Lagi kaming nag-uusap sa phone ni Paul. He's sweet at kinikilig ang lola niyo. Haha lagi din kaming magkasama sa school. Malapit na kasi ang graduation kaya busy kaming lahat sa pagcomplete ng requirements kaya nagkakaron din kami ng time para makasama si Paul.
Nong nalaman ni Jermaine na kami na ulit. Binantaan niya si Paul.
"Isang beses mo pang saktan tong best friend ko. Isa pa talaga. Humanda ka saakin"-jermaine
"Oo hindi ko na siya sasaktan. Promise"-paul
"Good"-jermaine
"Forever na kami. Haha"-paul
1 week later,nauna niyang natapos ang clearance niya kaya tinulungan nalang niya akong mapapermahan yong akin at para makompleto ko na ang clearance ko. Hindi naman nagtagal ang pag-agos ng araw at dumating na ang graduation day. Ipinakilala niya ako sa daddy niya at ipinakilala ko din siya sa Family ko.
Weeks passed,nagbakasyon ako at siya naman ay nanatili sa lugar namin. LDR kami--long distance relationship. Nong una,okay lang naman kami. Walang away,walang tampuhan,wala. Masaya lang kami. He's not eating kung hindi pa ako kumain. Lagi kaming nagtatawagan. Sweet kami sa isa't isa. Sobrang ganda ng relasyon namin. And here I am,katawag ko siya ngayon.
"Babe"-xeira
"OH BABE! OO MAHAL NA MAHAL KITA BABE! HAHAHA"-Paul
Sinigaw niya ang mga katagang yan. Tinukso naman siya ng kapatid niya at sinabing ang corny daw niya.
"Hahaha ang baliw mo babe"-xeira
"Haha alam mo babe,ang ganda talaga nong crush ko"-paul
"Ah talaga? Okay"-xeira
Note the sarcasm there. Haha
"Selos ka babe? Haha kahit na maganda yong crush ko,crush ko lang naman siya. Mahal kita"-paul
Napangiti ako sinabi niya. Nag-usap lang kami ng nag-usap hanggang sa maubos na pareho ang pantawag namin.
Ilang linggo pa ang lumipas at dumating ang birthday niya,hindi ako masaya nong birthday niya dahil ang cold niya saakin. Sobrang cold. Hindi ko nalang yon pinansin at hinayaan nalang. Ginagawa ko ang lahat upang ma-lighten up yong usapan namin pero sadyang napakacold niya. Hindi na siya nagparamdam nong gabi na.
Sobra na akong nagtataka. Hindi ko naman alam kung anong nagawa ko para maging ganon siya saakin. Pagkatapos ng birthday niya,hindi na siya nagparamdam ng dalawang araw. Sobrang nagtaka na talaga ako at nagtampo dahil di manlang siya nagparamdam. Kinabukasan, april 22,nag GM siya..
From: Babe♥
"Kung talagang interesado sayo ang isang tao,kahit hindi ka magparamdam,kukulitin at kukulitin ka niyan"
To: babe♥
Ako ba pinapatamaan mo? Kasi kung oo,sorry ha? Nagtampo din kasi ako. Ikaw ba naman,yong bf mo,hindi magparamdam ng 2 days,anong mafefeel mo?From: Babe♥
Ginawa ko yon para malaman kung mahalaga ako sayo. Pero hindi ataTo: babe♥
Hindi naman yon kailangan eh. Mahalaga ka saakin.At don nagstart ang pag-aaway namin. 1st monthsary namin bukas,april 23. Tapos nag-aaway kami? Maghapon kaming nag-away. Akala ko maayos pa namin to. Pero umabot yong away namin hanggang kinabukasan.
From: babe♥
Sorry xeira,ayoko na.To: babe♥
So break na tayo?From: babe♥
Nasa huli ang pagsisisi,ok? Saka ka lang gagalaw pag sinabi ko na?To: Babe♥
Bakit ang babaw mo? So ganon nalang? Asan na yong mga pangako mo? Yong sinabi mong di mo na ako sasaktan ulit? Yong promise mong forever na tayo? Asan na? Hanggang salita ka lang ba Paul? Sorry,not sorry. Monthsary natin bukas,salamat sa gift ha?Hindi na siya nagreply. At don na nagtatapos ang love story namin. Akala ko,sa second time around,tatagal kami. Akala ko okay lang ibigay yong second chance kasi deserve niya. Yon pala hindi. Ang babaw ng rason niya para makipaghiwalay. Inalala ko lahat ng pangako niya. Lahat ng sinabi niya. Sobrang sakit. Napakasakit. Ang stupid ko. Napakastupid ko para balikan siya. Ang stupid ng nafefeel kong pagmamahal sakaniya. This is crap. Stupid love,wtf.
Ilang araw ang nakalipas at napag-alaman kong nong 2 days siyang hindi nagparamdam,mineet niya pala yong babae niya. Si joy. Alam mo yong masakit? Nagsinungaling siya. Akala ko nagtampo lang siya,yon pala,may babae na siya. Nalaman ito ng mga kaibigan ko kaya inaway away nila si Paul.
Sa ngayon,nagmomove on na ako. Kunting kembot nalang,makakalimutan ko na siya. Kunting kunti nalang talaga. It still hurts but it's not killing me anymore. I believe that time heals all wound. Hindi ko pinipilit magmove on,mas masasaktan lang kasi ako pag pinagpilitan ko. I am so stupid to gave second chance for someone who doesn't deserve my tears. I am so stupid because I love him and this love is so stupid. Not all endings are happy. Sometimes,it ends with debilitating pain and tears.
BINABASA MO ANG
Stupid Love
Teen FictionThis is my second published story. Happened in real life. A one shot story.