Introduction
Naramdaman ko ang pagvibrate ng phone ko, may nagtext. Nagtext si Maggie.
Mags:
"Gen where are you? Hurry up, malapit ng magstart ang flag ceremony. See you."
Sumakay kami ng kapatid ko sa backseat ng aming Chevy, ihahatid kami ngayon ni dad dahil first day. Magkaiba ang school na pinapasukan namin ni Gab, kaya mauuna akong bababa. Grade 1 palang ang kapatid ko at ako naman ay Grade 12 na, I know how to drive kaso ayaw talaga ako bigyan ni dad ng sariling sasakyan, natatakot pa din sya sa maaaring mangyari sa akin kung sakali man, hindi din naman ako naghahangad ng ganun kalaking gastos para lang magkaroon ako ng kotse. May sundo naman ako so no problem.
It's been 4 months ng nagbreak kami ni Jer at hanggang ngayon ay aminado ako na nasasaktan pa rin ako sa tuwing nakikita ko ang mga post nya sa facebook na kasama ang bago niyang girlfriend, pero hindi na katulad ng dati na hindi ako lumalabas ng kwarto ko at hindi ako makausap ng maayos ng mom at dad ko. I wonder, kung sa DSU pa din ba siya mag co-college at hindi ko alam kung makakatulong ba iyon sa pagmomove-on ko. I guess, it's a big no.
Well, last year nanamin to as senior high at first day of class nanaman and what to expect? unang una ang flag ceremony, sigurado akong madami ang di aattend nito dahil boring lang naman. Pupunta ako dahil gusto ko ng makita ang mga kaibigan ko and not because of this.
At syempre sa classroom ang pagpapakilala, ang 'getting-to-know-each-other' stage. We're used to it naman na lalo na tuwing first day.
Ang mga kaklase mong girls na naghahanap ng gwapo and for boys ang mga magaganda't makikinis na chix, gawain ng mga highschool yan, hindi ba?
At mawawala ba ang mga heartthrobs o mga mayayabang na kala mo e sobrang gwapo kahit hindi naman sa DSU? syempre hindi and for sure dadami pa sila.
Mabibingi nanaman ako sa pagsigaw ng mga babaeng kala mo e may mega phone sa lalamunan at sinasabayan pa ng mga kaibigan ko kaya mas lalong nakakairita.
At syempre, ang yakap at halik ng mga magkasintahan at magkakaibigan ay hindi din mawawala.
Yung bang ganitong mga linya "Love, I miss you. Wala padin pinagbago gwapo ka padin." at "Omg friend, hanggang ngayon ba naman di pa rin nawawala yang mga pimples mo? Pangit mo tuloy pero namiss kita!"
Totoo man o hindi syempre mamimiss mo padin sila.
At ako? eto sobrang excited na makita ang mga kaibigan ko.
Lumabas na ako sa kotse namin at agad hinalikan si mom, dad at si Gab. Pagkapasok ko sa gate ng DSU ay tumakbo na ako para agad akong makadating sa lobby. Ghad! I missed them.
Dumeretso ako sa usual place namin at tama ako, nandito nga sila. Mukhang ako nalang ang hinihintay.
"Hi Gen! I miss you!" Ani Mags, at sinalubong ako ng yakap.
She's Maggie Sy, the Romantic Princess of the group na walang alam gawin kundi ang mag stalk kay Jonathan Andres at hanggang ngayon ay never pa siyang pinansin. Hindi ko lang alam kung bakit Romantic ang nitawag sakanya, e wala naman ka-romantic romantic.
"You're pretty, as always." Alex said, nagform ang malapad niyang ngiti sa kaniyang magandang mukha.
She's Alexander Morin, the Sweetest Bee of the group. Siguro dahil sa pagiging friendly niya kaya 'sweetest' ang tinawag but I'm not sure, malay niyo may ibang reason.
"Yup, summer feels. So guy's how's your summer?" Pangungumusta ko sakanila habang hindi pa naguumpisa ang ceremony.
"Boring as ever, mas gusto ko pa nga ang nasa school."
She's Avyleen Salvador, the Brilliant Princess of the group, no wonder kung bakit mas gusto nya sa school. Naalala ko ng siya ang naging valedictorian noong nasa grade school pa kami at hanggang ngayon ay siya ang nagtotop sa klase. Paano, aral na sa school aral pa sa bahay. Nabubuhay na lamang siya sa mga makakapal niyang libro. At ngayon na nasa senior high na kami ay for sure mas magsisipag pa ang babaeng ito sa pagaaral.
"Hell no! sobrang saya kaya ng summer, we travelled US, ang daming gwapo pero grabe ang pagkawild. Haha!"
I miss her, the Hopeless Romantic of the group. Princess Andrea Felix, yung tipong itatanong niya samin kung maganda daw ba siya at bakit hindi siya pinapansin ng mga boys. Of course she's pretty. She's a Felix.
