Knight-in Shining Armor

2.6K 60 1
                                    

"OMG! Napaka gwapo talaga ni Kiel!!"

"Pati rin si Andrew!!!"

"Lalo na si Kenneth!!!"

"Kyahhhh!!!"

Ilang lang yan sa mga sigawan na narinig ko nang pumasok na yung Tatlong mokong. Nag sitabihan din yung mga studyanteng nasa gate, para padaanin sila.
Bakit kaya? wala naman silang korona para ituring na mga hari dito sa school ah, nakakabored na puro nalang sila yung topic, bibili na lang ako ng Ice Cream.

Pagdating ko dun sa Canteen, aba pati yung mga tindera sila rin yung topic, nang gayuma ba yung tatlong yun? Bakit kaya ganun na lang kalakas yung appeal nung tatlong yun sa iba? Sakin naman hindi, si Andrew lang talaga..... Ahhhh basta! Makabili na nga!

"Pabili po." Sabay kalampag ng pera dun sa lamesa.

"Pabili po!" Mukhang wala atang marinig itong mga 'to ahh!

"Ehem!" Kunwari akong na ubo ng malakas, aba hindi pa rin nila narinig? "PABILI PO!!!!!" Naririndi kong sabi, napatingin sila sakin.

"Ahhh, pasensya na iha, ano bang bibilhin mo?" Hayyy, mabuti naman narining din nila ako, kanina pa ako nandito e, ano ba kasing meron dun sa tatlong mokong na yun?. At pati tindera ay pinagpapantasyahan sila.

"Ice Cream, Cheese Flavor."
Sabay pa talaga ha! Sino ba 'to? Tumalikod ako, aba akalain mo yun kumakain rin pala ng tig-sisix pesos na Ice Cream ang hari-harian ng school si Kiel, akala ko kasi puro sosyal lang sya eh.


Napatingin ako dun sa tindera, para siyang bata na punong puno ng stars yung mata, sa madaling salita pinapag pantasyahan niya 'tong si Kiel at dahil sa pag papantasya niya isa lang ang nakuha niyang ice cream, syempre ice cream ko yun ako yung naunang bumili e.

Nahawakan agad ni Kiel yung Ice Cream, inagaw ko naman yun sa kanya, aba! Ladies First po kuya! Tinanggal ko na yung balat tas kinuha na niya ulit yung ice cream! At parang nang aasar pa siya na kakainin niya yung ice cream, inagaw ko, pero hawak pa rin niya, kaya nag agawan kami hanggang sa matapon yung ice cream sa polo niya, hala sya! Lagot ako neto!

Tinignan niya ako ng masama palapit siya ng palapit sakin, ako naman paatras ng paatras, hanggang sa mapasandal ako dun sa pader! Damn! Trap na ako!

Hinarangan niya ng kamay niya yung kanan ko at dun sa kaliwa, may table. Lagot na talaga ako neto. Bumaba ako ng kaunti dahil sobrang lapit na ng distansya naminsa isa't-isa, loko 'to ah hahalikan ba nya ko? bastos!, habang bumababa ako, bumababa rin sya at yung kamay niya! Shems! Nangangamatis ata ako! Grabe naman! Kung hindi sana ako bumili ng ice cream, edi sana walang ganto!

Dumami na yung estudyante sa paligid namin.

May isang kamay na humawak sa balikat niya, hinila siya nun, nakahinga na ako ng maluwag, nagulat ako sa nakita ko, yung kapatid ko, si Andrei. May pagka bad boy rin siya, pero hindi kasing lala ni Kiel at nung pinsan ko. Marami rin syang fangirls. At tanggap ko sya.

"Anong ginagawa mo sa kapatid ko ha!" Galit na galit niyang sabi. Sabay suntok. Shems! Mukhang magkakagulo dito a! At mas malala pa kasali ako!

Nagsuntukan sila, wala silang pake alam sa nasa paligid nila, tuloy sila sa pag bubugbugan. Habang tinutuloy nila yun mas lalo pang dumadami yung nga studyante. Shems! Ano 'to movie? Bakit walang pumipigil sa kanila???!!!!

"Tama na!!!!!" Pag pipigil ko. Pareho silang napatingin sakin, pati rin yung mga estudyante nasa akin yung atensyon. Hala siya! Bakit sakin kayo nakatingin?! Ayaw ko ng masyadong marami na nakukuhang atensyon!.

Lumapit na lang ako sa kapatid ko at tinulungan siyang pumunta sa clinic. Habang yung mokong na si Kiel dinudumog ng mga fans niya. Pag dating namin sa clinic kinausap ako ni Andrei.

"Ano ba kasing nangyari at ganun yung posisyon niyo kanina? Hahalikan ka ba niya? Bakit? Ano magsalita ka!" Sunod sunod niyang tanong, ang sweet talaga ng kapatid ko.

"Isa-isa lang! Saka Huminahon ka nga!" Sabay hawak sa balikat niya.

"Eh paanong hihinahon! Eh nakita ko yung muntik ka na niyang hal----"

"Shhhhh!" Sabay takip sa bibig niya.
"Hindi niya ako hahalikan! At mas lalong hindi ako magpapahalik sa mokong na yun noh!" Sabay kaming natawa.

Pinunasan ko yung dugo sa labi niya. At nilagyan naman ng band aid nung nurse yung sugat niya sa noo.

Pag labas namin sa clinic, hinatid ko muna sya sa classroom niya. Shems!!!! Late na ako.... kami pala. SUPER DUPER LATE!!.....

Tumakbo ako papuntang classroom, hayysss nakarating na rin. Lagot ako sa Prof. namin nito.

Pag bukas ko ng pinto bumuhos sakin ang isang balde ng tubig. Tumulo na lang yung luha ko. Sabay bato nila sa akin ng ITLOG! Hala! yung uniform ko!.

Hanap ako nang hanap sa scarf ko, naiwan ko ata sa clinic, tumigil na kayo please. Napa luhod ako.


Akala ko tumigil na sila kaya napatingala ako, pagtingala ko may bumato sa akin ng KAMATIS! Sumakto pa sa mukha ko!

Nagtawanan silang lahat.

Napatungo ako. Pinatong ko yung ulo ko sa tuhod ko at tuloy parin sila sa pagbato.

Tumigil ulit sila. Hindi na ako tumingala pa, baka kasi pag tingala ko ay may ibato uli sila sa akin na kung ano.

Ilang minuto na rin yung lumipas pero wala pa rin, sinubukan kong sumilip, may color brown na coat na nakaharang sa akin, napaka bait naman niya, hulog siya ng langit sakin, buti nalang napatigil niya yung mga kaklase ko. Siya na ang Knight-in Shining Armor ko.

Tumingala ako para makita yung mukha ng may ari ng coat.






Andrew....

Stupidly Inlove With A CheaterWhere stories live. Discover now