FOUR

2 1 1
                                    






Ito na daig ko pa ang bibitayin, galit na galit sa dean sa akin sermon dito sermon doon lugmok na lugmok na ako dito habang tong mokong na to tuwang tuwa na nakikita akong nakakawawa.



"Miss Sebastian akala mo ba nakakatuwang biro yung ginawa mo sa kotse nya" histerikal ni dean di na lang ako kumibo mali naman talaga ako eh



"At hindi mo ba alam na sila ang may ari ng school na to at sila ang nagbigay ng scholarship mo pano kung malaman ng lolo nya to? Goodbye Oxsford acadamey ka na!" Shet paano na pagaaral ko nito 😭😱😨 goodbye na sa mga pangarap ko 😢😰




Natapos na kami kausapin ni dean pagkalabas namin ng pinto agad kong hinabol si kupal no choice na lunok lunok na ng pride kinabukasan ko na nakasalalay dito.




"A-ah eh kasi ano...." Di ko alam pano ko sisimulan yung sasabihin ko.




"Ano bilis ang tagal naman!" Inip nyang tugon



"Bayaran ko na lang damage ng kotse mo pero paunti unti lang wag mo lang ipatanggal sa lolo mo yung scholarship ko" nagsusumamong pakiusap ko.



"Paano mo babayaran mahirap ka nga kahit na magtatlong trabaho ka di mo mababayadan yung ginagawa mo 30million halaga ng kotse ko di sya pwede ipagawa sa mga pipitsuging talyer lang" kutya nya aba mayabang din tong kupal na to asa lang naman sya sa yaman na di naman nya pinaghirapan.



"Pano ko makakabayad sayo wala naman akong pera siguro naman may insurance kotse mo sa yaman mo na yan barya lang yan sayo" sagot ko.




"Alam ko na wala kang pangbayad humanda ka na lang sa kapalit ng ginawa mo." Ayun pagkasabinnya umalis na sya agad



Ang tanga ko naman kasi naunahan ako ng galit ko goodbye na ako sa magandang future na nagiintay sakin 😭😭😭



---------------------



Tinatamad ako bumangon ngayon nagdadalawang isip ako kung papasok pa ba ako o indi na apo ng mayari ng school yung binangga ko malamang yari na ako.



Naring yung cellphone ko at may nagtxt
From: dean
'gudmorning ms. Sebastian I need u on my office this morning please don't be late we have something important to be discuss'



OMG!!!😱😰😢😭 guhong guho na talaga mundo ko. Bumangon at naligo lutang na lutang ako hanggan sa makarating sa school muntik na nga lumagpas yung jeep buti na lang at kinalabit ako ni kuyang katabi ko at pinaalalang bumaba na ako.




Eto na daig ko pa ang bibitayin sa takot at kaba halo halo na ang nararamdaman ko bago ko buksan ang pinto. Do or die na to! Bubuksan ko na sana ng bigla itong nagkusa may nagpihit pala sa kabila kaya ayun nabunggo yung ulo ko sa matipunong dibdib nya at parang ang yummy naman kasi halata na matipuno yung katawan. Medyo natulala ako nung nakita ko kung sino after nun nandiri ako pinagpantasyahan ko saglit yung taong kinakainisan ko pero di ko naman kasi talagang sya yun. 😑😑😑




"Oh andyan ka na pala ms. Sebastian Clay wag ka na lumabas lets fix this" anyaya ni dean sa amin




"Sige po ng di ko na makita ang pagmumukha ng hinayupak na to!" Medyo pabirong sabi ko para di magalit si dean pero sa loob loob ko di talaga biro yun. 😋




"Hahahahaha" nakarinig ako ng mahinang tawa sa isang sulok ng kwarto at tila isa itong matandang lalaki




"Mr. Oxsford andito na po pala kayo maupo po kayo" buong galang na alok ni dean sa matandang lalaki at walang duda lolo to ni Clay Oxsford apilyido lalo na nagkanda leche leche narinig nya na tinawag kong hinayupak apo nya baka kaya sya tumatawa kasi pinagiisipan nya na kung pano nya ako gagantihan sa ginawa ko sa apo nya.😱😰😨




"Pasensya na po kayo nagbibiro lang naman po ako nung tinawag kong hinayupak yung apo nya" palusot ko habang nakayuko



"Its fine ija! Actually natutuwa nga ako deserve naman nya yung ganon pero sabi sayo ija mabait din naman sya" naku kung sana po eh nahawaan nyo ng bait yung apo nyo di sana naniwala ako sa sinabi nyo.




"Eh di hindi nyo na po papabayaran yung damage sa kotse?" Kapal ng mukha ko di ba lubusin ko na mabait naman si lolo ni Clay eh




"Hindi na sa isang kundisyon"sagot ng lolo nya




"Itutuitor mo apo ko at magiging personal assistant ka nya para makakasigurado ako na di gumagawa ng kolokohan tong bata na to at magaaral sya ng maayos" omg pwede bang patayin nyo na lang ako parang ang hirap ng pakiusap ni lolo.

I LOVE YOU MISS DOTA PLAYERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon