Kawaii six!

4.9K 126 9
                                    

KII ~

Sa sinabi ni Leer ay napakurap ako ng ilang beses. Halos mapagod na nga ang pilik ko at gusto ko na lang pumikit ng tuluyan. Parang panaginip kasi.

Gusto nya akong ligawan dahil mahal nya ako. Totoo ba ito? O gawa gawa lang ng malikot at malawak kong pag iisip? O baka naman guni-guni guni ko lamang?

"Kii? Okay ka lang? Ang sabi ko,mahal kita at seryoso ako ng sabihin ko na manliligaw ako." ang sabi nya ulit.

Totoo nga! Sinabi nga nya! At inulit pa! Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Ganito pala ang pakiramdam pag gusto ka ng taong gusto mo. Parang may nagkakarera sa dibdib ko,nakakapanibago. Pero paano yon? Gusto ko din si Fibo? At manliligaw din sya?

"Ahm.. Ah.. Eh.. Uhm.. Okay!" ang nasabi ko na lang. Na speechless ako eh.

"Okay? So ibig sabihin pumapayag ka ng ligawan din kita?" ang naninigurado nyang tanong. Syempre,wala na naman akong nasabi kaya tumango na lang ako. "Okay! Thank you Kii! I will do anything and everything para sayo!" aniya at niyakap ako at agad ding bumitaw,tinitigan ako at nakangiti na,pati nga yung mga mata nya parang nakangiti din at kumikislap pa.

"Uhm,sige,uwi na ako. Goodnight!" at nanakbo na ako papasok sa bahay. Diretso ako sa kwarto ko. At ng sigurado na ako na nailock ko ang pinto ay hinawakan ko ang dibdib ko,panay kalabog pa din. Unti unti na akong napangiti,hanggang sa kinilig na ako at hindi ko na mapigilang tumili.

"Kyaaaaaahhhhhhh!!!"

Natigil ako ng biglang may kumatok.

"Alam naming gutom ka! Huwag kang sumigaw dyan,para kang otistik! Bumaba ka na daw at ka-kain na." sabi ng boses ng isang dwarf.

"Wala kang pakialam! Sige susunod na ako!" inis kong sabi. Ang lakas makasira ng good vibe ng Chibikii na ito eh.

-----

LEER ~

Parang ang bigat ng atmosphere dito sa bahay ngayon? Parang may hindi magandang mangyayari sa mga darating na araw.

Bumaba na ako pagkatapos maligo,pilit kong iwinaglit yung nararamdaman kong weird,ang inisip ko na lamang ay si Kii at yung sinabi ko sa kanya kagabi. Ang sarap sa pakiramdam na naamin ko na sa kanyang mahal ko sya,at gagawin ko ang lahat para maging akin sya.

Nakangiti kong tinungo ang dinning hall,nandun na si kuya Uriel at Winji kaya dumalo na ako sa hapag. Panay kwentuhan lang kami at sinabi ko syempre yung nangyari kagabi,masaya ako at susuportahan daw nila ako. Matapos ang breakfast ay nagpaalam na kami ni Winji para pumasok sa school. Dinaanan din namin si Kii para isabay,at sa buong byahe papuntang school ay si Winji at Kii lang ang nag uusap. Hindi ko maiwasang ma amazed,napaka ganda nilang dalawa,hindi mo iisipin na mga lalaki din sila.

Pagdating sa school ay nagmadali na si Winji,baka ma late daw sya,kaya ako naman ay hinatid pa si Kii sa room nila.

"Leer-san,I want to ask you something." nahihiyang tanong ni Kii habang naglalakad kami papunta sa building ng second year high school o grade eight.

"Ano yon? Spill it." naka ngiti kong sabi. Kung araw araw ba namang cute na mukha nya ang makikita ko eh buo na agad ang araw ko. How I love this little cute boy.

"Uhm.. Okay lang sayo na dalawa kayo ni Fibo-chan na nanliligaw sa akin? I mean,diba hindi naman na kailangan kasi hindi naman ako babae?"

Saglit akong tumigil sa paglalakad kaya tumigil din sya at hinarap ako.

"Kailangan manligaw ako sayo Kii. Hindi porket hindi ka babae ay hindi ka na pwedeng ligawan. Dito sa Pilipinas kailangan mong manligaw at suyuin ang mahal mo para maipakita mong sincere ka. At tungkol kay Fibo,I dont really care,may the best man win na lang." seryoso kong sagot at saka kumindat. Agad naman syang namula na ikina ngiti ko ng husto.

Kawaii Love ♥♥ (boyxboy) - COMPLETED!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon