Kawaii four!

5.2K 135 16
                                    

KII ~

"Nakakahiya ang inasta mo kanina. Hindi ko lubos maisip na kadugo kita." ang sabi ng kutong lupang si Chibikii habang nandito na kami sa tapat ng bahay at nagpapahinga.

"Tumigil ka nga dyan! Pwes hindi din ako makapaniwalang nine years old ka lang! Daig mo pa sina Mama at Otosan magsalita! At pwede ba? Bumitiw ka kay Leer!" inis ko namang sagot. Nakakainis talaga eh! Kung bakit kasi matalino ang Chibikii na to,feeling ka edad namin kung umasta. At saka hindi pa nga ako nakaka get over sa hindi sinasadyang kiss namin ni Leer kanina eh.

"Nako,ayan na naman kayong dalawa,mamumuti ang buhok ko senyo eh!" ang pag awat naman sa amin ni Leer.

"Kii,Chibi pumasok na muna kayo dito." ani Mama. Kaya nagpaalam na muna kami kay Leer at umuwi na din muna sya. Pagpasok sa bahay ay bihis na bihis sina Mama at Otosan.

"Aalis po kayo?" ang agad kong tanong.

"Oo,kaya dito muna kayo sa loob ng bahay. Papuntahin nyo na lang din dito si Leer mamaya." ang sagot ni Otosan.

"You can count on me! Ako pa!" ang masiglang sabi ni Chibikii.

"Tss! Mayabang na,sipsip pa." ang bulong ko sa sarili.

"O sige,aalis na kami. Huwag magpapasok ng hindi kakilala."

"Daijobu!" ang sabay naming sagot ni Chibikii at umalis na sina Mama at Otosan.

"Hoy! Pag magkasama kami ni Leer-san huwag kang epal ah!" ang agad kong sabi kay Chibikii.

"In your dreams! Hmp!" ang sagot nito sakin at binuksan ang Tv. Umupo naman ako sa tabi nya at nakinood na din. Bleach ang palabas kaya nag eenjoy na kaming dalawa ng biglang may mag doorbell. Ako na ang nagbukas ng pinto.

"Konnichiwa!" ang bungad ni Fibo na ikinagulat ko. Ang gwapo talaga nya! Im not prepared.

"Fibo-chan! What are you doing here?" ang gulat kong tanong.

"Wala kasing magawa sa bahay,so I decided na puntahan ka dito at turuan mag bake ng cookies." ang nakangiti nitong sabi saka iniangat ang mga dala nya.

"Mag bake ng cookies?! Tara pasok ka! I wanna learn how to bake cookies!" ang excited kong sabi. Hindi man ako nabusog kanina sa tea ceremony,sisiguraduhin ko ngayon na mabubusog ako dahil sa mga cookies.

Agad ko syang hinila papunta sa kusina,at kita ko sa dulo ng mga mata ko na sinusundan kami ng tingin ni Chibikii.

Bahala ka dyang lepricorn ka! Dyan ka lang.

"Hindi pala ako nagkamali na gusto mo ng cookies. Tara simulan na natin!" ang nakangiting sabi ni Leer at inihanda na namin ang mga kailangan.

"Pagkatapos mo halikan sa lips si Leerchan,may iba ka na namang kasama?! How dare you! Akin na lang talaga si Leerchan!"

Oh my god! He didnt say that!?

Ramdam kong agad akong namula dahil naalala ko na naman ang pakiramdam ng magkalapat ang mga labi namin ni Leer.

"Shut up! Umalis ka nga dito!" ang tangi ko lang nasabi at hindi na ako makapag isip ng matino.

"Is that true cutie?" ang salubong na kilay na tanong ni Fibo. OMG! Baka ma turn off sya sa akin! Sabihin pa nya malanding bakla ako! No!.

"Hindi naman yon sadya no? Alam naman ng lahat na aksidente yon! Umalis ka na dito,dun ka na sa sala!"

"Ayoko nga! Gusto ko din mag bake ng cookies!" ang taas kilay na sagot ng garapata. "Can you teach me too?" dagdag pa nito at nagpacute kay Fibo.

Kawaii Love ♥♥ (boyxboy) - COMPLETED!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon