Jelous (Part 2)

1.2K 52 7
                                    

Kiel POV.

Nasermonan na naman ako ng magaling kong kuya, aba! Pumasok daw ako! Humabol daw ako sa susunod kong klase. Eh, wala naman akong pag pipilian, wala akong laban dun eh! Nasa panig kasi siya ni mom at Dad. Kaya eto ako ngayon nakasakay ako sa kotse ko papuntang school.

Ipinark ko muna yung kotse ko sa parking lot, kaya nga parking lot e, tambayan ng mga sasakyan.

"I'm on my way now to my second subject in the afternoon bro, so don't worry" Panimulang salita ko sa phone, pano ba naman kanina pa tawag ng tawag, habang nag dadrive ako.

"Good, li'l bro." Sagot niya.

"Aish! I said don't call me li'l bro just call me on my name!" Napakakulet nitong kausap ko! Parang mas nakakatanda pa ako! Pero hindi, baby face kaya 'to.

Binabaan na niya ako ng tawag. Aishhh! That senior!. By the way, siya nga pala si Lucas, half brother ko lang siya buti nga tanggap siya ni mom, at mas close pa sila! Magkaiba kasi kami ng nanay, kinupkop lang siya ni dad, mas matanda siya ng four years sa akin, I'm only 19, and he is 23.

***

Pagdating ko sa room, nakita ko si Kathrine, nakahiga sa sahig, at may dugo siya sa ulo niya, may nakita naman akong tatlong clown na gulat na gulat yung mukha, sila siguro yung may gawa nito. Eto namang babaeng 'to!, hindi marunong lumaban!

Walang anu-ano, binuhat ko na si Kathrine at dadalhin ko siya sa clinic, napatingin naman lahat ng kaklase namin sa amin, sakin lang pala, aishhh! Basta! Dadalhin ko na siya sa clinic!

Pagdating sa clinic, binuhat na siya nung mga nurse at pumasok sila sa isang room, hindi ko alam kung anong room yun.

Naghintay lang ako sa labas, hinintay kong lumabas yung doctor. Lagot ako neto sa kuya ko, may mga mata yun dito e.

Sa wakas naka-labas na rin yung doctor.

"Family of the Patient?" Sabi ng doctor, napatayo na lang ako, ewan ko kung bakit.

"I'm his boyfriend." Kalma kong sagot. Teka, boyfriend? Bakit Boyfriend? Anu ba itong bibig ko! MY BIG BIG BIG MOUTH! Kung ano ano ang sinasabi! Pero papanindigan ko na rin yun. Sabagay, ayos lang naman sa akin.

"Minor Injuries lang naman yung nakuha niya sa pagkakabagok ng ulo niya." Haysss. Buti naman.

"Can I visit her?"

"Sure." Sabay pasok ko dun sa room ni Kathrine.

Sinundan pa niya ako sa loob. "You can leave us doc. I can take care of her by myself." Nag bow muna siya sa akin bago lumabas ng kwarto. Usually, kami kasi ang may ari ng school na ito, kaya sakop namin lahat ng nasa loob nito.

Ang clinic dito sa Evans Academy ay para na ring isang ospital. Madalas kasing may away dito, kaya ginawa nila mom na malaki yung clinic, kapag kasi may event na nagaganap, maraming gangs ang pumupunta kaya minsan nag kakasabaysabay yung mga pasyente, galing sa mga bugbugan.

Kaya tinawag na Evans Academy itong school na 'to, kasi Evans ang apelyido ni mom nung hindi pa sila mag asawa ni dad, si mom ang nagpapatakbo ng school na 'to.

Pagkalabas nung doctor, umupo muna ako dun sa tabi niya. Pinag masdan ko yung mukha niya, yung napaka amo niyang mukha, kahit natutulog siya, maganda pa rin talaga siya.

Kathrine POV.

Ang liwanag naman sa lugar na 'to. Teka! Gosh! Patay na ba ako? Oh my god! Wag po sana Lord please! Marami pa po akong gustong gawin! Bata pa po ako! May humawak sa balikat ko. Kaya napatalikod ako.

