alam anong mangyayari sa mga susunod na araw. And here's my first step here on Wattpad.
Gusto kong magpasalamat nang sobra-sobra sa naging suporta niyo sa kwento na ito at sa iba ko pang sinulat sa Wattpad. My journey in Wattpad has been more meaningful dahil sa inyo at sa suporta niyo sa gawa ko. Kaya sobrang salamat, mga minamahal kong mambabasa. Salamat.
Am I leaving the site? No. Actually, this year babalik ako to write new story na gusto kong isulat. I have new work coming. Nasa feed ko iyong blurb if you want to check it out. Pero kung hindi naman, if your support for me will stop here on MTB, that's also fine. Maraming works dito sa Wattpad that might suit the same vibe and energy na nakita niyo sa MTB. I'm not stopping you. In fact, I'm encouraging you to read more works from other writers. Hindi ako nagbabasa sa Wattpad noon pa. Like nag-stop ako siguro around 2014 or something so wala akong mare-recommend but the variety of genre and talent on Wattpad is broad. You're always free to roam around and find your next best read. Do it! Have fun reading!
But if you choose to support me sa mga susunod kong project, thank you rin. I appreciate it. I might have a different approach, a different kind of story, but I do hope na ma-enjoy niyo sila the way na na-enjoy ko sila isulat at the moment.
Ayoko nang pahabain ang message ko na ito. Sorry kung na-scam kayo ng iba kong notes--kung ano man pinaglalagay ko diyan. Hindi ko na binasa. Mahihiya lang ako sa pagiging talkshit ng plano ko. Kahit in real life, walang nangyayari sa plano ko e. LMAO. Anyway, maraming salamat ulit, MTB, TAGGERS at sa lahat ng sumusuporta sa gawa ko. Sobrang salamat. Mami-miss ko kayo at kung ano man nabuo natin while following the journey ng cast. Thank you for everything.
This is MaevelAnne. And on behalf of My Tag Boyfriend cast and franchise, we're signing off... for now. Ingat kayo palagi!
With love and overflowing gratitude for all your support,
MaevelAnne/OppaAnja
BINABASA MO ANG
My Tag Boyfriend (Season 4)
Teen FictionSabi nila, Love is sweeter the second time around. Pero paano naman sa third? Sa fourth? Sa fifth? Sa infinity and beyond? Maging kasing sweet pa rin kaya ng first love ang lahat? At paano kung magkaroon ng stop over ang infinity and beyond? Love. F...