"Ohh, so how's your brother?" Nakangiting sambit ni Macy.
I think she already moved on. Pangiti ngiti na ngayon e. And how 'bout me? Am I moved on? No comment, I guess. Nauna pa ata siya kesa sa akin.
Anyway, She's Macy Villaflor, the Drama Queen of the group. I remember ng nagbreak sila ng brother ni Cess, ilang weeks din siyang di lumalabas ng room niya and I think di din kumakain. Panay pa ang iyak, na kahit ilang box ng tissue ay kulang pa sakanya. No wonder, she's really a drama queen.
"Fuck lovelife, look at me? Chill lang sa buhay. No boyfriend at all. Kuntento na sa stage." Mayabang na sambit ni Miks at ngumisi pa sa amin. Nang tumingin kami sakanya ay nagpeace-sign lamang siya.
She's Mikaella Villaflor. The queen of the dance stage. Isa siya sa mga magagaling na mananayaw ng DSU, lahat ata ng klase ng sayaw ay kaya niya. Isa din siya sa mga hinahagis sa ere satuwing may cheer dance sa aming school. And yes, wala pa siyang naging boyfriend since then.
At syempre hindi mabubuo ang grupo kung wala ako *roll eyes*
Well, I'm Genesis Gaile Arceo, the Stoneheart Princess of the group. It doesn't mean na masama akong tao. It's just I don't trust boys anymore except Gab and my dad of course, hindi naman sa pinagbabawalan nila ako na makipagboyfriend, kaya lang ako mismo ang lumalayo, ayoko na ulit maramdaman yung sakit na ipinaramdam sakin ng ex-boyfriend ko noon. That's why they called me 'Stoneheart' malay ko bang ayoko na mainlove or should I say takot na ako mainlove sa isang tao.
Philophobia if I'm not mistaken, the fear of falling inlove. I'm contented for what I have. No boyfriend, No problem, ikanga.
May crush ako, yes. Sino bang tao ang hindi nagkakacrush o humahanga sa ibang tao, hindi ba? But I'm sure na hanggang dun lang ako kase agad naman napapalitan ang crush ko, minsan nga di nako nagkakaroon ng crush at nawawalan na ako ng pakealam sa mga lalaking nasa paligid ko lang. Yes that's my lifestyle now, I never felt the feeling of being inlove again since the day we broke up, dahil alam ko siya pa din. Siya lang.
*RRIIINGGGGGGGGG*
Pagkatapos ng aming napakaboring na ceremony ay agad na kaming umalis ng lobby at nagtungo sa cafeteria ng aming school. Nagugutom daw si Alex kaya sinamahan na namin, uhaw din naman kami kaya okay lang.
Mabuti nalang at peaceful ngayon sa cafeteria, pagdating namin doon ay iilang estudyante lang ang naroroon. For sure, hirap sila ngayon sa paglabas sa lobby. Hindi ako sanay na ganito sa DSU, last year ay hindi naman ganito kadami ang mga pumapasok dito. Siguro ay madami ang mga transferred students kaya ganun nalang kung magsiksikan kanina sa lobby.
"Anong sa iyo Gen?" tanong ni Alex at tumayo sa kanyang kinauupuan.
"Water nalang." Sabi ko.
"Alright." aniya at agad na pumunta sa counter.
Nabigla ako sa tili ng katabi ko, nilingon ko agad ang mga lalaking naglalakad papunta dito sa caf. Apat na makikisig, matatangkad at gwapong mga nilalang ang aking nakikita ngayon, dumami pa lalo ang mga babaeng tumitili at pati ang mga kaibigan ko ay nakikitili na din, hinahampas pa ako ni Mags at..
"Omg! Omg! Si Jonathan, si Jonathan!"
Walang tigil niyang binabanggit ang pangalan na lalaking kinahuhumalingan niya. Yes I admit it, gwapo si Jonathan Andres, maputi, bagay na bagay sakanya ang kanyang chinitong mga mata na sobrang itim, tama lang ang laki ng kanyang katawan, magulo ang buhok at tama lang sa pula ang kanyang labi. No wonder kung bakit nagsasayang ng boses si Mags, gwapo nga ito at ganun din ang mga kasama niya, lahat sila ay matatangkad at bagay maging basketball player.
Naalis lang ang pagkatulala ko nang ibigay ni Alex ang water ko. Dumami na ang mga estudyante ngayon dito sa caf, kaya nagpasya na kaming umalis kahit na ayaw pa ni Mags.
![](https://img.wattpad.com/cover/74625718-288-k589899.jpg)
YOU ARE READING
My Perfect Guy
DiversosNagsimula ako na walang pakialam sa mundo, yung tipong masaya na ako sa lovelife ng mga kaibigan ko. And then, I met him. We lasted for almost 2 years but in the end he left me hanging. Masakit, sobrang sakit. Hindi ko makalimutan ang mga masasayang...