Napaka gwapong lalaki, sobrang gwapo niya, mukha siyang anghel, siya kaya ang susundo sa akin papuntang langit? Kung ganon sasama na ako sa kanya.

"Miss naliligaw ka ba?" Ang sexy pa ng boses niya.

"Ahhh hindi naman, Kathrine by the way." Sabay abot ko sa kanya ng kamay.

"Kiel." Nakipag shakehands naman siya sa akin. Teka, teka! Kiel? Pero, haysss baka naman pareho lang sila ng pangalan.

At ayun. Nag usap kami ng nag-usap tungkol sa kung ano ano. Tapos biglang dumating sa.........

"Kathrine may boyfriend ka na ba?" Biglang tanong niya.

"Ako? Wala, forever alone ako e." Sumigla yung mukha niya, pero parang may kaunting lungkot.

"I like you." Teka, I like you agad? First time pa nga lang natin na magkakilala e.

"I like you too." Biglang may lumabas na words sa bibig ko. Hayyyyy! Anu ba 'to.

Hahalikan niya sana ako pero bigla akong nagising. Panaginip lang pala lang pala lahat! Pag kamulat ng mata ko, nakita ko yung lalaki na nasa panaginip ko at titig na titig siya sa mukha ko, tumingin ako sa paligid ko, nasa clinic ata kami ng school, grabe ang gwapo niya pa rin.

"I like you." Biglang sabi ko. Nagtama naman yung mga mata namin. May naalala ako dito mga mata niya. Siya yung kaagaw ko ng Ice cream dun sa canteen. Oh my! Siya si Kiel! Yung bad boy! Did I just say I like you to him?! No way!

Nag smirk siya sakin. "I like you pala ha." Saka ako umiwas ng tingin, umalis rin siya dun sa pwesto niya, kanina nakatitig siya sa mukha ko, ngayon nakatalikod na siya sa akin. "I like you too." Bulong niya na rinig ko naman.

"I like you too?" Nag tataka kong tanong.

"Wag mo nang pansinin yung sinabi ko." Sabi niya sabay harap uli sa akin.

"Okay.... oo nga pala bakit ako nandito sa clinic?" Bakit nga ba?

"Nakita kita kanina sa room natin, mag kaklase nga pala tayo sa Math, nakahiga ka sa sahig, walang malay at dumudugo yung ulo mo kaya dinala kita dito." Well, mabait naman pala siya at nag abala pa siyang dalhin ako dito.

"Nag-abala ka pa." Saby irap ko sa kanya.

"Hindi ka man lang nag pasalamat." Aalis na sana siya pero hinawakan ko yung kamay niya.

"Thank you." At nginitian ko siya. Nag smile din siya sakin pero parang smile of pilosophy lang yung smile niya.

"Oh bakit? Nag thank you na naman ako ahh?" Sabay taas ng isang kilay. Nginitian niya na ako, yung totoong ngiti na, kaya nginitian ko uli siya, masaya din naman pala siyang kasama.

Sabay pasok naman ni Andrew sa kwarto.

"Kathrine ayo----" Napatingin siya sa kamay namin ni Kiel sabay alis ng kwarto. Binitiwan ko agad yung kamay ni Kiel, bumangon ako at hinabol ko sya.

"Teka lang, bakit ka naman umalis agad?" Hindi niya ako pinansin.

"Nagseselos ka ba?" Napatingin siya sa akin.

"Paano kung sabihin kong oo?" Ang lungkot ng boses niya, pero talaga bang nagseselos siya?

Did just Andrew Lim got Jelous?
-----------------------------------
A/N
Guysseuuuuu! Paki-correct kung may wrong grammar ako, you are free to comment and give suggestions, feeling ko kasi talaga meron eh. Don't forget to vote! Labyuuuuu!

Stupidly Inlove With A CheaterWhere stories live. Discover now