Habang nasa dreamland ako, bigla akong nakarinig ng nakakarinding tunog kaya napamulat ako ng mga mata nang wala sa oras.
"Letse ka namang alarm clock ka! ang ganda-ganda na ng panaginip ko e, hahalikan na raw ako ni Song Joong Ki mylabs!" sabay hagis ng orasan sa kung saan.
Kasura naman kasi, sa panaginip ko na nga lang nangyayari 'yong mga pangarap ko sinisira pa ng iba.
Pati ba naman alarm clock panira na din ng buhay. Aishh!
Bumangon na ako at dumeretso na agad sa banyo baka malate pa 'ko sa klase. Ginawa ko na ang mga dapat gawin. Alam niyo na siguro 'yon kaya hindi ko na iisa-isahin.
Pagbaba ko ng hagdan nakita ko si mama na naghahanda na ng almusal.
"Oh anak ikaw ba 'yan, gising ka na pala." sabi niya.
"Hindi Ma hindi ako 'to imagination niyo lang 'yan." walang gana kong saad.
Ayan ang hirap sa mga tao e. Obvious naman itatanong pa.
"Ikaw talagang bata ka. Lagi mo na lang akong binabara."
"Bakit Ma inidoro ka ba natin? " Sagot ko.
"Hay ikaw talaga kahit kailan pilosopo kang bata ka. Tara na dito kumain ka na baka malate ka pa." aniya habang iiling-iling.
"I'm just telling the truth Ma." sabi ko sabay kagat ng cheesedog. Ang konti naman ng cheese nito samantalang sa commercial akala mo punong-puno.
Pagkatapos kong kumain umalis na 'ko ng bahay at nag-abang ng jeep.
Pagsakay ko ng jeep sa may dulo na lang ako umupo.
Paano ba naman puro love birds na naglalampungan ang mga nakasakay dito. Mali ata ako ng sinakyan, road to forever yata to e. Lol walang forever magbe-break din kayo!
Pagbaba ko ng jeep dumeretso na 'ko papasok sa school nang bigla akong may nakabanggaan,
nagkatingin kamiAt
At
At
WALA.
Parang wala lang nangyari.
Ano in-eexpect niyo tutulungan niya 'ko tapos kapag nagkatinginan na kami biglang magkakaspark and then boom! magkakainlove-an. ASA! Nasa realidad tayo wala sa teleserye atsaka akala niyo ba gwapo 'yong nakabanggaan ko? E parang nabangga nga ng jeep yung mukha nun e.
Pinuntahan ko na ang room ko.
Pagpasok ko my apat pang vacant seats.
First year college na pala ako, at Accounting Technology ang pinili ko.Siguro iniisip niyo mga lalaki ang mga nakaupo doon tapos late papasok at isa doon ang makakaloveteam ko?
Hindi ito katulad ng mga ibang kwento sa libro at F.Y.I. mga babae ang mga nakaupo doon.Maya-maya dumating na ang prof namin at nagsimula nang magturo.
Bakit ba pati talambuhay ni Rizal kailangan pang pagaralan. Alam naman ng lahat na bayani siya TAPOS. Hindi ko naman magagamit sa pagtatrabaho 'yan e.
Lalo na 'yong mga mathematical equation na 'yan. Paano na lang kung maging chef ako naluluto ba 'yang mga square root na 'yan.
After 9999yrs. natapos din ang klase. As usual uwi agad ng bahay.
Hays boring talaga ng buhay.
Maglaslas kaya ako para maiba naman?
Itutuloy...
BINABASA MO ANG
Expectation vs. Reality (revising)
Teen FictionSa buhay may mga bagay na akala natin ganito pero hindi pala ganito. May mga bagay kasi tayo na in-eexpect pero kabaliktaran naman ang nangyayari sa realidad. Halimbawa nalang sa commercial ng isang fast food chain. Grabe ang laki ng burger patty...