Kawaii FINAL!

5.2K 128 23
                                    

NOTE: MARAMING SALAMAT PO SA SUMUBAYBAY SA KWENTONG ITO MULA UMPISA :) HINDI SYA MAHABA,HINDI SYA MABIGAT,PERO ISA ITO SA PABORITO KONG NAGAWA KO. HINDI MAN MARAMI ANG READS AT COMMENT,MAIPAGMAMALAKI KO ANG KWENTONG ITO,DAHIL HULSAM SYA,AT NASA DULO ANG SPG. Thats a achievement for me. Again,THANK YOU VERY MUCH! =)

===========================

Adrenaline rush hit me,hindi ako nakatulog sa sobrang excitement! Bakit hindi,naiimagine ko kasi na kaming dalawa lang ni Kii ang nasa iisang tub sa hot spring. At saka nakapag desisyon na akong sa araw na ito ay kailangan maging kami na. Kinuntsaba ko na nga sina Jin at Chibikii kahapon pag uwi namin galing kina Mister Minomoto.

Alas tres na ng madaling araw,nakahiga lang ako at dilat na dilat ang mga mata. Ina-anticipate ang mangyayari sa hotspring.

Shit! Bakit ngayon pa lang kinakabahan na ako? C'mon,I want this and I have to do this.

Napapitlag ako ng tumunog ang phone ko na nakaroaming. Pagtingin ko sa screen si Winji ang tumatawag kaya agad akong na excite. Hindi naman kasi ako gumagamit ng phone dito sa japan.

"Hello?!" ang excited kong bungad.

"Gising pa pala." ani Winji at humagikgik.

"Hindi ako makatulog,Ji. Diba nga nasabi ko na sa inyong dalawa ni Kloyy?" ang sabi ko naman.

"Obviously,pareho kayo ng mga sinasabi ni Kii." sabi pa ng isang boses na ikinangiti ko.

"Kloyy? Ano 'to? Conference? Bakit gising pa din kayo."

"Tumpak!" Sabay nilang sagot na ikinatawa ko.

"Anong meron?" ani ko para makapag simula na ng usapan.

"Nakita namin ang mga pics na inupload mo sa facebook. Were glad na masaya ka dyan. Sino yung red head guy?" ani Winji. Nagtataka tuloy ako kung hindi ba sya sinisita ni kuya Uriel,pati tong si Kloyy,nasan ba si Auel? I mean si Kein? Ay hindi! Si Clive pala! Ay ewan.

"He's Jin. Manliligaw ni Chibikii. Pupunta kami bukas sa isang spring. Excited na nga ako." nakangiti kong sabi kahit hindi naman nila ako nakikita.

"Nako,nimessage nga kaming dalawa ni Ji nyan ni Kii,nanghihingi ng sorry if pinili daw nya dati si Mamoru,akala nya galit kami. Kaya ayon,tinawagan din namin ni Winji kanina." ang sabi naman ni Kloyy.

Mas napangiti ako,inaalala pala iyon ni Kii? Ang cute nya talaga.

"We told him na wala kaming karapatang manghusga,basta ba magpapadala sya ng Sushi at Teriyaki!" ani Winji.

"Beks pati Sashimi diba?" dagdag ni Kloyy at nagtawanan kaming tatlo.

"Kayo talaga. Hintayin nyo ang ipapadala ko. Sobrang miss ko na kayong lahat pati si Ujie." hay! I miss Ujie calling me Papa Leer.

"Ay! Nako mga bestfriend naririnig ko na ang mga yabag ni Uriel,bye! I miss you Leer!"

"I miss you Leer,bye!" sabi din ni Kloyy at naputol na ang linya. Napatingin ako sa phone ko,buti pala ini-on ko ang roaming nito.

At ayon,ngingiti ngiti ako hanggang sa nakatulog na.

Nagising ako na parang may tumalsik sa akin na kung anong bagay. Tamad na idinilat ko ang mga mata ko at tumambad sa akin ang apat. Si Kii,Jin,Chibikii at Koukii.

"Sabi ni tito gisingin ka na daw namin. Geez! Bakit ano yan?" ani Kii at napatingin sa gitna ko,agad ko itong tinakpan ng unan. Humalakhak naman sina Jin at Chibikii.

"Hintayin ka namin sa baba,umalis na din Dad mo." ani Jin.

"Mo! Mo! Ehe!"

"My gawd! Koukii-chan lahat inuulit mo." sita ni Chibikii sa kapatid.

Kawaii Love ♥♥ (boyxboy) - COMPLETED!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon