Nagmamadali akong pumasok sa school.
Hinahanap ko ung bestfriend ko.
Ahhhh... hihikain ata ako kakahanap sa kanya may sasabihin pa naman ako.
Asan ka na best, asan ka?
Nang biglang...
"Kyleeeeeeeee!"
Jessieeeeeee! :D
"Best! mukhang pagod na pagod ka ah?"
Oo kakahanap sayo nasan ka kasi? >__<
"Na late kasi ako"
Ah. Ay best! si... si.... si....
"Si..?"
MARTA!
"Oh anung meron kay marta?"
Best dapat masaya ka ngayon!
"Bakit?"
Si marta kilala na niya ako! :D
"Eh? Talaga?" o___o
Oo! aksidente nabangga ko siya kahapon siguro naawa si God sakin. Ayun binigyan niya ako ng pagkakataong makilala siya! :)
Hindi ka ba masaya best? Kilala na niya ako!
"Ay oo! sobrang saya ko nga eh! Oh panu yan kilala ka na niya? Oh edi makakatulog ka na?"
Best naman.. Haha. -___-
"Nagbibiro lang best, Haha" xD
*bell ringing*
"Oh time na best, pasok ka na sa room mo! sabay tayong maglunch ha? Ingat ka best! Aral ng mabuti."
O sgeh, Kaw din best! Ingat ka.
*sa classroom*
Sobrang excited ko at saya talaga! Para bang nababawasan ang hirap ko sa buhay. Para bang...
"Kyle!"
Sir?
"Bakit ka ngumingiti mag isa? May kausap ka ba?"
Ahm wala po sir, sorry po..
"Focus on your lessons okay?"
Opo sir..
Ayos lang yun kahit napagalitan ako ni sir, masaya parin ako! :D
*lunch time*
"Best!"
Ui Jessie! tarang maglunch?
"Tara libre kita!" :D
Haha! Ayaw ko! nakalimutan mo ba ung usapan natin na ako palagi ang manlilibre?
"Haha, Basta ako!"
Ako!
"Ako kaya!" :P
Nang biglang dumaan si marta.....
(Napatigil ako bigla, para bang yung tibok ng puso ko bumibilis ng bumibilis. Ah hindi ako makagalaw)
"Hoy kyle! Aba anung nangyari sayo? Ayan nakalampas na si Marta! Hndi mo tuloy nakita"
Huh? ang naalala ko lang nagtatalo tayo tapos...
Ung puso ko tumitibok ng mabilis tapos si... si......
"Hay naku! sobrang inlove ka na jan kay marta eh! tara na ngang kumain, gutom lang yan eh. Ako na bahala sa lunch!"
A... A.... Ak...
"Oops! wag na! ako na kasi! makikipagtalo nanaman to. Tara na nga!"
(Napakamot nalang ako sa ulo)
Pagkauwi ko sa bahay nakita ko si lola nagdidilig siya ng mga halaman niya...
lola mano po...
"Oh kyle, kamusta ang pagaaral mo?"
Mabuti naman po, lola pede po bang magtanung sa inyo?
"O sge pagbutihin mo ha baka matanggal ka sa scholarship nan. Oh anu un?"
lola naniniwala ba kayo na kahit magkaiba ang katayuan ng dalawang tao pede parin silang magsama?
"Tingnan mo nga naman oh, kanina ko pa tinatangal yung damo sa bulaklak pero pilit paring bumabalik at nagsasama. Kahit ilang beses na pagsubok ang dumating mawala man ung damo bumabalik parin."
Eh lola sa tinging mo dapat bang sabihin habang maaga pa ang mga gusto mo at ninanais?
O saka nalang kapag huli na ang lahat?
"Tingnan mo tong bulaklak saka lang lumabas kung kelan wala na akong pandilig. Maswerte pa yung iba nadiligan ko agad habang maaga pa."
lola! iba naman po sinasabi niyo eh, puro halaman po. -___-
Last na pong tanong, kelan ko po malalaman kung kelan ang tamang panahon?
"Hay naku! pumasok ka na umuulan ngayon magasma ang panahon baka magkasakit ka pa nan. Mamaya ka na lumabas kapag maliwanag na."
lola naman.. -___-
"Hay naku apo malalaman mo rin lahat sa takdang panahon.."
