Chapter 1

11 0 0
                                        

Nightmare

Dalawang linggo na siyang hindi nagpaparamdam sa akin, walang text walang tawag at pati ang pag punta dito sa bahay ay wala na din.

Ang sabi sakin ng mga pinsan niya ay nagkaroon ng biglaang pagalis ang pamilya nila at hindi na daw niya iyon nasabi sa akin. I ask them kung bakit hindi man lang siya nagtetext to say na nasa probinsya siya. Tanging nasagot nalang nila ay wala raw signal doon. Siguro nga, dahil everytime na tatawag ako ay nakapatay ang kanyang cellphone.

Hindi ako mapakali tuwing naiisip ko siya, gabi gabi na ako napupuyat dahil sa matinding pagaalala na nararamdaman ko sakanya. Naiisip ko kung okay lang ba siya, kung anong ginagawa niya, kung sino ang mga kasama niya, kung kumain na ba siya, kung naiisip niya din ba ako at kung namimiss niya na rin ba ako ng sobra.

Miss ko na siya.

Sobrang miss ko na siya, to the point na lahat nalang ng bagay na nakikita ko ay nagpapaalala sa kanya.

Gusto ko siyang yakapin na sobrang higpit, gusto ko siyang halikan, gusto kong sabihin sakanya kung gaano ko siya namimiss at gaano ko siya kamahal.

Minsan, naiisip ko may nakakasama ba siyang ibang babae dun? At mas lalo akong kinahaban ng naisip kong makikita at makakasama niya kanyang kababata na lagi niyang ikinukwento sa akin at siya ding first love niya. Ang sakit isipin na, sobrang lungkot ko dito habang siya ay sobrang saya doon.

Until one night..

Jerald Calling..

Agad akong nakadama ng matinding kaba at marahang pagpintig ng aking puso nang makita ko kung sino ang tumatawag.

Bakit ganito ang nararamdaman ko? Hindi ba magiging maganda ang pagtawag niya?

Sinagot ko ito, naginginig pa ang mga kamay ko noong hinawakan ko ang cellphone ko. Damang dama ko din ang mabilis na kabog na nanggagaling sa aking puso, na parang konti nalang ay lalabas na ito.

"He-llo?" Biglang nabasag ang boses ko.

Umayos ka Gen!! Namimiss mo na siya hindi ba, ayan at tumatawag na kaya magsalita ka ng maayos.

Hindi ko mapigilan ang mainis sa sarili ko.

"Hello Gen? Meet me at the high way. Hihintayin kita."

Magsasalita palang sana ako ay pinatay na agad niya ang linya. Hindi ako makapaniwala sa sinabi at ginawa niyang pagbababa ng telepono sakin.

Siya ba talaga si Jerald? Siya ba talaga ang boyfriend ko? Siya ba talaga ang mahal ko?

No. It's not him.

Ano na ang gagawin ko ngayon? pupuntahan ko ba siya o hindi na? pero sobrang miss ko na siya at gusto ko na siyang makita. Gusto kong masiguro na ayos lang siya.

Bago pa ako makatanggi ay nakita ko nalang ang sarili ko na nagbihis na, at pababa na ng aking kwarto.

"Where are you going Gen?" Tanong ni dad na nasa sala at nakaharap sa kanyang laptop. Work again. Sigurado akong tulog na si mommy dahil hindi maganda ang pakiramdam niya mula pa kanina ng makauwi sila.

"Pupuntahan ko lang po yung friend ko dad, she really need my help now." pagsisinungaling ko, He knows about Jerald and I, pero ayaw niya na umaabot ako ng late sa labas. Mas gusto pa din niya ang manatili lang kami dito sa loob ng bahay. Puwera nalang kung may okasyon okaya naman ay ipagpapaalam ako ni Jerald. We know our limitations naman so walang problema, strict lang talaga si dad.

"okay, should I call manong?" aniya, mabuti nalang at hindi nahalata ang aking pagsisinungaling.

"No dad, I'm okay. Sa kabilang kanto lang naman ang kanila and ihahatid nya ako later. I'm going dad." I said without looking at his eyes, hindi ako sanay na nagsisinungaling sa kanila ni mom kaya for sure mabibisto ako sa oras na magtama ang aming paningin.

My Perfect GuyWhere stories live. Discover now