Introducing.....The Gangsters

1.2K 37 2
                                    

Isa-isa ko silang nakilala...

Ang mga walang hiyang nangtraydor samin nina Kiel at Ken noon.

Flashback.....

"Dre halika punta tayong tambayan..." Pag aaya ni Jon, sumunod na kaming buong barkada, hindi pala buo, may pinuntahan daw kasi ni Ronron yung syota niya, pumapag-ibig eh, handa na daw siyang magbago.

"Teka pre, CR muna, may call of nature eh." Sabi ni Kenneth, nagtawanan naman kaming lahat.

"Hoy! Matuto kang mag hintay! Ugok ka!, sasama ako!." Sabay batok naman ni Kiel kay Ken. 

"Mauna na kayo, susunod kame!" Dagdag pang utos ni Kiel.

"Yes boss!" Sarkastikong nina Tristan, Mark at Luke, at saka tumakbo palayo.

"Mauna na kami" sabi ko, at saka kami sumunod ni Jon dun sa tatlo. "Hoy mang intay kayo!" tawag ko sa kanila.

Siya nga pala, yung tambayan namin ay sa likod nung lumang building ng school, may chismis na may multo raw doon, pero hindi kami takot, wala naman kaming kinatatakutan, at isa pa matagal na kaming tumatamboy doon tuwing lunch at uwian, tahimik kasi dun, walang mga fangirls, alam niyo naman maraming nagkakagusto samin eh, sa pogi ba naman naming 'to?

Pagdating sa tambayan napakagulo, dati kasi nililinis namin 'to bago kami umalis, samantalang yung apat kong kasama walang pake alam.

"Hoy nanggaling ba kayo dito? Bakit parang ang gulo?" sigaw ko sa kanila. Nag smirk lang sakin si Luke, para bang alam niya kung anong nangyari, samantalang si Jon, Mark at Tristan, nakangiti, parang may hindi ako alam.

Sabay sabay silang tumingin sa isang kwarto at parang may ilaw dun sa loob nun, na-curious ako, para talagang may kung ano nang nangyayari kaya pinuntahan ko yung kwarto, pag bukas ko, SH*T! Si Ronron, ka-******* (RATED SPG) yung girlfriend ni Kiel, pag kakita ko nun, sabay namang dating nina Ken at Kurt, nilapitan ko sina Ron at sinuntok ito, si Clarisse (girlfriend ni Kiel) gulat na gulat sa ginawa ko, nag papanic siya at di alam ang gagawin.

Pumasok rin sina Ken at Kiel sa kwarto, nakitang naka-***** yung dalawa, kaya siguro alam na nila kung anong nangyari, binugbog naming tatlo ang traydor na si Ron habang yung apat ay naka-t*nga lang at parang natutuwa pa sa mga nang yayari, ilang saglit lang lumapit samin yung apat at hinawakan kaming tatlo, nagpumiglas kami pero tinali nila yung mga kamay namin, tinutukan din kami ng baril.

"Ano to ha?! Mga traydor kayo! Bwiset!" Pag wawala ni Ken.

"Trabaho lang 'to." Sabi ni Luke.

"Ano 'to ha?! Sa simula palang niloko niyo na kami?!" Sambit ko.

"Napag-utusan lang." Sabi ni Jon sabay tawa nilang apat, hindi kumikibo si Mark. Aba! biruin mo yun naka tayo parin si Ron? Pag kasabi nun ni Jon sabay pasok sa tambayan ng isang lalaki na hindi ko kilala, tinignan ko si Kiel at mukhang kilala niya ito.

"IKAW BA NAG  UTOS SA KANILA NA GAWIN 'TO?!" Sigaw ni Kiel dun sa lalaki.

"Oo ako nga." Sagot nung lalaki sabay kasa ng baril at tinutok niya yun kay Kiel. May tumunog naman na sirena ng sasakyan ng pulis, si Clarisse siguro ang tumawag dun kaya umalis agad yung limang traydor.

