One

4 1 1
                                    

Nagising ako sa alarm ng phone ko grabe ang sakit ng ulo ko parang gusto ko pang matulog kaso lang pagnanatili pa akong nakahiga dito sa kamo ko baka di ko na maabutan first class ko kaya eto ako ngayon nagmamadaling magasyos para pumasok sa eskwela. Nagsipilyo, naligo, nagalmusal at nagayos ng sarili at dali dali ng umalis ng bahay. Di kami mayaman kaya every day nagcocommute lang ako nagtitiis sa siksikan ng jerp at mrt  at kung sweswertihin ka pa yung katabi mo daig pa amoy ng spartan sa lakas ng aura, sa lakas ng aura eh halos di mo na gugustuhing huminga yung tipong kada malalanghap mo eh parang isusuka mo yung kinain mo kagabi 😁😂🙀😜✌🏻️ pero ano ba naman nga ba ang magagawa ng dukhang tulad ko eh di tiis tiis na lang din pag may time. Isang oras at kalahati ang inabot ko bago makarating sa school, nakalimutan ko ako nga pala si Shaine Sebastian architecture student sa Oxsford University siguro nagtataka kayo bakit ang isang tulad ko ay nakapasok sa isang exclusive school na tulad nito aba kahit gaganito ganito ako eh may laman naman ang utak ko at ischolar ako.


"Shemay late na naman ako neto!" 😢😭😓😰😱 dali dali kong tinakbo simula gate hanggang classroom, grabe naman kasi tong school na to ang lawak lawak kaya halos 10 minutes ako tumatakbo makarating lang sa classroom .🏃🏻💦


"Ms. Sebastian late ka na naman!" Bungad ng prof kong si sir Cruz


"Wala namang bago dyan sir lagi naman yang late masyadong pastar!" 😈 kahit kailang sipsip talaga tong clown na to! Clown ang tawag ko para idescribe ang mga babaeng every day foundation day sa kapal ng mga foundation sa mukha at lipstick sa mukha . Ang aga aga nya magpatawa at  natutuwa ako sa kanya, sa sobrang tuwa ko gustong gusto ko syang sakalin.


Di ko na lang pinansin yung sinabi nya at umupo na lang ako tutal di ko naman sya classmate sa iba kong class pano dami nya kasing back subject kaya ireg sya ayan puro kasi mukha inuuna. 😁😜✌🏻️🤗  Nagsimula na ang klase at habang nasa kalagitnaan ng discussion may tinatawag si sir na pangalan pero walang tumutugon sa kanya. Ang buong klase ay nakatuon sa lalaking natutulog sa kalapit ng upuan ko. Alam ko classmate ko sya sa iba kong subjects iba kasi course nya ewan ko nga ba pano napadpad yan dito. Nilakasan ni sir ang pagtawag para magising ito pero wala atang balak kaya naman sinipa ko yung upuan nya at lahat kami nagulat sa ginawa nya.


"Istun mo! GG na yan!!!" Sigaw nya habang nakatayo sa upuan na parang may sapak sa ulo.


"Bwahahahahahaha!!!!!!" Sa sobrang di ko ineexpect yung nangyari di ko naiwasang mapabulaslas ng tawa para kasi syang tanga sa ginawa nya pati sa panaginip dota pa din nasa utak nya at kelangan talaga na nakapose pa sya pagtayo nya na akala mo nanalo sa lotto habang nakatungtong sa upuan.


"QUITE!!!"😤😤😤 sigaw sakin ni sir at pilit ko naman na pinipigilan ang pagtawa sa pagkagat ng labi ko. Bumaba ang lalaki sa upuan siguro napagtanto nya na nasa classroom sya at wala sa computershop.


"Clay!!! Sagutin mo tanong ko??!!" Tanong ni sir.


"Huh sir? Pasensya na sir di ko narinig question nyo."


"Eh paano mo nga naman kasi maririnig tulog ka at naghihilik sa upuan mo habang kami dito nagdidiscuss. I will not tolerate that kind of attitude in my class so please LEAVE!!!" Utos ni sir na halos umusok ang ilong. 😤😤😤



"Humanda ka saking babae ka" nanggagalaiting bulong nya sakin.


CLAY's POV



Nakakainis pinahiya ako nung babaeng yun sa klase humanda talaga sakin yun babawian ko sya grabe pa nya ako tawanan kanina akala mo wala ng bukas parang di babae kung tumawa. Lunch break na hinanap ko sya sa buong school at sa canteen ko sya natagpuan. Grabe sya ang dami nya kumain as in parang pyesta pero halos lahat matatamis chocolate fudge cake, tiramisu, chocolate bars, cheese cake at chocolate drinks pustahan tayo ikakamatay nitong babae nato diabetes.  Nilapitan ko sya at hinampas yung table para makuha ang atensyon nya pero di nya pa din ako kinikibo tumingin lang sya sandali at bumalik ulit sa pagkain.




"Hoy may attraso ka pa sakin!"




"Oh?" Matipid nyang sagot. Tsk ginagalit ako nitong babaeng to ah.




"Di mo na alam na pinatawag ako sa guidance dahil sayo at ipinahiya mo ako sa buong klase sa pagtawa mo pasalamat ka at babae ka kung hindi basag na yang mukha mo." Galit na saad ko sa kanya.




"Oh eh di salamat! Happy?" Sarkastikong sagot nya. Aba sinasagad talaga ng babaeng to ang pasensya ko ah





"At F.Y.I. Di ko kasalanang natulog ka sa klase pangalawa hindi ako ang nagpahiya sayo ikaw mismo para kang tanga na tumungtong sa upuan at nagsisisigaw. Yung pagtawa ko sorry di ko lang talaga kasi napigilan para ka kasing may sapak sa ginawa mo pati sa panaginip dota pa din tumatakbo sa utak mo" dagdag nya at kinuha na ang mga gamit nya at umalis. Taena yung babae na yun ah naisahan na naman ako GRrrrrrr!!!  Badtrip!!!!!

I LOVE YOU MISS DOTA PLAYERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon