Dedicated to LhieYesha. Thanks sa tiwala mo na humingin ng advice sa akin. =)
+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++
Relationship to Relationshit
Love. Sometimes it doesn’t reach the promise of forever.
Na-fall out of love ka ba? O siya ang na-fall out of love sayo? Oh ‘di naman kaya’y pareho kayo?
Why?
Here are ten reasons why people fall out of love:
#1 You’re incompatible.
May mga taong mapagpanggap... na aalamin ang lahat ng gusto at ayaw ng taong gusto niya. And when they get the chance to talk to each other, of course they will act as if perfect to the eyes of the person they love. Gusto nating magpa-impress sa kanila, gusto nating isipin nila na compatible tayo para sa isa’t isa. So ang ending, kapag in a relationship na, saka lang malalaman ng isa’t isa na incompatible pala at fall out of love ang resulta.
#2 Certain expectations weren’t met.
Sa umpisa, madali lang mapunan ang expectations ng mahal mo. Dahil karaniwang simple lang ang ineexpect niya mula sayo. But as your relationship goes longer, their expectations increases and more difficult to meet, thus, the relationship becomes more complicated.
#3 Poor Communication
Kahit na sobrang sweet niyo pa sa text, chat o sa call, darating at darating rin kayo sa puntong makukulangan kayo at sasabihin niyo nalang sa sarili niyong, “nakakasawa na ‘to.” So, if you want to build a healthy relationship, you must keep in touch with your partner, not just through text, email, or call... you must also see each other for at least once or twice a week. But honestly, sobrang bilib ako sa mga taong nakakatagal sa long distance relationship. =)
#4 Taking each other for granted.
“Ay ‘di naman kami magbe-break kahit gumimik ako nang ‘di nagpapaalam.”
“Sobrang mahal naman ako ‘nun kaya ok lang na ‘di ko siya bigyan ng gift sa birthday niya.”
“Magdodota/magbabasketball muna ‘ko, ‘di naman niya malalaman eh.”
-Ayan...yan ang mga nasa isip natin kapag masyado na tayong komportable sa relasyong meron tayo. Iniisip natin na wala nang break na mangyayari, kaya naman nagagawa na nating itake for granted ang partner natin. That’s why nauuwi sa awayan, sumbatan, pataasan ng pride and in the end... it’ll become a crazy little sad thing called fall out of love.
#5 Jealousy
Ang selos, isang salita lang ‘yan pero tagos hanggang buto ang sakit na dulot n’yan. Tila ba isang sakit na tumatama kahit kanino. Actually may advantage and disadvantage naman ang pagseselos. Advantage ay kapag may pinagseselosan ang mahal mo, ibig sabihin sobrang mahal ka lang niya at gusto niya sa kanya ka lang. Disadvantage is kapag sumobra naman ang selosang nagaganap, nakakairita na to the point na gusto mo nalang kumawala sa relasyon niyo.
#6 Cheating!
Girls’ instincts are always true and right. Kaya kapag ang babae kinutuban, matakot ka na. Dahil may malaking chance na totoo iyon. Pero hindi lang naman mga babae ang niloloko diba? May mga lalaki rin. At once na masira ang trust na nabuild sa isang relasyon, hindi mo na ito maibabalik sa dati. Therefore, may possibility na unti-unti na ring mawala ang love.
#7 No solid foundation.
Ang foundation dito ay hindi ‘yung make-up! XD The foundation I’m talking about is that the ability to overcome problems. Kung madalas ay hindi niyo nareresolba agad ang mga pagsubok niyong dalawa ay malamang hindi rin magtagal ang pagmamahalan niyo.
#8 Exhaustion &Boredom
Ang paulit-ulit na pangyayari sa buhay natin ay nakakasawa, same as ang paulit-ulit na pag-aaway o ‘di pagkakaintindihan sa relasyon ay napupunta sa exhaustion o pagkapagod. Pero hindi lang naman ang pag-aaway ang pinagsasawaan, maaari ring ang daily routine sweetness nyo na kung tutuusin ay ‘di na maituturing na sweet. (Ex. Gusto mo na palaging ikaw lang ang nakakasama niya araw-araw.) If you’re not allowing your partner to socialize with other people, well, it might lead to the so-called boredom.
#9 Infatuation lang.
Minsan hindi natin madifferentiate ang love sa infatuation. Kung minsan porke’t gustong-gusto natin ang isang tao, akala natin love na agad. That’s why kapag pumasok na tayo sa isang commitment, dun lang natin marerealize na , “Ah, sana nakuntento nalang ako na crush ko lang siya.”
Kasi kahit napasaatin na ang taong gusto natin, hindi pa rin natin mahanap ang happiness. And we will lately realize na mas masaya pala noong tinitignan lang natin sila mula sa malayo.
#10 3rd party
Sa lahat ng party, ito ang pinaka-nakakaasar. Kasi naman, tested na talaga ang kamandag ng term na ‘to. Kahit inabot na ng ilang taon ang dalawang taong magkarelasyon, kung ang isa naman sa kanila ay ‘di sinasadyang umibig sa iba... gaano man katatag ang nabuo na nilang pagsasama, mawawasak at mawawasak pa rin ito dahil sa bago at mas masayng pag-ibig na dumating.
Ikaw, nainlove ka na ba? O na-out of love?
Ano sa tingin mo ang dahilan?