~>* Chapter Two *<~
Halos mag iisang buwan ang nakalipas matapos ang huling pag bisita ko sa probinsya namin kasama ang nobyo kong si Michael, napakalaki nang nagbago sa aming dalawa. Matapos kasi ng huling gabi na natulog sya sa apartment ko, hindi na kami muling nakapag kita. Masyado na syang busy sa trabaho nya sa construction company, malapit na raw kasi ang awarding ng mga unit sa mga naka bili nito.
Nauunawaan ko naman sya, dahil ako man rin ay na busy na dahil narin sa dami ng pasyente na labas-pasok ng ospital. Nakakapag usap pa naman kami sa text o minsan ay sa tawag kaya nakaka hinga parin ako ng maluwag kahit na hindi kami nagkikita.
Tatlong araw bago mag isang buwan bago ng huli beses naming nagkita, na approve na ang ni-file ko na 1 week leave sa trabaho para naman makapag bakasyon kasama ng kasintahan kong si Michael. Plano na namin ito, bukod kasi sa darating na weekend ay hindi na sya busy, kaarawan nya rin sa a-trenta. Saktong sakto sa leave na nai-file ko.
Pagka uwi ko ay agad ko syang tinawagan, nagbabakasakaling wala syang ginagawa sa trabaho (umaga na ako nauwi dahil night shift ako palagi).
Matagal nag ring ang telepono nya bago nya ito sinagot.
"Hello?" Sagot nyang may boses na parang kakagising lang.
Napa kunot ako ng noo. Tinitigan ko ang orasan kong naka sabit sa pader na nasa itaas ng telebisyon ko sa sala.
10:26 am, alas-dyes bente-sais ng umaga.
"Hello?!" Ulit ng boses sa kabilang linya, pagod parin ang boses, ngunit may kaunti nang bahid ng pagkainis.
"Good morning?" Sarkastiko kong sagot (patanong) sa kanya, may halong inis na rin dahil sa boses nyang parang kakagising lang, samantalang dapat alas otso ay nasa trabaho na sya, at dahil sinusungitan nya ako gayon dahil naistorbo ko ata ang tulog nya.
Matagal kong pinakinggan ang katahimikan sa kabilang linya. May pa naka-nakang tunog nang kaluskos ng kama, parang tumayo sya mula sa pagkakahiga. Minasdan ko ang screen ng cellphone ko, patuloy parin naman ang tawag at di nya pa ako binababaan.
"Michael?" Taka kong tawag sa kanya.
Nabigla ako sa pag sagot nya na halos di ko pa tapos banggitin ang pangalan nya. "Kayla, morning" ang sambit nya.
"Kakagising mo lang?" Tanong ko, may pag aalala sa aking tinig. Para kasing may kakaiba sa boses nya. Parang kinakabahan.
Narinig kong parang ibinaba nya sa kung ano man ang telepono nya at nasundan ng saglit na katahimikan, bago nya sinagot ang tanong ko.
"I over slept, Kayla! Damn!" Inis na sagot nya. Doon ko lang naiisip na baka nag bibihis sya kaya parang kinakapos ang hininga nya sa pag sagot nya sa akin at parang may kumakaluskos na tela sa likod ng boses nya. "Patay ako kay boss nito!" Sabi nya pa.
"Sige, babe. Take your time. Text or call me after mo mag bihis." Sabi ko naman, nauunawaan ko sya. Sobra na rin siguro ang pagod nya kaya hindi sya nagising ng maaga.
"Okey." Tipid na sagot nya na agad namang naputol dahil ibinaba nya n ang tawag.
Napa kunot ang noo ko, wala manlang 'good morning' o 'Hi Babe'? Ibinaba ko na ang cellphone ko sa center table ng sala ko bago pumunta ng kusina upang ilagay sa laundry basket ang suot kong uniporme at mag salang ng iiniting tubig sa kalan, bago ako nag tungo sa kwarto upang mag bihis.
Kalahating oras ang naka lipas, naka kain na ako ng almusal ko, ngunit wala paring dumarating na text o tawag galing kay Michael. Salitan kong tinititigan ang orasan na naka sabit sa pader at ang cellphone kong nakapatong parin sa center table habang naka higa sa sofa at naka bukas ang TV. Matyaga kong hinihintay ang pag tunog ng telepono ko, ngunit lumipas na ng isang oras at wala parin dumarating galing sa kanya.
BINABASA MO ANG
Kayla
General FictionThis is a three part, movie like story that will make you realize that you're life isn't always as perfect as you want and wish it to be, but will certainly teach you the beauty of life after moving forward.