"Hindi pa tayo tapos." Sabi nung lalaki at saka umalis na din. Nadatnan kami ng pulis na nakatali, kaya tinanggal nila ang tali sa kamay namin at saka sila nagmasid ng paligid, pinauwi na rin kaming tatlo, sila na daw ang bahala.

Paglabas namin ng bulding...

"Teka Kiel sino ba yung lalaki kanina?" Tanong ni Ken.

"Siya si Bradley, step brother ko." Nagulat kami ni Ken sa sinabi niya.

"Kapatid mo naman pala e, bakit kayo mag kagalit? at gusto ka pa niyang patayin?" Nagtataka kong tanong.

"Mas pinili kami ni Dad, kesa sa kanila ng mommy niya. Simula nun naging mag kaagaw na kami sa lahat..." Sagot niya.

End of Flashback...

At ngayon ang tinutukoy kong limang traydor ay sina Jon, Luke, Mark, Ron at Tristan, bumuo sila ng sarili nilang grupo, at naturingan silang mga gangs dito sa school, samantalang kaming tatlo nina Ken at Kiel ay bad boys lang.

"Ngayong alam mo na kung sino kami, ibaba mo na yang baril mo" Sabi ni Jon.

"Mga traydor kayo, at hindi ako nagtitiwala sa mga traydor." Sabi ko...

Kathrine POV.

Gabi na ako makakauwi, lagot ako kay mama neto. Pano ba naman kasi pinatawag kami ni Shaheen (class president namin, VP lang ako) ng principal, mag bobotohan daw ng Student council, next next week, ako at siya ang na-assign na president ng dalawang grupo, kami na daw bahalang pumili ng members namin, dami ko tuloy gagawin.

Habang palabas ng school, nakita kong bukas yung ilaw sa storage room, kaya pinuntahan ko yung guard at nagpasama na puntahan yung storage room, pag dating namin dun, sumnilip muna ako sa bintana, Hala sya! Si Andrew! Tumawag ako ng pulis, meron kasing dalang baril yung limang lalaki, tapos may nakatali pang babae. 

Dumating na agad yung mga pulis pagtapos ng ilang minuto, pinuntahan nila kung nasaan kami, at pumasok dun sa  kwarto, sinilip ko naman sa bintana kung ano nang nangyayari, wala na yung limang lalaki at lumabas na rin yung mga pulis kasama si Andrew at yung babae.

Pagtapos kong kamustahin si Andrew ay umuwi na din agad ako, walking distance lang naman yung bahay namin hanggang school eh, pag pasok ng bahay....

"Bakit ngayon ka lang?" Bungad ni Mama sa akin.

"Bakit ka ginabi ng uwi ha?!" sigaw sakin ni kuya.

"Sorry pinatawag po kasi kami ng principal..." Di na ako pinatapos ni kuya.

"Bakit?! Gumawa ka ng kalokohan?! San mo natutunan yan?!" OA masyado si kuya. Hayy.

"Si kuya naman, hindi po ha, kinausap lang po kami ni Shaheen ng principal dahil may botohan next next week, natapat pa ako sa president" Buti naman di na niya pinutol yung sasabihin ko.

"Ahhh, kala ko may ginawa kang kalokohan e." Sabat ni Kenneth.

"Teka unggoy, bakit ka nga pala nandito?" Sabay turo ko kay Ken.

"Sinong unggoy?!" Galit na tanong ni Ken. Nag uusok na yung ilong at tenga niya, nagiging toro na siya.

"Ikaw." At tumakbo ako papuntang kwarto namin ni kuya at nilock ang pinto. Naupo ako sa kama ko at humiga, di ko namalayan na nakatulog na ako.

***

May biglang bumuhos na malamig na tubig sa bibig ko, napamulat ako at naibuga ito sa kung sino mang nagbuhos sakin, nabasa rin ang damit ko.

Kenneth!!!!!!

Stupidly Inlove With A CheaterWhere stories live. Discover now