Two

3 1 3
                                    

Di ko pa din makalimutan yung babaeng may atraso sakin. Linggo ngayon kaya walang pasok andito ako sa computer shop kasama ng mga tropa ko.



"Pare balita ko may babaeng tumabla sayo at pinahiya ka? Di lang isang beses dalawa pa!" Kantyaw ni Luke tong lalaking to parang bakla kung makasagap ng tsismis.



"Aw pare ibig sabihin totoo?" Usisa ni Jayson



"Babawiin ko yung babaeng yun magintay lang kayo!"



"Naku Clay babae yun palagpasin mo na lang" umaandar na naman pagiging gentleman ni Blake ewan ko pano ko to naging bestfriend magkaibang magkaiba talaga kami.



"Walang babababae binangga nya si Clay Oxsford at sisiguraduhin kong magsisisi sya na ako binangga nya" kinuha ko ang susi sa kotse ko at uuwe muna ako lalo lang ako nainis sa pinaguusapan namin.



--------------------------



"Hahahaha ngayon ko lang nakitang asar tao yun at sa babae pa" sabi ni Jayson.



"Uwe sya eh halatang yamot tas ginatungan pa natin" tumatawang sabi ni Luke.



"Mga sira ulo kasi kayo" -mike



Nagtinginan sila lahat sa pinto ng babaeng pumasok sa computershop.



"Miss may hinahanap ka ba?" Tanong ng bantay sa shop.



"Wala po maglalaro lang po sana ako" sagot nya.



"Miss 1v1 tayo?" Alok ng isang lalaki sa shop. Tumango lang ang ito sa kanya



"Easy money to pre!" Yabang ng lalaki eh duwag naman pala tong shokoy na to babae lang kayang labanan.



"Raise?rules?" Tipid na tanong ng babae aba papalag tlaga sya?



"2k 1v1 rules same hero first 3kill win or push hanggang 2nd tower" ngiting tagumpay na sabi ng lalaki.



"Ok"



LUKE's POV



Ayos to ah ngayon lang ako nakakita ng babaeng ang lakas ng loob makipagpustahan at dumayo pa talaga sya. Halos lahat ng tao dito sa shop nanunuod sa laban nila. First game nevermore vs nevermore, grabe tong babaeng to ang galing mga imbang raze at blindspot nya ang lupet! Clap clap!👐🏻👏🏻 nanalo sya ng first game napatay nya agad ng 3 beses ez 2k!👌🏻👌🏻👌🏻



"Whooooohhhh sf lord si ate!" Sigaw ng ilan



"Baka pinagbigyan lang babae" komento naman ng iba



"Banse ako!" Sigaw nung lalaking kapustahan halata sa mukha nya ang pagkairita ikaw ba naman ang matalo ng babae kung ako yun uuwe na ako sa bahay namin at matutulog na lang



Tumango lang si ate. Ang cool nya sobra chill lang sya maglaro habang nakataas yung paa sa upuan parang nasa bahay lang



Second game pudge vs. pudge kung magaling sya magnevermore kanina mas magaling sya kay pudge grabe mga hooks nya kaya ayon panalo pa din sya ganun din nangyari sa third game. Sumuko na din yung kapustahan nya wala na din atang pera.



"Sige kuya nice game!" Sabi nya pagkakuha ng bayad at umalis na sya



----------------------

CLAY's POV



Parang tanga tong mga kaibigan ko biglang susugod dito sa malapalasyo kong bahay dahil lang sa may babae daw na dumayo sa tinatambayan naming shop. Ewan ko ba sa mga ignoranteng yun ngayon lang nakakita ng babaeng nagdodota.



"Kung nandun ka pare nakita mo sana yung sf nya ang lupet!" Manghaang saad ni Luke



"Wala yun sa mirana nya halos lahat ng pana nya walang mintis" -Jayson



"Mas magaling yung pudge nya yung nga imba hooks tapos ang simple pa nya niwalang arte sa katawan"  admire ni Blake.



"Wow binata na si Blake natin" kantyaw ni Luke di naman sya pinansin ni Blake na parang nagdeday dreaming yuck bading talaga siguro to asarin ko nga.



"Baka naman tibo?! Naku Blake di kayo talo nun kaya tigilan mo na mangarap dyan mabibigo ka lang baka nga mas lalaki pa sayo yun" asar ko at tiningnan nya ako ng masama.



"Kung ako di ko gugustuhin yung ganon halatang magiging under ka nun" dagdag ko pa di ako kinibo ni Blake sabay agaw sa controller na hawak ko at sya ang naglaro ng PS4

I LOVE YOU MISS DOTA PLAYERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon