Chapter 4

4 0 1
                                        

Nakakainis!

Mabilis lang natapos ang unang linggo sa school, wala naman ibang ginawa. Madami na din ang nabuong pagkakaibigan sa loob ng klase. Hindi ko pa lahat alam ang mga pangalan ng mga kaklase ko pero naging maayos naman ang pakikisama ko sa kanila. Si Zyron, Jeremy at Angelo ay naging mabuti din ang pakikitungo ngunit hindi pa din naaalis ang kayabangan na taglay ng dalawa, mabuti nalang at iba si Zyron. Naalala ko pa nung napahiya si Xaira, kung hindi ako nagkakamali ay halos lahat ng kaklase ko ay tumawa dahil malayo ang naging sagot niya sa tanong ni Mr. Kalvin. Nagulat ako dahil pinatigil ni Zyron ang mga ito sa walang tigil nilang pagtawa, nakita ko din ang pagkainis sa mukha niya na nagpamangha sa akin sa kanyang kakisigan. He's really gentleman, and I like it.

Sabado ngayon at sigurado akong magmumukmok lang ako sa bahay dahil wala akong lakad na nakaschedule kasama ang mga kaibigan ko, nagising ako sa liwanag na nanggagaling sa bintana ng aking kwarto. Mabilis kong kinapa ang cellphone ko sa ilalim ng aking unan at nakita ang message ni mommy doon.

Mom:

"We're here in Cebu City Gen, business matters. Text me when you're awake."

Nireplyan ko agad si mom na okay lang, tutal sabado naman. Ang iniisip ko lang ngayon ay paano ko maiiwasan ang maboring kung ako lang magisa dito sa bahay. Sinama din nila si manong dahil mahaba-haba daw ang biyahe papuntang Cebu City at pagod si dad kaya sigurado daw na hindi na niya makakaya ang magdrive pabalik dito bukas. I think he should rest too.

Naisip ko na itext sina Mags at yayain na magmovie-marathon dito sa bahay at dito na din matulog para may kasama ako mamayang gabi. Sigurado din akong wala silang gagawin bukas dahil linggo iyon, isasama ko nalang sila sa St. Paul Chapel upang magsimba. Bumaba na ako para kumain ng lunch, tinanghali na naman ako ng gising.

Dumeretso na ako sa kusina at naghanap ng makakain. Habang kumakain ako ay nagring ang cellphone kong nasa sala. Mabilis akong uminom at sinagot ang tawag ni mom.

"Hello mom." Sabi ko sa mahinahon na tono.

"I texted your cousin na pumunta diyan para may kasama ka." Ani mom.

"Cassy?" Hindi maalis ang excitement sa boses ko, I missed my one and only girl cousin!

"Yes but she's busy, she have so many things to do. She said na si Matt nalang daw ang ipapapunta nya. Is it okay with you?"

I feel so sad sa sinabi ni mom and I'm dissapointed, really. Akala ko naman makakasama ko ulit si Cas ngayon, last month pa noong nakasama ko siya. Kapag nagkakaroon kami ng family reunion ay kaming dalawa lang ang laging magkasama. Close naman kami ni Kuya Matt, Cassy's brother, pero mas close lang talaga kami ni Cas.

"I'm cool with it mom, mas ayos nga lang kung si Cassy sana but It's okay, I understand her situation. I've heard na class president daw sya."

"Oh I see, kaya naman pala. Alright, pupunta na daw si Matt diyan. Text some of your friends para may kasama ka. Gotta go Gen, take care." Sabi ni mom, at mukhang nagmamadali. Dinig ko pa ang pagtawag sa kanya sa kabilang linya.

"Yes mom, thanks. Take care too." Sabi ko bago patayin ang linya. Ibababa ko na sana ang cellphone ko at itutuloy na ang diko matapos tapos na pagkain ng nagring ulit ito. Tinignan ko ang tumatawag at sinagot ng makita sa screen ang pangalan ni Alex.

"Hello." sabi ko habang inililigpit ang aking pinagkainan. I'm not yet done pero tingin ko ay nawalan na ako ng gana.

"Hello Gen. I'm on my way to Novue, dadaanan ko lang si Mags. I brought my car." Aniya.

"How 'bout Cess and Avy? And Macy, and Miks? You take care Alex."

Marunong siyang magdrive pero hindi na pinagamit sakanya ang kanyang sasakyan magsimula ng naaksidente sya. Ngayon lang ulit siya pinayagan nina tito.

My Perfect GuyWhere stories live. Discover now