Chapter One

23 0 2
                                    


"Ini-invite tayo ni Inay sa pyesta, itong darating na sabado at linggo. Makakasama ka ba?" Pahayag ko sa kanya na kausap ko sa kabilang linya ng telepono.

"This weekend? Aba! Si Inay in-invite ako? Anyway, sure! I'll go with you, babe." Sagot ni Michael, ang nobyo ko.

"Thanks, babe. Ite-text ko na si Inay para masabi sa kanyang makakarating tayo. Ingat ka diyan sa trabaho mo. I love you." Tugon ko sa kanya. Napabuntong hininga ako sa pag bibiro nya sa katotohanang hindi sya gaanong gusto ng magulang ko para sa akin.

"Ikaw din babe, I love you too." Sagot nya, at pagkatapos ay ibinaba na ang linya nya.

Ibinaba ko na ng telepono sa lagayan nito dito sa front desk. Break time ko naman sa trabaho ko bilang isang registered nurse, sa isang kilalang ospital dito sa makati kaya ako nakatawag kay Michael, ang nobyo kong civil engineer na naka destino ngayon sa isang condominium construction site sa cubao.

"Kayla! Tara na kain na tayo" narinig kong tawag ni Mayumi, matalik kong kaibigan, sa pangalan ko. Isa rin syang nurse dito kagaya ko.

"Sige susunod na ako." Ang tugon ko naman.

Matagal na kami magkasintahan ni Michael. Nag aaral palang ako noon, third year college, habang sya ay nasa ika-limang taon na ng kanyan pagka inhenyero. Pareho kaming scholar ng UP at nagkakilala kami noon sa isang college night na isinagawa ng eskwelahan. Nakilala ko sya sa pamamagitan ni Mayumi na noong mga panahon na yo'n ay nobyo ng isa sa mga kaibigan ni Michael, si Adrian.

Pagka graduate at pagkatapos mag review class, agad na naka pasa ng board exam si Michael, ganoon din naman ako makalipas ang isang taon.

Nang magkatrabaho na kami pareho, dalawang taon na simula nang maging kami, ay ipinakilala ko na sya sa mga magulang ko. Noon palang ay nasabi na agad nila na nayayabangan daw sila sa dating ni Michael.

Simple lang ang pamilya kong tubong Santiago City, Isabela. Mag bubukid ang aking Ama habang Guro naman si Inay sa elementarya. Ako ang panganay nilang anak, sumonod naman sa akin si Leo, at ang bunso naming si Agatha.

Sila Michael naman ay may kaya sa buhay. Kahit na may kaya sila ay nag Iskolar sya dahil sobrang talino nya. Mahahalata mo sa kilos, pananalita, at ayos sa sarili na medyo spoiled sya sa pamilya nila. Bilang unico hijo ng mga Santiago na mga inhenyero din, nayayabangan ang mga magulang ko sa kanya na hindi naman sinasadya ng kasintahan ko dahil natural na sa kanya ang maging "feeling close" at sobrang balidoso mag ayos ng sarili.

Nauunawaan naman iyon ni Michael dahil nga probinsyano kami at laking maynila talaga sya. Lay low naman sya sa mga sumunod na pag dalaw namin sa aking bayang tinubuan, pero sadyang hindi lang talaga ganoon ka smooth ang pakiramdaman nya at ng mga magulang ko. Sa kabilang banda, gustong gusto naman sya ng kapatid kong si Leo na mas bata sa akin ng dalawang taon, at ni Agatha na anim na taon ang agwat sa akin

Makalipas ang ilang taon, 24 na ako habang 26 naman si Michael, mas naging maigi naman na ang pakikitungo ng pamilya ko sa kanya. Limang taon narin naman kasi kaming magkasintahan.

Ngunit hindi parin talaga gaanong boto sila Ama at Ina sa kanya. Ang gusto kasi nilang mangyare ay makasal din ako sa isang ilocano, sa isang taga Isabela din. Pero ano bang magagawa nila, mahal ko si Michael at mahal nya rin ako. Sapat na dahilan na iyon para ako ang masunod kung sino ng pakakasalan ko.

************************


Byernes palang ng gabi ay sinundo na ako ni Michael sa aking tinutuluyang apartment. Pareho kaming galing trabaho kaya nagkakaintindihan kaming dalawa kung bakit medyo matamlay ang isa't isa. Mag ba-bus nalang daw kami kesa gamitin ang kotse nya, para rin daw ito sa safety namin dahil masyaso daw siyang pagod sa trabaho. Payag naman ako dahil ayoko din mag alala na baka ma aksidente kami sa daan.

KaylaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon