Chapter 3

4 0 2
                                    

NO hard feelings.

Nagmadali kami sa pagakyat sa hagdan papunta sa aming room. Ako, si Mags, at si Alex ay sa HS Bldg, habang si Cess, Miks, Avy at si Macy ay sa kabila naman. Magkaiba ang aming mga napiling kurso at halos magkatabi lang din ang mga building na aming pinapasukan.

Pagpasok namin sa room ay narinig namin agad ang pagtunog ng bell, mabuti nalang at wala pa ang teacher namin. Umupo kami sa bandang dulo dahil occupied na ang mga upuan sa unahan. Pumwesto ako sa tabi ng bintana pumagitna naman si Alex at sa kabila nya ay si Mags. Ilang minuto lang din ay dumating na ang aming guro. Wala naman ibang ginawa, at syempre hindi din nawala ang introduction at ang konting rules patungkol sa aming subject at sa aming kinuhang kurso.

"Excuse me ma'am, sorry we're late."

ani ng isang matangkad na lalaki, matingkad ang kulay brown na mata, nagningning pa ang suot niyang hikaw, maayos ang pagkaka-ayos ng buhok, at ang mukha ay sobrang yabang ngunit nakakabigla ang kanyang pagsasalita, kitang kita ang kanyang pag galang sa aming mukhang masungit na guro. May kasama din syang dalawa pang lalaki na nakakaagaw din ng pansin. Halos kaklase kong babae ay napatingin na sa kanila.

"And you are?" masungit na sabi ng teacher namin.

"Zyron Avan Hensley ma'am."

Mas nagmangha pa ako sakanya ng yumuko siya sa harapan ni Mrs. Cortez pagkatapos banggitin ang pangalan. What's his name again? Zyron Avan? Cool.

"Come in and take your sits, don't be late again okay?" sabi ng aming guro sa mahinahon na tono. For sure, nagmangha din sya sa inasta ng lalaking ito.

"Yes ma'am, thanks." Magalang niyang sagot.

Sumunod sa kanyang pagpasok ang kanyang mga kasama. so classmates namin sila? o well.. hindi ko mapigilan ang ngumiti sa aking naisip.

Lumingon lingon sila upang maghanap ng mauupuan at napatingin ako sa taong sumiko sa akin at naramdaman namin na sa likod namin sila uupo. They have no choice, late sila e.

Lumingon ako sa aking likuran at nakita kong doon sya sa likod ko umupo at nginitian pa ako. Naramdaman ko ang paginit ng aking pisngi at agad akong nagiwas ng tingin. What was that for? Hindi naman matigil itong nasa tabi ko sa pagsiko sa akin, humarap ako sakanya at nagtaas ng kilay. "They are cool." bulong niya sa akin at nakita ang pagkislap ng kanyang mga mata. Cute Alexander.

"Stop it, they are not." bulong ko din sakanya at tumingin sa nagsasalita naming guro sa harapan upang hindi kami mahuli na nagbubulungan at para matigil na siya sa pagsiko sa akin, mukhang nabugbog na yata ang tagiliran ko sa kanyang ginagawa.

"Anong they are not? Wag mo nga idala dito yang bitterness mo! They are freaking cool tapos sasabihin mo they are not?"

Tumaas na ang boses ni Alex at agad kong tinakpan ang kanyang bibig na hindi tumitigil sa pagsasalita. Sumipol naman ang isang lalaki na galing sa aming likuran, timingin ako sa sumipol at nagpeace sign lamang sya at inirapan ko kaagad. Yabang! Gwapo na sana ang yayabang naman, isa lang ata ang matino sa kanila.

"fine, shut your mouth kung ayaw mong palabasin tayo dito."

Natapos ang unang araw na puro pagpapakilala lang ang ginawa. Kung sana ay alam kong ganito ang mangyayari ay hindi nalang ako pumasok. Mas gusto ko pa din ang magbasa ng mga manga at matulog lang sa bahay. Nagkita muna kaming magkakaibigan sa labas ng gate habang hinihintay ang aking sundo.

"Sinong magsusundo sayo ngayon Gen?" tanong ni Miks sa akin, nakaupo kami ngayon sa malawak na hagdan sa labas ng DSU. Madami ang mga estudyante na tumatambay dito especially pag ganitong oras na. Malamig kasi ang ihip ng hangin at makikita talaga ang paglubog ng araw.

My Perfect GuyWhere stories live. Discover now