Chapter 2

123 10 1
                                    

~Kinabukasan

Maaga na akong gumising inunahan ko na ung alarm clock ko. Naiinis ako kapag naaalala ko ung naudlot na paghalik sakin ni my labs sa panaginip ko e.

Mabilis na akong gumayak. Nagtext din kasi sa 'kin ang bestfriend kong si Maxie. Akala niyo loner ako ah, mabait naman ako e ayoko lang sa mga tupperware -PLASTIC na MATIGAS/MAKAPAL pa ang mukha.

Nasa school na raw siya. Ano kayang nakain non at ang agang pumasok.

Sumakay na ako ng jeep. Buti naman at walang love birds dito kaso yung katabi ko grabe ang amoy daig pa bayabas. Gwapo pa naman sana.

Hindi naman kase porke't gwapo at maganda e perpekto na. Yang mga artista na yan katulad lang din natin yan mababaho ang tae.

Maya-maya pumara na 'ko at dumeretso papasok ng University. Malayo pa lang amoy ko na ung pabango ni manong guard. Buti pa si manong mabango hindi katulad nung lalaki kanina.

Binati ko si manong.

"Good morning manong guard bango natin ah ano pabango mo?"

"Ahehe salamat iha. Bigay lang sa 'kin ng amo ko ito. Apisyonado to iha. " nahihiyang sabi niya.

Ah aficionado. Okay.

"Ah sige ho pasok nako. " sabi ko at naglakad na papuntang room.

Pumasok na'ko ng room at nakita ko si Maxie na ngiting-ngiti.

"Wuy! Bakit ang laki ng ngiti mo daig mo pa clown atsaka bakit may make-up ka ha? May boyfriend ka na ba Maxine Klaire Rodriguez?" sabi ko habang nakapamaywang.

"Grabe ka naman bes ang hard mo sakin. Masama bang mag-ayos ha? College na tayo kaya dapat magpractice na tayo mag-ayos ng sarili." aniya habang nagpapacute sa'kin na parang aso. Tss.

"Hoy babae, para malaman mo walang subject na pagandahan no, anong mag-ayos ng sarili? Bakit sira ba tayo? napunta ba ung ilong ko sa mata ko o kaya nagkapalit ba ung kamay sa paa natin? at higit sa lahat mag-aaral tayo hindi mglalandi. Umamin ka nga sakin ha. " Pagkontra ko sabay hampas sa balikat niya.

"Ouch naman bes! nakakadalawa ka na ah. Ang lakas mo talaga mambara. Oo na aamin na 'ko. " sabi niya at bumuntong hininga muna bago magsalita.

"Eh kase bes kilala mo si Travis ung sa kabilang section? "

"Ah oo ung parang sinubsob ung mukha sa harina sa sobrang puti ng mukha."

"Ano ka ba nman ang gwapo kaya niya! maputi kasi siya kaya kapag nag pupulbos siya lalong pumuputi ung mukha niya." Paliwanag niya at nagpout.
Mukhang si Daisy ung partner ni donald duck.

"The hell I care. Oh anong meron sakanya. Bakit bf mo na ba yon?"

"Hindi ah! P-pero n-anliligaw ...siya sakin "aniya na parang nahihiya at namumula ang mukha.

"Seryoso ba yan mamaya lokohin ka lang niyan. Sa una lang sweet tapos pag nakuha kana iiwanan ka na lang basta! Pagkatapos mo ibuhos ung pagmamahal mo sakanya mawawala na lang na parang bula. Yung tipong napapabayaan mo na ung sarili mo dahil siya lang iniisip mo nagmumukha ka ng tanga halos wala ka ng itira sa sa sarili mo. Hay letcheng pag-ibig yan! " Tuloy-tuloy kong sabi.

Natahimik ako sandali ng maramdaman kong nakatitig sakin lahat ng kaklase ko. Shit napalakas ung pagkakasabi ko.

Hindi ko na lang sila pinansin at tiningnan ko na lang si Maxie na kita ang pagkabigla sa itsura.

"Woah bes hugot na hugot ah! Naranasan mo ba ha bes? Nasaktan kana ba? Ikaw ha hindi ka nagkukwento sakin."

Natigilan ako sandali pero hindi ko pinahalata.

"Che wag mong ipapasa sa 'kin ang usapan. Basta pahirapan mo muna bago mo sagutin yang lalaking yan, tingnan mo muna kung seryoso. Mamaya gusto lang pala maka-score. Hindi mala-koreanovela 'yang buhay mo para ipagkumpara mo sayo ha." sabi ko.

Adik kasi yan sa mga koreandrama. K-pop din yang babae na yan. Gusto niya raw yung mga lalaki katulad sa tv na napaka sweet ung tipong kayang mamulubi kapalit ng babaeng mahal niya. Weh? may ganun pa bang lalaki e ung iba nga dota pa lang kaya ng ipagpalit ang gf e. Reality really hurts but you need to accept that. Ano raw? Nevermind.

"Oona po nay." sagot na lang niya.

Bigla namang pumasok ang teacher namin kaya  pumunta na 'ko sa pwesto ko.

Habang nag-aattendance si Ma'am,
naalala ko na naman tuloy bigla ang nakaraan na pilit kong ibinabaon sa limot.

Hay nako tama na ayoko ng balikan natuto na ako.
Masaya na 'ko sa buhay ko.

Itutuloy...

Expectation vs. Reality (revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon