Pagkatapos ng klase umuwi na agad ako. Nauna na ako kay Maxie, ihahatid daw siya nung Travis.Pagpasok ko sa kwarto naisipan kong buksan ang fb ko. Minsan lang kasi ako mag-open pagtrip ko lang.
Meron akong 50 notifications, 20 friend requests at 3 messages.
Binuksan ko ung messages. Mga hindi ko naman kilala to e. Puro "hi puh" o kaya "palike naman po ng DP ko." mga pa-famous.Tiningnan ko naman ung mga friend requests, in-accept ko na lang lahat hindi ko na tiningnan. Hindi naman ako katulad ng iba dyan na titingnan muna kung gwapo't maganda bago i-accept.
Nag-scroll muna ko at tumingin-tingin ng mga posts ng kung sinu-sino. Grabe ang mga filter. Akala mo ang puti at ang kinis pero pag nakita sa personal. Anyare?
Nakita ko ung kaklase kong si Tado na nagpalit ng DP nya, isa 'to sa mga bully namin e.
Wow ah ang puti niya sa picture samantalang sa personal kasing kulay na ng bao, OA naman masyado kung parang uling kulay black na yun.
Hindi ako masama ah nagsasabi lang ako ng totoo.Habang nagsscroll ako biglang may nagchat sa 'kin.
*Bzzzzzt*
IamYourMan:
- Hi,thankyou for accepting me :)
Wala naman akong magawa kaya nireplyan ko na lang siya. Grabe naman yung username niya pang-jeje.
Jamietot Hernandez:
- No problem.
Habang nagtatype siya tiningnan ko ung profile niya. Medyo mataba siya, maputi, chinito at cute naman siya.
Nagreply ulit siya.IamYourMan:
- Can we be friends ?
Bakit hindi ba kami friends. In-accept ko na nga siya e.
Jamietott Hernandez:
- Pwede naman, friends lang pala e. Pero uunahan na kita medyo masungit at prangka ko.
IamYourMan:
- Eh pwede ba more than friends?
Okay lang kung ganun ka I don't mind it anyways. :). Mas gusto ko nga yon e.Assuming naman 'to masyado.
Bago pa 'ko makapagreply nagchat ulit siya.IamYourMan:
- Uy I'm just joking ah.
Buti naman, mababanatan ko siya nang wala sa oras.
BAKA KAYA.
Jamietott Hernandez:
- Worst joke I ever heard. Lol.
IamYourMan:
-Hahahaha sorry.
Do you know that some jokes are half meant?Magrereply na sana ko nang biglang pumasok si mama sa kwarto.
"Oh anak tara na sa baba kakain na tayo. "aniya.
"Ah sige ma susunod nalang ako. Sandali lang po. "
Umalis na si mama sa kwarto.
Nagtataka siguro kayo kung nasaan ang magaling kong ama at kung may kapatid ba ako. Tinatamad kasi ako magkwento e.
BINABASA MO ANG
Expectation vs. Reality (revising)
JugendliteraturSa buhay may mga bagay na akala natin ganito pero hindi pala ganito. May mga bagay kasi tayo na in-eexpect pero kabaliktaran naman ang nangyayari sa realidad. Halimbawa nalang sa commercial ng isang fast food chain. Grabe ang laki ng burger patty...