|Page four: How cute he is|
THIRD PERSON'S POV
"IKAW NA NAMAN?!" Sabay asik ng dalawa.
'Aba'y sineswerte nga naman ng kamalasan' tanging nasabi ni Precy sa kanyang isip.
"You're copying me pa?? And what are doing here ksp boy? Sinusundan mo ba ako? Wag mong sabihing may lihim kang pagtingin sa akin?" Biglang sabi ni Precy sa binata. Kahit alam niyang assuming siya sa mata ng binata, wala siyang pakialam basta mapahiya lang siya. Ganti-gantihan lang?
"Kung makapagsalita kala mo close tayo. Ksp ba kamo? Baka yung mukha mo. Iprito mo nang maliwanagan yang bibig mo" tugon ng binata at inirapan siya.
Di nila namalayan pinagtitinginan na sila ng mga taong nakapaligid sa kanila.
"Waw ha. Sobrang far out mo te di ko ma-reach! Ayusin mo naman pag may time!" Sigaw ni Precy sa binata at naghand-gesture pa sa kamay niya na di raw ma-reach.
"Well done. Talk about sarcasm! Pulutin mo utak mo! Sinasayang mo lang. Tsk tsk" Tugon naman ng binata at bago pa makaganti ng salita nitong si Precy ay inawat na sila ng isang lalaki.
"Oh dude.. Girl.. Stop with all your nonsense effortless bangayan. Gusto niyo ma-feature kayo sa newspaper? If yes, dun kayo sa stage magsigawan. Masyado na kayong freak" sabi niya at tumingin siya kay Precy.
"Ikaw naman masyadong papansin. Where are your manners? Please--" natigil ang lalaki nang nagsalita ang ka-bangayan ni Precy.
"Dude stop. We're just playing. Anong pakialam mo? Dun ka na nga kila Henry kitang naghahanap ako ng tyempo!" Asik ng lalaki sa kaibigan.
"Aba etong unggoy nato marunong na! Sasabihan ko si Lance para makapagcelebrate kami. Haha! Apir bro!" Makikipaghigh-five sana ang kaibigan kaso sinamaan lang siya ng tingin nito.
Kita sa ekspresyon ni Precy na naguguluhan na siya sa mga nangyayari.
"Magkaibigan pala kayo? Bakit hindi niyo sinabi? Like hello? Hindi ako invisible! Tapos na ba tayo? Pwede na ba akong umalis? Masyado nang nakakahiya tong pinaggagawa natin. At ikaw lalaki, anong walang manners? Pagsabihan mo yang kaibigan mo" bulong na sigaw ni Precy nang mapansing hindi parin iniiwas ang mga mata ng mga nakikiusyuso sa kanila.
Nagsitigil sila nang may dumating na apat na babae na halatang napagod sa pagtakbo.
"Girl! *Hinga hinga* An *hinga* yare?" Liezel.
BINABASA MO ANG
SIXTERS ✌ (Slow Update)
Fiksi RemajaGroup of 6 girls happened to be fell in love with another group of 6 boys in an embarrasing situation. Do their strong friendship fight against love?Read|Vote|LeaveAComment. Thanks! XD Lovelots <3